“Nanay aalis kana po?” wika ni Samara na ngayon ay naka upo na sa kanilang higaan at mataman lamang siyang pinapanuod ng anak.
“oo anak, kailangan umalis ulit ni Nanay, para may pam bili tayo ng bagong sapatos mo.” aniya at hinagkan sa nuo ang anak.
“opo Nanay, pag uwi mo po kuwentohan mo ulit ako tungkol kay Tatay ha” wika ng anak, kaya mapait na lamang siyang napangiti sa anak.
“Bagay na bagay sa'yo ang uniform natin bruha” masayang sabi ng kaibigan tsaka pumalakpak pa ito. pagka tapos niyang maisuot ang uniform nila bilang waitress. Kulay itim iyon, hindi siya nag mukhang silbidora sa kaniyang suot. Hakab na hakab ang kaniyang uniform sa kaniyang kasexyhan. Hindi iyon umabot sa tuhod niya, kaya litaw na litaw ang makikinis at mapuputi niyang mga binti. Naka pusod naman ang mahaba niyang buhok at nag lagay rin siya ng kaunting lipstick sa kaniyang labi. Upang hindi siya maputlang tignan
Sa kanilang tatlong mag kakapatid ay siya lamang ang naiiba. at hindi na siya nag tataka dahil nabanggit na sa kaniya ng ina niya ang tungkol sa totoo niyang ama. Dalgang ina ito nang mapang asawa nito ang kinilala niyang ama. ang tatay ng dalawa niyang kapatid.
“Che, bolahin mopa ako Calla” pairap niyang sabi sa kaibigan.
“Asuss malay mo bruha, dito mona pala makikilala ang magiging step father ni Samara, nako puro mga mayayaman pa naman at panigurado marami rin nag gu-guwapuhang bachelors” mahinang tili ng kaibigan
“Hay nako ewan ko sa'yo Calla, lumabas nanga lang tayo. Mukhang marami na ang dumating” ani na lamang niya sa kaibigan. Mag mula ng iwan at mabuntis siya ng lalaking una niyang minahal ay hindi na muli siya tumanggap pa ng manliligaw. ibinaling na lamang niya sa pag tatrabaho at sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang anak ang kaniyang oras at atensyon.
Samantala sa kabilang dako naman ay napag disisyunan ni Fritz ang dumalo sa Reunion party. Dahil narin sa pag pupumilit ng kaniyang pinsan at naging pabor naman sa kaniya ang oras na iyon. Dahil napag isip-isip niya rin na matagal nanga pala niya hindi nakikita ang mga kabatch niya nung highschool at gusto narin niya maka meet ang mga ito. iilan lamang sa mga naka batch niya ang hanggang ngayon ay nakaka salamuha niya lalo na't iilan sa kanila ay nakaka sama na niya sa Business world
“Stepen, where are you?” aniya habang seryosong nag mamaneho sa kaniyang most expensive Bugatti La Voiture Noire Car na nag kakahalaga ng mahigit eighteen point seven million dollars
“kararating kulang bro, nandito narin sina Clark at James” tugon ng nasa linya, hindi na siya nag salita pa at ibinaba na ang tawag tsaka binilisan ang kaniyang pag mamaneho.
ilang minuto lamang ay narating narin niya ang lugar na halos sampong taon niyang hindi napuntahan, at heto muli siyang tatapak upang makita at makasama sa pagtitipon na iyon ang kaniyang dating mga kakilala at naging kaibigan.
“Aguilar?” Patanong na tawag ng kung sino sa kaniya. Kaya napa hinto siya sa pag lakad
“Allen Gomez?” paniniyak niya sa lalaking lumapit sa kaniya, natatandaan niya ito dahil kaklase niya ito nuon. At kung hindi siya nag kakamali ay ito ang binansagang f*ckboy campus nila noon dahil napaka babaero nito.
“hey mabuti naman naka punta ka, i heard from Clark nasa Paris ka” saad nito, hindi na lamang siya nag salita at nginitian ang dating kaibigan tsaka magka sabay na silang pumasok. tsaka na lamang niya ito uusisahin kung kamusta na ito kapag nasa loob na sila, hindi niya ugaling maki pag usap sa labas. lalo na‘t marami rami narin ang mga nag sisidatingan.
Pagka pasok pa lamang ni Fritz ay bigla na lamang nag ring ang kaniyang phone, kaya kinuha niya iyon sa suot niyang block Tuxedo suit at habang hindi naka tingin sa harapan ay kamuntikan na niyang mabangga ang isang napaka sexy na babae. naka talikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. tsaka lamang niya napag sino ito nang humarap na ito sa kaniya
"Sorry Ms—Arsie Del Fiero, oww hi how are you sexy lady?” naka ngiting wika niya sa babae. Natatandaan niya ito, ito ang babaeng madalas nilang pag tripan noon, dahil ito lamang ang naiiba sa lahat ng mga kababaihan lalo na‘t napaka weird nito wala man lang ka ayus-ayus. Pero pag dating sa katawan ay pang Ms universe talaga. At palagay niyang wala man lang nag bago sa itsura nito, dahil ganuon parin ang mukha nito, pero masasabi niyang mas lalo itong sumexy
Nang makuha niya ang kaniyang phone ay pinatay niya muna iyon, upang walang maka abala sa kaniya sa gabi na iyon. Lalo na‘t napansin niyang napaka daming nag gagandahang mga babae na nag mula pa sa Royal family ang iba
“tsss, wala ka paring pag babago Fritz, tsss still babaero parin” saad nito at inirapan muna siya bago tinalikuran
“bro, akala namin natulog kana sa daan. Kanina kapa namin hinihintay” wika ni Clark at kasama nito ang babaero niyang pinsan na si James
“sh*t look pre, wala parin kakupas-kupas ang ganda parin ni Janella Cristobal, diba niligawan mo'yan nuon?” ani Clark sa kaniyang pinsan.
“kaso binasted” naiiling niyang sabi sa dalawa at nag patuloy na sa pag lakad.
Lumapit siya sa gawi ng mga nag gagandahang mga kababaihan, una niyang napansin sa mga ito. ang babaeng magaling sa pag dedebate nnon, lagi niya rin ito nakaka sagutan. Si Aliyah Belle Gomez, nabalitaan niya rin galing kay James na isa na itong ganap na Abogada
“Hi Girls” aniya ng maka lapit siya sa mga ito. tsaka binalingan ng tingin ang babaeng katabi ni Alliyah at kung hindi siya nag kakamali ay Lorileine Acosta ang pangalan nito
“Hi Mr Aguilar, glad to see you here” malanding wika ng isang babae. At lihim siyang napa ngisi dahil natatandaan niya ito subalit hindi niya lang maalala ang pangalan ng babae. Basta ang alam lang niya ay isa ito sa mga babaeng naging parausan niya noon.
“Tsss, tumatakbo na naman ang pagiging babaero ng utak mo Fritz, bumalik kana dun kina Allen” masungit na wika ni Eula Valderama, ang Valedictorian nila noon. Napapailing na lamang siya ng ulo dahil wala parin pag babago ang ugali nito sa kaniya, sinusungitan parin siya nito. At hindi naman niya ito masisisi dahil binalak rin nila itong pag tripan noon, subalit hindi natuloy dahil kaagad naka rating sa babae ang Plano nilang pag tripan ito
“Fritz pare, kamusta?” Wika ng isang lalaking humakbay sa kaniya, kunot nuon naman niya itong binalingan ng tingin
“Matthew Alarcon, ikaw lang pala ‘yan Governor, by the way congrats pre, kay Clark kopa nalaman na Gobernador kana pala ngayon” aniya at pasimpleng tinanggal ang braso ng dating kaibigan. Dahil Ayaw na ayaw niya talagang hina-hakbayan siya ng kapwa lalaki
“thanks pre, balita ko isa ka ng successful business man” tugon nito
“tsss, huwag mona natin pag usapan ang tungkol sa negosyo, mas mabuting isayaw nalang natin ‘tong mga nag gagandahang binibini” aniya na ikina ngisi naman ng lalaki
Pagka tapos maisayaw ni Fritz ang limang kababaihan ay sunod naman niyang nilapitan ang babaeng crush ng kaniyang pinsan na Si Graciela Zobel. Hindi naka takas sa paningin ni Fritz ang pagiging balisa ng babae, kaya nang akmang lalapitan na sana niya ito. Subalit hindi na niya naituloy, dahil kaagad itong nag tungo ng ladies room. Kaya napa kamot na lamang siya ng batok dahil mukhang may problema ang babae na iyon. Alam niya ang tungkol kina Graciela at Clifford. kaya marahil ay balisa ito dahil nakita niyang dumating na si Clifford Guzman
Nag palinga-linga na lamang siya upang mamili kung sino ang isasayaw niya sa mga babae. Hanggang sa makita niya si Mariyah at ito na lamang ang niyaya at kinulit niyang sumayaw
“Oh my god, Fritz hindi ako sumasayaw” natatawang wika ng babae
“Sumasayaw kanga dati noong highschool ng itik-itik” natatawang tugon niya sa babae, kung hindi siya nag kakamali ay pinsan ito ni Graciela. At wala na siyang balak mag tanong dahil na aaliw siyang kasayaw ang babae, dahil masaya itong kasama
Habang sa kabilang dako naman ay halos mabitawan na ni Samantha ang hawak na tray na pinag lagyan ng mamahaling alak. at pakiramdam niya ay naipako ang kaniyang mga paa sa kina tatayuan niya. at muling nanumbalik ang sakit at hapdi ng nakaraan na idinulot ng isang lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya sa gabi na iyon. halos Pitong taon narin ang huling pag-uusap at pag-kikita nila ng dating nobyo At ngayon ay heto nakikita ng dalawang mata niya ang lalaking masayang nakiki pag sayawan sa ibang babae. si Fritz Aguilar ang ama ng kaniyang anak, ang lalaking pinag alayan niya ng kaniyang puso‘t kaluluwa.
‘walang hiya’ mahinang bulong niya kasabay ng mga luhang dumaloy sa kaniyang pisngi at parang sirang plakang bumalik ang masasaya at masakit na alalang kasama ang lalaking unang minahal