“Nanay, nandito ka!” masiglang sabi ni Samara, ang bumasag sa kanilang katahimikan. ibanalik ni Samantha ang kaniyang tingin sa anak tsaka ngumiti at hinagkan ito sa nuo. “Oo anak, pero sandali lang ha.. Umm sumama ka muna kina Ninang Calla at Tita Mira mo may kakausapin lang si Nanay” ani ni Samantha sa anak, bago nilingon ang dalawang babae sa kaniyang likod Lumapit naman ang dalawa at si Calla na ang bumuhat sa kaniyang anak. Kahit nag dadal-dal na naman ito. “Bye, mga kuya pogi” pahabol pa ng bata habang palayo na ito “Aalis narin kami” ani ni Stepen at hinila na sa siko si Clark, dahil mukhang wala pa itong balak umalis at gusto pa atang manuod at makinig sa usapan nina Fritz at Samantha Nang maka alis ang dalawa, ay saglit na katahimikan at parang wala pang gustong unang ma

