Special Chapter 9 – The Truth Behind the Grave Nanatiling tahimik ang buong penthouse. Pero sa katahimikang iyon Parang mas malakas ang ingay ng puso ni Alessandro. “My brother…” Hindi pa rin niya matanggap ang narinig. Patay na. Iyon ang alam niya. Iyon ang pinaniwalaan niya sa loob ng maraming taon. Kaya paano…? “Say something,” malamig ngunit kontroladong boses ni Selene. Nakatitig siya kay Alessandro, sinusubukang basahin ang reaksyon nito. Pero ang nakita niya Hindi lang galit. Kundi… takot. At iyon ang mas delikado. Dahan-dahang itinaas ni Alessandro ang phone pabalik sa tenga niya. “Whoever you are,” mariin niyang sabi, “stop playing games.” Mula sa kabilang linya Isang mahinang tawa. Pamilyar. Nakakabinging pamilyar. “You always hated losing, little brother.”

