" Anong status ng pasyente? " agad na tanong ni Carl sa mga tao na nasa ER kahit hindi niya pa alam kung sino ang kanyang pasyente. " Dok, until now hindi pa nagigising ang pasyente..nag-under-go na siya sa procedure ng citi-scan, hinihintay na lang namin ang result. " sagot ng isang nurse. " Ano ba ang sanhi ng aksidente niya? Nasaan ang files ng pasyente? " sunud sunod na tanong ni Carl. Natataranta namang iniabot ng isa pang nurse ang files ni Julai. Binuklat buklat niya ang files at nagulat siya na si Julai ang kanyang pasyente. Ngunit binundol siya ng kaba sa nalamang iyon? Si Angelito ba ang may gawa nito sa kanya? Tila nakakaramdam ng bigat sa dibdib si Carl. Kung nandito ang kanyang hipag at na-aksidente ibig lang sabihin niyon ay naiwan si Eliza kasama ni Angelito! Hindi tuloy m

