Ang Pag-aalay ng 13 Kaluluwa

4004 Words

Natulala si Angelito sa narinig mula sa bibig ng kaniyang Lola. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam? Parang may kumukurot sa puso niya. Kung tutuusin hindi siya dapat makaramdan ng ganito, dahil sabi ng kanyang Papa ay ang mga taong mababait at malinis ang puso ang nakakaramdam nito. Tumingin siya sa bangkay ng kanyang Lola Maria. Halos wala ng matira dito dahil sa matapang na kemikal. Nakita niya ang isang puting tila usok na lumabas dito. Iyon ang kaluluwa niya. Ngunit mukhang hindi ito sa panig nila mapupunta dahil malinis ito. Walang bahid ng kaunting itim ang kaluluwa. Nagulat si Angelito ng biglang lumapit sa kanya ang kaluluwa at hinawakan siya nito sa pisngi. Ngumiti sa kanya ang Lola Maria niya bago ito lumipad pataas. Ang dibdib niya ay nakaramdam nanaman siya ng kurot sa puso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD