CHAPTER -1
“Oh tilapiya, tilapiya kayo d'yan mga suki halina po ka'yo fresh na fresh pa ang isda ko, este ang mga isda natin mga suki” malakas na sabi ni Samantha sa mga taong dumaraan sa kaniyang paninda. Maingay at magulo sa palengke, maraming tao ang namimili lalo na‘t tuwing hapon.
Papunta‘t-parito ang mga taong namamalengke, Habang nag tatawag ng kostomer si Samantha ay naagaw ang pansin niya sa isang ginang na bigla na lamang nag si-sisigaw habang humihingi ng tulong.
“Mag nanakaw, tulong!” Malakas na sabi ng ginang at t'yempo namang paraan sa tindahan niya ang lalaking kawatan. Kaya naman kinuha ni Samantha ang dalawang malaking tilapiya at ibinato iyon sa lalaki.
“Tilapiyaaa!” Aniya bago niya pakawalan sa mga kamay niya ang isda upang ibato sa lalaking kawatan
Sapol namang tinamaan ng isang isda niya ang nuo nito, dahilan upang mapa hinto ito at mawalan ng balanse sa pag tayo ang kawatan. habang ang isang isda naman na ibinato niya ay tumama sa pag mumukha ng isang lalaking pumatid sa paa ng kawatan. Kaya nanlaki ang mata niya at napa kagat ng ibabang labi dahil lumanding sa kabilang nuo ang kaniyang isda.
“Patay” naka ngiwing wika ni Samantha, tsaka napa kagat na lamang siya sa kaniyang kuko.
Samantala first day vacation ni Fritz sa probinsya ng Mindoro at kasalukuyan siyang nasa palengke. dahil sinamahan niya ang kaniyang tiyahin sa pamimili ng lulutuin nito para sa kanilang hapunan.
Satwing walang pasok sa school ang binata ay bumibisita siya sa probinsya kung saan naka tira ang kaniyang tiyahin. ang tiyahin na siyang kini-kilala niyang ina. Dahil ito na ang nag aruga at nag paramdam sa kaniya ng isang pag mamahal ng ina. na kahit kailanman ay hindi niya naramdaman sa tunay niyang ina.
Pagka pasok palamang ng binata sa pamilihan ng mga isda ay naagaw na kaagad ang kaniyang pansin sa isang ginang na humihingi ng tulong dahil tinangay ang wallet nito.
Nakita niyang patakbo malapit sa gawi niya ang lalaking snatcher. kaya naman ay mabilis ang naging kilos niya upang harangin ito. gamit ang kaniyang binti ay pinatid niya ang paa nito, subalit bago paman niya maiharang ang kaniyang sarili dito ay bigla na lamang may lumanding na isang isda sa kaniyang guwapong mukha
“Awtch! Sh*t” aniya at hinawakan ang kaniyang mukha, palagay niya ay nagka palit na ang mukha nila ng isda dahil ramdam na ramdam niya ang hapdi ng kaniyang mukha kung saan tumama ang isda
“So-sorry, pa–pasensya na po hindi kopo sinasad'ya. Bakit po kasi pa harang-harang ka tinamaan ka tuloy” wika ng babaeng kakalapit lamang, na palagay niya ay ito ang bumato sa kaniya ng isda.
Sisinghalan na sana ni Fritz ang babae, dahil naka ramdam narin siya ng hapdi sa kaniyang balat. Subalit bigla na lamang siyang natigilan at parang nag slow-motion sa kaniyang paningin ang maganda at simplemg mukha ng babaeng kaharap. Na ngayon ay patuloy parin sa pag hingi ng tawad sa kaniya.
Napaka ganda ng babae, kahit napaka luma ng kasuotan nito at naka tali ang mahaba nitong buhok kaya kitang-kita niya ang buong kagandahan nito. Kahit siguro sako ang ipasuot dito ay mag mumukha parin itong nakaka-akit na modelo ng sako at nakaka tawag pansin talaga ang angkin kagandahan nito.
“Jusko! iho, ayus kalang ba? Nako may sugat ang nuo mo” wika ng tiyahin ni Fritz
“Mawalang galang na ho Ma'am, pasensya na ho. hindi ko po talaga sinasad'yang matamaan siya ng isda ko, este nang paninda ko” nahihiyang wika ni Samantha at hindi na nila nilingon ang lalaking snatcher, dahil dinampot na ito ng mga tanod.
Habang si Fritz naman ay hindi niya parin inaalis ang kaniyang mga mata sa magandang mukha ng dalaga. Parang gusto niyang kutusan ang kaniyang sarili, dahil iyon ang first-time na matameme siya. Dahil sa babae, babaeng probinsyana at tindera pa ng mga isda sa palengke. Ibang-iba sa mga babaeng naka sanayan niya sa syudad
“Hindi ako tumatanggap ng sorry, pero iba ang gusto kong kabayaran. Kung hindi ka papayag ay mapipilitan akong ipaalis ang puwesto mo dito sa palengke” ani ni Fritz na ikina putla naman ng dalaga
“A-ano, ho bang gusto niyo” kina kabahang wika ni Samantha, ayaw niyang mawala ang puwesto nila sa palengke. dahil mahihirapan siya sa araw-araw na pag titinda kapag walang permanenteng puwesto
“Dinner with me sa bahay” saad ni Fritz at parang gusto niya tuloy bawiin ang kaniyang sinabi, dahil mabilis tumutol kaagad ang kaniyang pasaway na utak
'Sh*t bakit ‘yun, diba puwedeng one night date, haayst humihina kana ata' hiwaw ng isipan ni Fritz
“Si–sige” kunot-nuong tugon ng dalaga, dahilan upang mapangiti ang kaharap.
*
"Hey bro, sabi nanga ba dito kita makikita eh” wika ni Stepen ang matalik na kaibigan ni Fritz.
Bumalik naman sa kasalukuyan ang isipan niya at napailing na lamang siya. dahil na aalala na naman niya ang unang pag-kikita nila ng dating nobya
Kasalukuyan siyang nasa bar, upang aliwin ang kaniyang isipan at sarili. dahil kahit nasa trabaho siya at inaabala naman niya ang kaniyang sarili ay hindi parin mawala-wala sa kaniyang isipan ang dating nobya. Ang dating nobya na kaytagal niyang pina nanabikan makita, subalit hindi naman siya kumikilos upang hanapin ang babaeng nag-iisang mahal niya. Gusto niya na ang tadhana mismo ang mag tatagpo sa kanila sa isang lugar na hindi nila inaasahan.
Kaninang umaga ay may ka business meeting siya, nagulat siya ng mapag sino iyon. Ang isa sa matalik na kaibigan ng dating nobya, at nang matapos ang kanilang meeting ay saglit silang nag-usap hanggang sa mabanggit nanga nito ang pangalan ng kaniyang dating nobya.
Kaya heto siya ngayon nasa bar na pag mamay-ari ng pinsan niya. Pumupunta lamang siya doon kapag gusto niyang aliwin ang sarili.
“Hey ang lalim ng iniisip ah” saad nang kaibigan at tinignan siya nito ng may panunudyo. tsaka ito naupo sa kaniyang harapan na may naka pagitang babasaging lamesa na hanggang tuhod lamang.
“tsss, bakit ba?” iritado niyang tugon, utsaka inisang lagok lamang ang alak na nasa shotglass na hawak niya
“Hinahanap ka saakin ni Mica, nag punta siya sa condo ko. akala niya ata nanduon ka” sagot ng kaibigan, at ang tinutukoy nito ay ang babaeng matagal ng nag kaka-gusto sa kaniya. Gustong-gusto ng kaniyang mga magulang si Mica Alvararo. dahil isang business tycoon ang ama nito at matalik na kaibigan iyon ng kaniyang ama.
“So anong sabi mo?” aniya at nilagiyan ulit ng alak ang shot glass na gamit nila.
“Wala hinayaan ko nalang halughugin niya ang unit ko at hayun galit na galit umalis. by the way pinapa-bigay nga pala ni Clark nung isang araw pa 'yan. Nasa Paris ka kase, kaya saakin na niya ibinigay at e abot kona lang daw sa'yo. meron rin ako niyan” wika ng kaibigan tsaka inilapag ang isang envelope sa harapan niya. bago kumuha ng fried chicken wings
“Ano 'to?” Kunot nuong sabi niya sabay kuha niyon.
“invitation, merong gaganaping reunion party sa Function hall ng Doña Fatima Memorial school, after ten years bro ngayon lang pinlano ang Reunion ng Highschool batch natin noon. mukhang makikita na natin ang mga ka batch natin siguro mga pamilyado na 'yung iba” saad ng kaibigan, mukhang excited ito sa parating na reunion party
“tsssk, hindi ako intiresado. Ikaw nalang ang pumunta” aniya, tsaka kinawayan ang manager ng bar upang sabihin dito na bigyan siya ng dalawang babae at dalawang babae rin para sa kaibigan niya.
“No bro, iwas muna ako sa mga babae, good boy na 'to” mayabang na sabi nito na ikina taas naman ng kaliwang kilay niya. Katulad niya ay dakilang babaero rin ito, hindi makontento sa isang babae lamang. kaya satuwing pupunta siya ng bar ay dalawang babae ang ginagamit niya.
Hindi naman siya babaero nuon, matino siyang lalaki. Subalit nang masira ang relasyon nila ng dating nobya ay nag bago ang lahat sa kaniya. Mahigit pitong taon mag mula ng iwan niya si Sam, dahil mas inuna niya ang kaniyang mga magulang at kagustuhan ng mga itong ipakasal siya sa ibang babae. Upang hindi bumagsak ang kanilang kumpanya
“iwas muna ako d'yan bro, kami na ni Karen” rinig niyang wika ng kaibigan. Kaya maging siya ay nawalan narin ng gana dahil muli na naman sumagi sa isipan niya si Samantha.
“Hi boys” malanding sabi ng babae nang maka lapit ito sa kaniya at kaagad itong naupo sa kandungan niya paharap at pabukaka sa mga hita niya.
“Sabihan mo ako kung mag bago ang isip mo ha, tomorrow 6:pm. I need to go bro, kailangan kong umiwas sa tukso, mahirap na. enjoy f*cker” wika ng kaibigan tsaka tumayo na ito at iniwan siya nito.
Nag patuloy siya sa pag inom, habang hinahayaan niya lamang ang dalawang babae na kung saang parte na ng katawan niya umaabot ang mga kamay ng mga ito. habang pinag hahalikan naman ang kaniyang leeg, maging ang kaniyang pisngi. patuloy ang mga ito sa pag landi sa kaniya, subalit wala siyang gana upang tugunan ang mga ito. kaya hinayaan na lamang niya ang dalawa