Napasaya at Namangha..

1408 Words
Chapter 12: NAPASAYA AT NAMANGHA....!!! Napasaya ako ng mga bagong kakilala, akala ko kasi ganon pa rin ang buhay ko dati sa Cebu. Istrikto kasi si Lolo, bahay at paaralan lang ako. Pangako niya raw yon kay mama at papa kaya ganon na lang kong makahigpit si Lolo, hindi ko naman sinuway si Lolo don wala rin naman akong balak na sumama sa mga naging kakilala at kaibigan sa mga gala nila. Kaya lumaki akong wala masyadong alam, naalala ko dati nong buhay pa ang mama at papa namin ni ate Ai. Kapag walang pasok si papa sa trabaho pinapasyal niya kami, pero yon lang pala ang una at huli dahil pumanaw na sila. Kaya laking tuwa ko talaga nang maranasan ko ang mga ito kasama sila, alam kong pinagtatawan nila ako pero wala akong pakialam dahil sa yon naman talaga ang totoo. Kahit nga hilong hilo na ako at masusuka ay tiniis ko masubukan lang ang mga bagay na bagong kita sa paningin ko, nagpapasalamat ako ng lihim sa kanila. Pero sa huli lumabas na talaga ang mga kinain ko, hindi nila ako pinabayaan. Ayaw ko pa man umalis sa lugar na ay pumayag na ako, nakarating kami sa mall. Nakakita na ako ng mga mall sa Cebu at larawan pero hindi ko pa nasubukan ang pumasok dito. Namangha talaga ako pagkapasok pa lang, maraming tao.. kung iniisip man nilang bata ako ay tatanggapin ko yon, kung hindi dahil sa kanila hindi ko ito mararanasan. Pumasok kami sa isang kainan na maraming tao, may mga tindahan din ng mga pagkain sa paligid nito. Bawat plato may presyo, ibang klasi talaga. Kumain na kami, sabi nila pagkatapos daw ay sa time zone kami pupunta. Hindi ko man alam ang mga sinasabi nila ay napapangiti ako, dahil bago na naman sa akin ang makikita ko. At alam kong masaya yon, hindi naman siguro nila ako lolokohin na sa totoo lang ay pwede nilang magawa pero hindi. Tama nga ang hinala ko, masaya ang pinuntahan namin na tinawag nilang time zone. Kakaiba ang nandito, puro laro klasi klasing laro. Hindi ko alam ang mga tawag don basta nanuod lang ako sa gagawin nila Lisa Mie at Janine. Alam kong halatang wala talaga akong alam pero pinilit kong mag obsirba muna, at nang ako na ang maglalaro dahil kay Mie ay laking tuwa ko..hahaha... Hindi ko alam kong gaano na ako katagal dito, basta laro lang ng laro. May mga piso silang nilalagay sa loob kaya ginaya ko rin sila pero ilang piso na ang hinulog ko sa loob ay hindi gumana ito kaya nagtanong na ako kay Mie. Sabi dito na token ang ihuhulog hindi peso, tinanong ko siya kong saan makakakuha non tinuro niya lang ang tao sa loob ng kwarto na salamin lang ang dingding kaya kita ito sa loob. Binigyan ko si ateng tindira ng isang libo, "ilan..." Sabi dito na nakayuko.. "Isa.." sagot ko.. "Pinagloloko mo ba ako..?" Tinaasan niya ako ng kilay, mataray pala si ate.. "Hindi po ate.." ang pagtataka kong sagot dito. "Siryuso ka.?" Tanong ulit nito, "Opo.." sagot ko ulit.. "Sabog ka ba boy..?!!" Bakit siya nagagalit.. "Po..??" Nagtataka na talaga ako sa babaing ito.. "Ito pera mo, lumayas ka sa harapan ko kundi babanatan kita...!!" Galit nga si ateng tindira..kinuha ko na lang ang pera at umalis na sa harap nito baka totohanin niya. Umalis akong may pagtataka sa nangyari, pano ako makakapaglaro nito. Lumapit na ako kay Janine pero abala na ito sa paglalaro, ganon din si Lisa kaya si Mie ang nilapitan ko. Sakto namang tapos na ito, "Mie, hindi ako binigyan." Sumbong ko dito.. "Huh..bakit naman..?" Tanong nito.. "Ewan ko, binigyan ko ng isang libo at tinanong ako kong ilan ang sagot ko isa...ayon nagalit na.." paliwanag ko. "Hayy...hmm.. ito twenty pesos bigay mo sa babae.. alam na niya yon.." sabi nito. "Eh, galit na sakin yon ikaw na lang.." pakiusap ko dito. "Hay.. ang tang... Oo na, ako na.." maktol nito...alam ko naman ang ibig sabihin niya..ngumiti na lang ako.. Pagkatapos niya don sa babae ibinigay na niya sakin ang apat na token.. "Magkano ba ang isang token..?" Tanong ko.. "Limang peso bawat isa, kaya galit sayo yong babae dahil akala niya isa lang ang kukunin mong token na limang peso ang halaga. Isang libo ba naman ang ibinigay mo, sige na laro kana maglalaro pa ako." Paliwanag nito sakin. Kaya pala galit sakin ang ate, malay ko ba. Eh sa hindi ko talaga alam. Madaling naubos ang token ko kaya imbis na sa ateng masungit ako pumunta ay kay Mie ako nanghingi ng token, galit ito pero binigyan naman ako. Hanggang sa kalaunan ay hinatak na ako palabas sa time zone dahil manunuod na raw kami ng sine, naririnig ko na ang sine na yan kaya nagagalak ako na makita yon. Sunod sunoran lang ako kay Mie dahil siya naman ang humihila sakin, pagpasok namin sa isang pinto natakot ako at napsigaw bakit naman kasi ang dilim dito. Takotan ba ito, dahil kong oo natakot talaga ako. Pero nawala ang takot ko at kaba ng may maaaninag akong mga tao lahat sila nakaupo sa mga upoang nakahilirang pataas at palapad, ito na nga ang sinihan. Sunod sunoran ulit ako kay Mie, naghahanap na kami ng uupoan, Sa unang pagkakataon namangha talaga ako, parang nanunuod ka lang ng pilikula sa bahay. Ang kakaiba lang madaming tao at malaki ang tv, nagulat ako dahil ang lalaki nila. At kasabay non para akong nahihilo na di ko alam, kaya bumulong ako kay Lisa.. "Nahihilo na naman ako.." ang bulong ko dito nang ilapit ko ang bibig sa tinga nito. Naamoy ko pa tuloy ang pabango nito, hindi ko makuhang ibaling sa ibang diriksyon ang tingin ko sa leeg nito. Naaaninag ko ang kaputian ng batok niya pataas sa ilalim ng tinga nito, sakto pagsagot niya ay lumingon ito sakin. "Ba-bakit naman Dan, eh wala na tayo sa amusement park.."sagot nito. Nagkasalubong ang mga mata namin, nagkakatitigan. Samyong samyo ko ang hininga ni Lisa, mabango ang hininga nito at konting konti na lang ang pagitan ng mga labi namin. Naaakit ako sa ganda niya, sa mapupulang labi niya. Hindi ko pinansin ang mga sigaw ng mga tao dahil sa ayos namin ni Lisa, parang kay sarap nitong halikan sa kanyang mga labi na alam kong malalambot ito. Ilalapit ko na sana ang mga labi ko dito para ito ay halikan ng mahilo na naman ako, "na-na-nalulula ako Lisa, ang lalaki kasi ng mga tao dyan sa liwanag na yan." Sabi ko dito.. "Tugs..!!" "Aray...!!hiyaw niya.. "Aray...!!" Reklamo ko dahil masakit ang pagkakauntog sa ulo ko dito. umayos na ako nang upo, bumalik na kami sa panunuod ng pilikula, pambihira tinigasan ako don. Pilit kong pinakalma ang sarili ko buti na lang at matakutin ako at napasigaw na lang. Madali kong nakalimutan ang kanina, nang biglang lumitaw ang killer sa likod ng babae nagulat kaming lahat dahil sa tunog nito. Napahawak si Mie sa braso ko dahil malamig ang kamay nito ay para akong napatalon at natapik ko pa tuloy ang inumin ni Lisa... "Kyahhh....!!" Ang sigaw ko... "Ano ba yan Aidan, kong matakot ka parang mamatay kana. Tignan mo ang drinks ko natapon....!!" Bulyaw nito sakin, mabuti na lang at medyo madilim dito sa loob kundi kitang kita nila ang pamumula ko. Oo napahiya ako kaya humingi na lang ako agad ng tawad dito.. "So-sorry Lisa..." "Ok lang..." Ang sagot naman nito.. Narinig kong may tinanong si Janine kay Lisa pero hindi ko alam kong ano, maingay na naman kasi ang mga tao. Nanunuod na lang din ako pilit kinalimutan ang nangyari, nakita kong tumayo si Lisa dumaan ito sa harapan ko sakto namang sumigaw na naman ang mga tao kaya nadadala ako at napasigaw na lang din. Hindi ko na lang pinansin si Lisa ng huminto ito sa harap ko, inabala ko na lang ang sarili ko sa panunuod. Kahit ganon ang ginawa ko naghintay pa rin naman ako kong anong gagawin niya, pero wala at tuloyan na itong umalis pababa at lumabas. Sinundan ko na lang ng tanaw ito, alam kong ako ang dahilan kong bakit siya lumabas. Balak ko na sana siyang sundan ng pigilan ako ni Mie, " hayaan mo na siya, babalik din yon.." sabi nito. Natapos ang pilikula ng hindi ko napanuod ng maayos dahil sa isang taong hindi na bumalik, napapaisip ako dahil don. Lumabas na kami ng silid na yon, hinanap ng mata ko ang babae. Nasulyapan ko siyang papalapit kaya nagkunwari akong sa time zone nakatingin. Nakikinig lang ako sa usapan nila at nagka yayaang wag munag umuwi.. Isang sulyap ang binigay ko kay Lisa at maging ito sakin, sana hindi galit sakin si Lisa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD