CHAPTER -2

2072 Words
Kina umagahan, nagising si Fritz dahil sa malakas na boses ng kaniyang ina. kahit ayaw pa niyang gumising dahil sobrang ina-antok parin siya lalo na't madaling araw na siyang naka uwi at hangover parin siya dahil naparami ang kaniyang nainom kagabi. At kahit hindi niya itanong kung paano siya naka uwi ay alam na niya ang kaniyang pinsan ang nag hatid at umalalay na naman sa kaniya. “Susmeryosep! Fritz tanghali na hindi ka parin naka bangon, ang secretary mo tumawag may apat na meeting kang hindi na puntahan!” Malakas na sabi ni Farah sa anak. “Ma, umaga palang huwag muna kayong rumatrat, ang sakit ng ulo ko. please huwag niyo— “Anong umaga ka d'yan, 2:25 pm na Fritz ayan nangaba ang sinasabi ko, huwg kang mag lalasing kung hindi mo kaya. tignan mo pati kompanya kinalimutan mona. Hala bumangon kana d'yan dahil may meeting kapa sabi ng secretary mo mamayang 4:30pm” ani ng ina sabay hila ng kumot na naka takip sa mukha niya. “Ma! mamaya na please ten minutes lang” aniya habang naka pikit parin ang kaniyang mata. “Nand'yan si James kaya bumangon kana” ani ng ina at ang tinutukoy nito ay ang kaniyang nag-iisang pinsan. “D*mn, okey fine!” iritado niyang tugon, parang gusto tuloy niyang batukan ang kaniyang pinsan dahil may bahay at condo naman siya. pero bakit sa bahay pa ng mga magulang niya siya dinala nito. Bumangon na siya at nag tungo muna ng banyo upang maligo, nang maka tapos sa kaniyang sarili ay bumaba narin siya at sa sala palang ay nakita na niya ang kaniyang pinsan kausap ang kaniyang ama. “Nandito na pala ang magaling mong pinsan iho, sige maiiwan kona kayo” wika ng kaniyang ama, masama parin ang loob nito dahil sa kaniyang ginawa noon. “tsss, alam mo naman kung nasaan ang bahay at condo ko. Dito mopa ako dinala g*go” aniya ng maka lapit siya sa pinsan “Eh dito ang mas malapit eh, oh naiwan mo, grabe tinulugan mo 'yung dalawang babae kagabi” hindi maka paniwalang sabi ni James, sabay abot ng kaniyang wallet at ang invitation na bigay sa kaniya ni Stepen kagabi. “Thanks, pupunta kaba?” Aniya at ang tinutukoy ay ang Reunion party nila mamaya, kaklase niya ang pinsan nung highschool pa lamang sila, pero nagka hiwalay rin sila nang pinapasukan ng mag kolehiyo na sila. dahil pinadala ito sa US upang duon mag patuloy sa pag-aaral “Yup, baka makita ko si Graciela duon, alam mo naman crush na crush ko 'yun” tugon ng pinsan. Kaya napa isip rin siya kung pupunta ba siya o ano. * “Tuloy ka iha, huwag kang mahiya” naka ngiting wika nang babae at kung hindi nag kakamali si Samantha ay ito ‘yung tiyahin nang lalaking binato niya ng isda Pinaunlakan niya ang kagustuhan ng lalaki upang hindi nito maipa alis ang puwesto niya sa palengke. Napag alaman ni Samantha na pag mamay-ari pala nang pamilya ng lalaki ang palengkeng bagong tayo lamang sa kanilang bayan. Kung saan siya nag titinda “Salamat ho” mahinang tugon niya nang maka pasok na siya sa pamamahay nito. Napaka simple ng loob ng bahay at halatang panahon pa ng mga kastila dahil sa mga maka lumang desenyo. Ngunit napaka aliwalas sa paningin, halatang alagang-alaga, dahil napaka linis at animoy kahit konting alikabok ay mahihiyang dumapo. Napaka kintab rin ng mga muebles na yari sa nara. “Fritz iho, nandito na si—ano ngaba pangalan mo iha?" Ani ng ginang at inayos ang suot nitong salamin sa mata. “Samantha ho” mahinang tugon niya “Napaka gandang pangalan, kasing ganda mo iha. Ako nga para si Korra tiyahin ni Fritz, pasensya kana sa isa na'yun ha.” “Ha? Eh ayus lang po, salamat po” nahihiya niyang tugon. “Hala sige maupo ka muna iha at pupuntahan ko muna ang isang 'yun” saad ng ginang at tinanguan naman ng huli ilang minutong pag hihintay ay bumaba na ang lalaki, hindi mapigilan ni Samantha ang mapa singhap at mapa-tulala dahil sa kakisigan at ka guwapuhan ng lalaki. Hanggang sa hindi na niya namalayan na naka tayo na pala ito sa harapan niya habang may naka paskil na pilyong ngiti sa labi nito. “Hey ang laway mo tumutulo Ms.” wika ng lalaki sabay hawak sa baba niya upang isara ang naka awang niyang bibig 'Anak ng tinapa! Nakaka hiya as-in ba talaga tumulo ang laway ko? Aarg nakaka hiya talaga, nahuli pa niya akong napa tulala sa kaniya' tili ng isip ni Samantha, nang maka bawi sa pagka pahiya ay tumikhim muna siya, bago pekeng ngumiti “Talaga? Ay sorry” aniya at parang gusto paniyang sabunutan ang kaniyang sarili, dahil parang may pagka maharot ata ‘yung pag sasalita niya. Tumawa naman ang binata tsaka hinawakan ang kaniyang siko upang matanggal ang naka takip sa bibig niya “I'm just kidding, ang cute mo pala kapag nahihiya” naka ngiting saad ng binata, kaya naman mas lalong nag-init ang mag kabilang pisngi ni Samantha. Pakiramdam niya ay sobrang pulang-pula na ang mga pisngi niya “Hmm by the way, what's your name?”ani ng lalaki “Sa-Samantha ho” kina-kabahang tugon niya “Hey are you scared of me?” naka ngising saad ng lalaki “Po? Hindi po” tugon ni Samantha at pinilit ang sarili na huwag ipahalata sa kaharap ang kanina pang kaba na nararamdaman niya. “Hi Samantha, I'm Fritz ummm, puwede bang huwag mona ako e po at opo feeling ko tuloy napaka tanda kona?” wika ni Fritz sabay lahad nito nang kanang kamay. Ngumiti naman ng tipid ang dalaga bago tinanggap ang kamay ng kaharap “Hi Fritz” tipid niyang sagot. “Let's go, baka nag hihintay na si Tita sa Dining area at lumamig ang pagkain” saad ng binata. Nanatili lamang tahimik si Samantha at hindi siya maka kain ng maayos dahil laging naka tingin sa kaniya ang binata. ilang sandali lamang ay naunang maka tapos kumain ang tiyahin ng binata kaya naiwan na lamang ang dalawa. Parehong tahimik lamang ang mga ito. Habang naka tutok parin ang mga mata ng binata kay Samantha “ma–may dumi ho ba ako sa mukha?” hindi mapigilang wika ni Samantha, dahil kanina pa talaga siya naiilang sa paraan ng pag titig sa kaniya ng kaharap Umiling naman si Fritz tsaka napangiti “Wala naman, hindi ko mapigilang huwag tumitig eh. Ang ganda mo kasi” tugon nito, na ikina pula naman ng pisngi ng dalaga “Salamat po Ma'am napaka sarap po lahat ng mga pagkain na inihanda niyo po” wika ni Samantha nang maka tapos na sila sa pagkain ay nag paalam narin siya sa mga ito na uuwi na siya. “ihahatid na kita” pag prisinta ng binata at ito na ang nag dala ng sling bag nang dalaga “Ha? Pe-pero?— “Wala nang pero-pero, sumakay kana dahil hindi ako tumatanggap ng rejection.” mahina subalit malamig na wika ng lalaki. Wala namang nagawa si Samantha, kundi ang mapa simangot at sumakay na lamang sa sasakyan ng lalaki. “Salamat sa pag hatid” nahihiyang wika ni Samantha, nang maka rating na sila sa tapat ng kanilang bahay “Sige, pumasok kana sa loob bago ako umalis” wika ni Fritz kaya lihim na napa ngiwi ang dalaga, dahil palagay niya ay parang ina-Under siya ng binata. Samantala iyon palang ang unang araw na magka sama sila at magka kilala Ilang araw ang lumipas kasalukuyang magka harap muli sina Samantha at Fritz. Nag-yaya ang binata na kumain sila sa labas at hindi naman iyon tinanggihan ng dalaga “Samantha puwede ba akong mang ligaw sa'yo?” Wika ng binata na halos mag pasamid kay Samantha, dahil nagka taong umiinom siya ng tubig. Ilang araw na ang nakaka lipas mag mula ng yayain siya ng binata kumain sa bahay nito. upang hindi mapa alis sa kanilang puwesto sa palengke, pagka tapos ng gabi na iyon ay ang akala ni Samantha ay iyon na ang huli nilang pag haharap ng binata. Subalit nagka mali siya bagkus ay nasundan pa iyon. Hanggang sa naging madalas na ang kanilang pag labas at pag kikita halos araw-araw nang pumupunta ang binata sa bahay ng dalaga. At heto kasalukuyan na naman silang magka harap habang kumakain sila ng pritong saging. Pagka tapos nilang kumain ay ang akala ni Samantha ay uuwi na ang binata dahil tumayo ito at humarap sa kaniya. “Ha? Ligaw? Eh eighteen palang ako. bata pa ako Fritz” wika ni Samantha, tsaka pinunasan ang bibig gamit ang likod ng palad niya. “Nasa legal age na tayo Sam, I'm twenty one at eighteen kana” saad ng binata “Pero— “Wala nang pero-pero, I told you before, hindi ako tumatanggap ng rejectio. At naka usap kona ang nanay mo at nasa sa'yo lang raw ang sagot, kaya huwag kanang tumanggi. Mula ngayon liligawan na kita” wika ni Fritz na nag pamaang sa dalaga. * “Tapos ano pong sagot mo kay Tatay?” Tanong ng anim na taong gulang na anak ni Samantha, ang nag pabalik sa kaniya sa malalim na pag babalik-tanaw mula sa naka raan. Kasalukuyang nasa sala ang mag-ina at nag papakuwento ito kung paano sila ng kakilala ng ama nito. “edi pumayag na ako, may magagawa paba ako, eh ayaw tumanggap ng rejection ng tatay mo” paismid niyang sagot sa anak. “hala, tsaka na mag kukwento si nanay ha nextime ulit anak, sandali lang bubuksan ko muna ang pinto” wika ni Samantha, tsaka tumayo na dahil biglang may kumatok sa pintuan ng bahay nila. “Hello bruha, oppps! Ba't naka gan'yan kapa? Wala kang pasok?” ani ni Calla ang matalik na kaibigan ni Samantha, tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi na siya nag taka pa, kung bakit nag tatanong ito. Dahil naka pang bahay lamang ang ayus niya at hindi siya naka uniform bilang sales lady sa isang Cellphone Center. Siya si Samantha Gomez Tan, ang batang ina, sa edad na disi-otso ay maaga siyang nabuntis. Kinaya niyang itaguyod ang kaniyang napaka ganda at napaka bait na anak na si Samara, at kahit maaga siyang naging disgrasyada ay hindi parin nawala ang pag suporta niya sa kaniyang ina at dalawang kapatid na nag-aaral. kaya kahit mahirap ay doble-doble ang kayod niya. Nag pa part-time job siya at sa isang araw ay tatlo ang kaniyang trabaho. Tindera siya sa maliit na karenderya at one hundred pesos lamang ang sagod niya sa loob ng limang oras, 7-am to 11am ang oras niya duon. At sa tanghali naman ay waitress rin siya sa isang kilalang restaurant na tanging mayayaman lamang ang kumakain duon. 1-pm to 5pm naman ang oras niya duon at sa gabi naman ay isa siyang malboro girl sa labas ng exclusive bar. Kung ano-ano na ang niraraket niya basta marangal at maitaguyod lamang ang pang araw araw nila. Si Samantha na ang nag silbing Ama at ina sa mga kapatid niya. May sakit ang kanilang ina at hindi na pwedeng mapagod ito, kaya naka higa lamang ito. At inaalagaan at ito rin ang nakaka sama ng kaniyang anak satuwing may pasok sa paaralan ang dalawa niyang kapatid. Habang siya naman ay tumatakbo ang kaniyang oras sa pag tatrabaho. “Hindi nag bukas 'yung pinapasukan ko, may alam kabang ibang raket d'yan? Sayang ang oras ko kung tutunganga lang ako dito at mag hihintay ng bukas.” aniya sa kaibigan. “Kaya nga ako nag punta dito eh. Kulang kasi kami ng dalawa, eh naisip kong ikaw nalang ang isa at bahala na si Ma'am Reyes mag hanap ng isa pang waitress. Bali sampo tayong lahat” tugon ng kaibigan “ay talaga, go ako d'yan saan 'yan?" Aniya "Sa Doña Fatima Memorial School sa Laguna mamayang 5pm dapat nandun na tayo, dahil alasais mag start ang party” sagot ng kaibigan “Ay bruha ka! Bakit ngayon molang ako pinuntahan, dapat kanina mopa sinabi. Hala eh go na! Mag bibihis muna ako at aalis na tayo, baka ma traffic pa tayo babaita ka!” aniya, at iniwan na ang kaibigan tsaka nag madaling pumasok sa loob ng kuwarto upang mag bihis. Mabuti na lamang ay naka ligo na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD