Naglalakad na si Eliza palabas ng simbahan, patungo na siya sa kinapaparadahan ng kanyang sasakayan. Naisipan niyang magsimba muna bago magpunta sa grocery, para makapagpasalamat man lang sa blessings na natanggap niya ngayong linggo. Siyempre, kasama na doon ang batang si Angelito. Sa totoo lang ay ipinagpapasalamat niya ang pagpayag ni Carl sa pag ampon kay Angelito. Sa wakas! Natupad na ang pangarap niya magkaroon ng munting anghel sa kanilang tahanan. Iniwan niya pansamantala si Angelito sa kapatid na si Julai, tutal wala naman itong gagawin ngayong araw. Natuwa nga siya at nagustuhan din ng kapatid niya si Angelito, iniwan niya itong magkasundo na nanonood ng dvd. Abala siya sa paghahanap ng susi ng sasakayan, nang biglang may humawak sa kanyang braso.. “Ikaw! Mag-iingat ka!” Isan

