bc

Kapitbahay 1&2 the Beginning

book_age18+
483
FOLLOW
2.9K
READ
love-triangle
sex
family
cheating
first love
friendship
rejected
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

Kwento nang isang binatang maagang namulat sa sekswalidad at pag-ibig, kaakibat nito ang pagtitiwala at pagkakaibigan na masusubok sa hamon ng panahon. Subaybayan ang kwento ni Aidan.

chap-preview
Free preview
Apartment
Chapter 1: apartment "May kasama nga pala ako sa bahay bunso.. babae si ate Laura mo, kaibigan ko pakabait ka ha. Mamaya pa yon uuwi.." sa haba ng byahe namin biglang nagsalita si ate Ai. "Kasama mo rin sa trabaho te.?" Tanong ko habang nakatingin sa mga sasakyan. Ganito pala karaming sasakyan sa maynila, lulan kami ni ate sa taxi. Kakadaong lang ng barko sa pier at ito nga sakay agad kami ng taxi pagkababa. "Oo, sorry kong dinala agad kita dito. Tayo na lang dalawa kaya ko naisip yon.." "Ok lang ate, masaya nga ako at isinima mo ako dito.." pero nanghinayang talaga ako, dahil November na malapit na sana akong makapagtapos. "Wag ka mag alala mag aaral ka sa susunod na pasukan..wala ka lang talagang kasama sa Cebu kaya, pasinsya na ha.." pisil ni ate sa balikat ko, tango lang ang tanging naisagot ko dito. Halos isang oras din kami sa kalsada bago nakarating dito sa east avenue. May kanto dito na papasok, sa tapat naman makikita ang city Hall ng Quezon City. At isang hospital. Nakabayad na si ate, ako naman patingin-tingin lang sa lugar. Maraming bahay, ang iba tagpi-tagpi at ang ilan ay pataas ang stelo ng bahay dahil na rin sa dikit-dikit ito. Kinuha na ni ate ang bag nito at naglakad na, papasok sa eskinita. Doon bumungad sakin ang yon nga bahay na dikit-dikit, Ilang kanto ng bahay sa pasukan ay tumapat kami sa tatlong bahay na magkatabi at parihas na tigdadalwang palapag. Isang lang daw ang may ari nito sabi ni ate, at yong pangatlo sa dulo ang bahay ng may ari. Sa gitna naman daw sila ate, at sa isa ay mag asawa. Pumasok na kami sa loob, maganda ang loob halos komplito sa gamit. Mula sa sala hanggang kusina, inilagay lang ni ate ang mga bag nito sa sofa at tumongo sa kusina. Ako naman umupo na lang sa bakanting sofa. "Halika bunso mag merienda kana,.." anyaya sakin ni ate. Umupo sa selya at kumuha ng isang tinapay tapos nagsalin ng juice sa baso.. "Pasinsya kana ito lang nakita ko sa loob ng ref, di pa kami nakapag grocery.." "Ok lang ate ano ka ba,.." tahimik lang kami na kumain, "Pagkatapos mong kumain bunso, akyat ka na lang sa taas. Yong sa kaliwa yon na ang magiging kwarto mo, magkasama naman kami sa iisang kwarto ng ate Laura mo.." nagtaka man ako bakit sila magkasama sa isang kwarto ay di na ako nagtanong pa.. Umakyat na nga ako sa taas pagkatapos kong mag merienda, nakarating ako sa tapat ng pinto. Kasunod si ate Ai,. "Hindi naka lock yan, walang susi yan bunso kaya wag mong e lock pag lumabas ka ha.." paalala nito at pumasok na sa silid nito. Ok, ito na ang magiging kwarto ko. Pumasok na ako, halata ngang walang gumagamit nito. Pero nalinis na siguro dahil wala man lang akong nakitang alikabok. Lumapit ako sa cabinet para doon ko ilagay ang mga damit ko at ilang gamit, naging busy ako sa aking ginagawa ng may nagsalita. si ate na sa likod ko. "Aalis lang muna ako saglit, bibili nang uulamin natin kaya ikaw muna bahala dito ha.." "Sige ate, ingat ka na lang.." ngumiti ito sa sagot ko. Tinuloy ko na ang ginawa ko, pagkatapos naghubad ako ng damit. May pawis na ako, short lang ang sinuot ko. Jersey short, at sumampa na sa kama. Nakahilata na ako sa kama ng pinalibot ko ang tingin sa loob ng kwarto, walang kulay ang dingding isang cabinet sa gilid at mesa at silya tapos itong kama. May bintana din sa tapat ng kama, bumangon ako para buksan yon. Para naman makita ko ang tanawin mula dito. Pagbukas ko isang bintana din ang nabungaran ko, wala pa lang akong magandang view dito. Sinara ko na lang ulit, naisipan kong matulog na lang. Ilang minuto na akong nakahiga di ako makatulog, maalinsangan kasi magtatanghali pa. Bumangon ako para buksan ulit ang bintana para naman may hangin na pumasok.Bumalik ulit ako sa paghiga, at yon na nakatulog na ako. **** Nagising ako ng may tumapik sa braso ko..dumilat ako at tingnan kung sino ang may gawa non.. si ate Ai lang pala nakatayo sa gilid ko. "Bakit ate..?" Tanong ko nang bumangon na ako. "Kain na, maghapunan na tayo..hindi na kita ginising kanina para magtanghalian dahil tulog mantika ka.." sabi nito. "Napagod lang siguro ate sa biyahe, anong oras na ba?" Tumingin ako sa labas ng bintana, madilim na ganon din sa kabilang bintana madilim din sa loob.. "Mag si-seven pa lang, mag ayos kana at bumaba baka lumamig na ang pagkain.." umalis na ito at lumabas. Tumayo na ako at kumuha ng tshirt, bago ako lumabas sa kwarto may napansin akong bulto ng Tao sa kabilang bintana. Hindi ko na lang pinansin at bumaba na. **** "Anong oras naman darating si ate Laura ate?" Tanong ko dito habang kumakian, sinigang na baboy ang ulam namin. Kanina pa sana ito sa tanghalian kaso nga tulog ako kaya ininit na lang ni ate. "Mamaya pa yon, Alam mo naman siguro dito sa maynila ang traffic.." sagot nito.. "Oo nga pala.. ano naman ang trabaho niyo..?" Tanong ko ulit.. "Oo nga pala di ko nasabi sayo ang trabaho namin, sa mall kami nagtatrabaho ni ate Laura mo." "Ah, magkano naman ang upa dito ate..?" "Sakto lang, dalawa naman kami ni Laura, wag mo nang alamin kami na bahala don. Ang gawin mo na lang ay kumain at matulog..hahaha" "Tapos na ako, pwede manuod ng tv.?" "Oo naman, sige na ako na ang bahala dito.." Tumayo na ako patungo sa sala, para manuod ng palabas sa tv. Tapos na ang balita mga teleserye na ang palabas, di naman ako mahilig sa mga ganon kaya nilipat ko sa sport ang channel. Sakto may basketball, NBA.." "Ikaw na lang bahala dito bunso matutulog na ako, maaga pa ako bukas.." paalam ni ate, umakyat na ito sa taas.. Tinapos ko lang ang laro, natalo ang gusto kong koponan. Lumapit ako sa pinto baka hindi naka sarado, naka lock naman pala. Kaya pinatay ko na ang tv at umakyat na rin ako sa taas, magpapahinga na ako. Pagpasok ko sa silid, nagdive ako sa kama. Tumihaya at nag muni-muni, ang bilis ng oras kahapon kasama ko pa mga kaibigan ko. Nalungkot sila na aalis ako at ako rin, pero ganon talaga wala na akong pamilya sa Cebu si ate na lang.. Patay ang ilaw sa loob ng kwarto ko, hinayaan ko na lang dahil matutulog na naman ako. Iidlip na sana ako ng bumokas ang ilaw sa tapat ng bintana ko, nakabukas pa rin pala ang bintana sa kwarto. Gaya ng sakin bukas din ang bintana sa kabila, may nakita akong tao sa loob. Kaya bumangon ako, isang babae? Nanatili lang ako sa kama habang nakaupo, maganda siya ha. Banaag sa pwesto ko ang pigura niya, nakadamit lang ito ng pambahay. Hapit sa katawan nito ang dilaw na damit at itim na maikling short. Humarap siya sa bintana, nahiya naman ako baka nakita niya ako kaya. Ibinaling ko sa ibang deriksyon ang mga mata ko. Alam ko naman ang ibig sabihin ng maganda, nagkagusto na rin ako sa opposite s*x. May naging girl friend na rin ako. Kaya hindi ko mapigilang sulyapan siya ulit, sa tingin ko pa nga magkasing edad lang kami. Maputi ito, halata ang biloy sa kaliwang pisngi nito. Hindi ito nakangiti pero ang mukha nito ay parang nakangiti na, matangos din ang ilong nito na bumagay sa maamong mukha niya. "Hi..!!" "Huh..?" Napansin kong nasa harap na pala siya sa bintana, nakita niya talaga ako.. "Sino ka..?" Ang lambing ng boses niya.. "Ah.. Ai--Aidan... i ikaw..?" Balik kong tanong sa kanya.. nakangiti ito sakin, kita ko tuloy ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito. Ang ganda ng ngiti niya. "Janine..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.2K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.7K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook