" N-nasaan tayo? " tanong ni Eliza pagkabitaw ng babae sa kanyang bibig. Ini-ikot ni Eliza ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanilang kinaroroonan. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa kanya. Wala siyang kaide-ideya kung nasaan sila. Minasdan niya ang babae na naupo sa harap niya at tumingin sa kanya ng seryoso. " Sa lugar kung saan hindi abot ng kanilang kapangyarihan, " nagsalubong ang kilay niya sa babae. Kanina pa malalalim ang pinagsasabi nito, parang may ibig siyang sabihin. Katulad kanina habang lumalayo sila sa lugar kung nasaan si Angelito, bawal niya daw banggitin o isipin man lang ang pangalan nito para hindi kami masundan. " Alam mo tama na ang kalokohan na ito! " naiinis na sabi ni Eliza sa kaharap. " Hindi ko alam kung bakit ba ako sumama sa'yo eh! Ayokong magalit ka...pero

