Pagkukunwari

4410 Words

MARK GONZALES's POV Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ngunit tumambad sa mga mata ko ang lugar na hindi pamilyar sa akin. Ang alam ko ay dadalawin ko ang anak ko sa ospital. Dahil tinawagan ako ni Nanay, ang byenan ko na nagising na ang anak kong si Miguel. Nabalot ng tuwa ang puso ko dahil sa wakas ay nagising na ang anak ko makalipas ang mahigit dalawang taon. Hindi ko talaga maalala ang mga nangyari kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Madilim, akala mo ay nasa ilalim ka ng lupa sa mga ugat na nag-gagalawan pa yata! Mayroon din akong mga boses na naririnig na nakakakilabot sobra! Siguro kung ako pa rin ang dating Mark, baka isipin ko na sinundo na ako ni Satanas para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko. Na ito na ang impyerno at nandito na ako para sunugin ang kaluluwa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD