Special Chapter 10 — Ang Tunay na Laro sa Likod ng Lahat Hindi lahat ng laban ay natatapos sa pagkaharap ng kalaban. Minsan, doon pa lang nagsisimula ang tunay na banggaan. Tahimik ang loob ng warehouse. Pero hindi ito yung klaseng tahimik na payapa. Ito yung tahimik na parang may sumisigaw sa likod ng katahimikan. Si Lila ang unang kumilos. Isang hakbang pasulong. Kasabay si Adrian. Magkatabi. Magkapantay. Ngunit pareho nilang alam— hindi na sila basta bisita dito. “Finally,” ulit ng boses mula sa dilim. Dahan-dahang humakbang palabas si Elias Mercer. Mas malinaw na ngayon ang itsura niya. Hindi magulo. Hindi nagmamadali. Parang taong matagal nang naghihintay na dumating sila. “Ang dami mong time,” sabi ni Adrian. Ngumiti si Elias. “Hindi ako ang late.” Tumingin siy

