Chapter 28: si MIE at si LANDO..!! "Ihatid muna ako Lando, malamig na kasi.." sabi ko dito habang hinihimas na ang mga braso ko.. "Ok sandali lang, ipapasok ko muna ito sa loob.." pinag sama-sama na nito ang mga plato tapos dinala na niya sa loob, saglit lang bumalik na ito at may dalang jacket na itim.. agad niyang pina-suot sakin na hindi ko naman tinanggihan, gentleman ang gago nawala na ang lamig na kanina ay na nunuot sa kalamnan ko. Sabay na kaming naglakad, patungo sa bahay.. "pasinsya ka na kanina Ai, hindi ko nasabi sayo agad.." bigla itong nagsalita sa gilid ko, kaya napatingin ako dito..at ngumiti.. "Kasalanan ko yon, dumating na pala ang tatay mo wala ba akong pasalubong.." biro ko dito..na ikinangiti nito.. "Nakalimutan daw niya, nalaman kasi niyang hindi mo ako sinagot..

