" Sinong nagbigay sa'yo ng permiso na patayin si Mark? Ako lang ang may karapatan! Tandaan mo iyan Angelito! " galit na galit si Arturo ng lapitan si Angelito. " Pa..papa! Binuyo lang niya ako. Nawala lang po ako sa sarili ko dahil sa galit. " pagpapaliwanag ni Angelito sa ama. " Magtigil ka! Hindi mo makontrol ang sarili mo pagdating sa mga ganyang bagay. Paano ka magiging prinsipe ng impyerno kung ang pagtitimpi ng iyong galit ay di mo magawa? " hindi pa din nawawala ang galit ni Arturo sa bata. " Paano kung napatay mo siya? Lahat lahat ng pinaghirapan ko ay sasayangin mo lang. Narinig mo? Lahat! Lahat! " Tila nahihintakutan si Angelito sa galit na ipinapakita ng ama. Napaatras ito sa madilim na sulok at doon nagtago. " Tsk! Hindi ka tumulad sa kakambal mo na matalino! Hindi basta ba

