Kinilig si Ate

1308 Words
Chapter 26: KINILIG SI ATE....!!! "Siya nga pala ate, nagpunta dito si Janine kanina. Bayad sa renta daw.." sabi ko agad dito ng inalalayan siyang makaupo sa sofa dito sa sala.. "Oo nga pala, nakalimutan ko. Iiwan ko na lang sayo ang pera bukas,.." tumango lang ako sa sinabi nito, "Ah ate, wala tayung ulam. Ako na lang ang bibili sa labasan, mamaya pa kasi yun si ate Laura.." sumang-ayon naman si ate at kumuha ng pera sa bag nito at inabot niya na sakin. "Salamat ate, pahinga ka muna..saglit lang ako.." tango lang ang sinagot ni ate at dali dali naman akong lumabas, panigurado gutom na ang ate.. Malapit na ako sa labasan ng makasalubong ko naman si Lisa at Mie, ilang araw na bang hindi ko sila nakikita. Nang makalapit na kami sa isa't-isa ay nagbatian lang naman. "Oh Aidan, long time no see ah. San ang punta mo.." ang daldal talaga nitong si Mie, habang tahimik naman na nakamasid lang itong si Lisa.. "Ah sa labasan lang bibili ng ulam.." sagot ko naman.. "Tamang tama, sa bahay ka na lang.. may handang maliit na salo-salo si tatay.. may ulam don.." an-yaya nito. "Eh, nakakahiya naman.." "Wag ka nang tumanggi, tara..!!" Hinila na ako ni Mie kasunod namin si Lisa, wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako.. "Eh san naman kayo galing,..?" Sabi ko na magka-panabay na kaming maglakad tatlo, binitawan na kasi ako ni Mie.. "Kaka-hatid lang namin ng mga kaibigan diyan lang sa labasan,.." sagot ni Mie, siya lang yata ang kasama ko. Pagkatapos non, tahimik na kaming naglakad pabalik at patungo sa bahay nila Mie. "Bakit gabi na eh bibili ka pa ng ulam Aidan, " nagsalita na ang tahimik kanina, nasa harapan na kami ng bahay nila Mie. Hinintay lang naman namin si Mie dahil pumunta pa muna ito sa tindahan, di ko alam kong ano ang pinunta niya don.. "Kakauwi lang ni ate, tapos nakalimutan niyang bumili ng ulam. Kaya ito nakasalubong niyo ako,." Sagot ko dito.. "Ah..." Tanging sagot niya, Wala naman akong maisip na sabihin pa dito, awkward tuloy..sakto naman dahil nakita ko na si Mie parating.. "Sorry sa pag antay, tara pasok na Aidan.." hinila na naman ako nitong si Mie.. Pagpasok namin, may mga ilang tao. Pero halos lahat may mga edad na, nakita ko si kuya Lando na may kausap na may edad nang lalaki habang may mga hawak na baso. Sa isang salita nag inuman sila, napansin din naman niya ako. "Oh, andito ka pala." Sinalubong niya ko at pinakilala sa kausap nito..na nalaman kong ito pala ang tatay nila.. "Tay, si Aidan po kapatid ni Ai. Aidan tatay ko si Rolando Sr." Pakilala nito.. "Kapatid mo nga si Aiken, Aidan kamukha mo kasi siya sa picture.." sabi nito.. "Oo nga po," tanging na-sagot ko dito.. "Lando, Mie punta na kayo sa kusina at isama niyo na si Aidan at Lisa..." Sabi dito at bumalik na sa tingin ko ay mga kaibigan nito.. Hinila na naman ako ni Mie, kaya sumonod na lang ako. "Ah, guys. Si ate nga pala..." Bigla kong naalala si ate,.. "Ako nang bahala Aidan, kumain ka na lang diyan..Mie ikaw na bahala sa kaibigan mo.." Sasagot pa sana ako ng hinila na naman ako ni Mie, ang hilig naman ng babaing ito ang manghila..pero nagkamali pala ako hindi si Mie ang may hawak sa braso ko kundi si Lisa, nakangiti ito sakin. Bakit ang tamis ng mga labi niya, at ang cute pa nang mga mata..nahawa pa tuloy ako at ngumiti na rin.. *** Kaka-baba ko lang galing sa taas dahil nagbihis na ako kaka-tapos ko lang kasi maghugas ng katawan, mabuti naman at magaan na ang pakiramdam ko. Naghanda na ako sa mesa dahil sigurado parating na si Aidan, sasandok na sana ako ng may kumatok sa pinto. Ano naman kaya naisip ng kapatid ko at kumatok pa, hmm baka na-lock niya ang pinto. Inilapag ko na lang ang plato at sandok sa mess at tinungo na ang pinto tapos agad binuksan. Ngunit hindi si Aidan ang napag-buksan ko kundi si Lando.. "Hi.." bati nito.. "H-hi..a-anong ginagawa mo dito..g-gabi na ah.." hay pag-ibig nga naman, nakaka-utal.. "Ah..n-nasa ba-bahay si Aidan...!!?" See ganon din siya.. tika bakit nasa bahay nito ang kapatid ko.. "Ano, ano naman ang ginawa ng kapatid ko dun. Bumili ng ulam yun sa labasan ah..!!" Napasigaw pa tuloy ako.. "Ah..." Natakot pa yata sakin si Lando.. Sinara ko na ang pinto, at mabilis na akong naglakad sa daan. Naramdaman ko na lang ang lamig ng gabi dahil sa suot ko, naka-pantulog na pala ako. Manipis na t-shirt at short, bahala na. Mali-lintikan talaga sakin ang batang yun.. Naramdaman ko namang sumonod na sakin si Lando, pilit yata niya akong hinahabol dahil sa mabilis ang paglalakad ko.. "Tika lang Ai, hintayin mo ko.." dinig ko dito pero hindi ako nakinig, bagkos mas lalong binilisan ko pa ang paglalakad. Saglit lang nasa tapat na ako ng tindahan nila Lando, sarado na ito. Baka nasa loob ito ng bahay, lintik na batang yun gutom na ako tapos nagawa pa niyang mangapitbahay ng dis-oras ng gabi.. Tuloy-tuloy lang ako sa bahay nila, nakita kong bukas ang pinto kaya agad akong pumasok dito at biglang natigilan.. Bakit madami yatang tao, anong meron? Tumigas na yata ang buo kong katawan, tanging ang itim sa aking mata ang gumalaw. Lahat sila nakatingin na sakin, halos lahat pa naman dito puro lalaki. Nakita ko na rin si Aidan, nakaupo sa tapat ng mesa at nakatitig sakin.. Nang may humila sa braso ko kaya napa-sunod ako sa kung sino mang taong yun at magpapa-salamat. "Oh my goodness Lando salamat.." bigla ko itong nayakap, at natauhan agad kaya tinulak ko ito.. "Sayang naman,.." sagot nito, umopo na ako dito sa pahabang upoan nila sa tapat ng tindahan. Dito kasi niya ako dinala, "Bakit hindi mo sinabi sakin na madami pa lang tao sa bahay niyo...!!" Pagalit kong sabi, nahiya talaga ako at nan-liit kanina.. "Hinabol nga kita kanina para sabihan ka eh ang bilis mo naman..." Tumabi na rin ito sakin, as in dikit talaga kaya pinandilatan ko ito ng mga mata kaya umatras ito.. "Ate..." Napalingon ako sa tumawag sakin, ang kapatid kung ewan. "Isa ka pa, bakit ka nandito? Sabi mo bibili ka nang ulam tapos makiki-kain ka lang pala sa ibang bahay.." "Ate naman, .." akmang lalapitan niya ako, kaya hinarang ko ang mga kamay ko dito. "Uwi na tayo,..!!" Sabi ko tapos tumayo na.. "Nope.." pinigilan ako ni Lando kaya tiningnan ko ito ng may pagtataka. "Lando..!!" "Nandito ka na, kaya kumain ka na dito.. dahil sa nahihiya ka sa suot mo ikukuha na lang kita ng pagkain..at wag ka uuwi.." pigil na naman nito sakin dahil tatayo na naman ako.. "Ikaw naman brad, balik na sa loob tapusin mo na ang pagkain don.." sabi ulit nito at inakbayan na ang kapatid ko, sinundan ko na lang sila ng tingin.. Saglit lang ang paghihintay ko ng bumalik ito, may dala na itong pagkain. Tapos inilapag niya sa tabi ko at aktong aalis na naman kaya pinigilan ko, at hinawakan na ang braso niya. Binitawan ko naman agad dahil nakuryinte yata ako.. nagkatitigan kami nito, nakabawi naman ako agad.. "A-ah..saan ka pupunta?" Tanong ko dito.. "May kukunin lang saglit, babalik din ako agad.." "Bilisan mo lang ha.." hindi na tuloy ako makatingin dito na diritso.. Nakaalis na ito at nasa pinto pa rin ng bahay nila nakapako ang mata ko, kakaiba yung kanina ah. Alam ko ang ibig sabihin non, hehe kinilig pa yata ako.. Di ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala ito.." Ai, ok ka lang.?" "Ah..." Nakita ko itong nakatayo sa harap ko na bitbit na maliit ng mesa, inilapag naman niya ito sa harap ko tapos nilipat na niya ang mga pagkain dito at umupo na siya. "Ok ka lang ba..?" Tanong nito ulit.. "O-Oo..sige kakain na ko.. kanina pa pala ako gutom.." Inamin ko na naman na mahal ko din siya, pero bakit sumubra pa. Kaya sa pagkain na ako humarap, dahil kung sa kanya baka di ko mapigilan na halikan siya..hehe ano ba yan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD