CHAPTER -4

1335 Words
Flashback! “ano naman ang laban ko kay Mica na 'yon eh ganda lang naman ang meron ako diba? hmm siya anak ng congressman, maganda rin, may magandang trabaho, mayaman at higit sa lahat gusto siya ng buong angkan mo na maging asawa mo.” malungkot na wika ni Samantha, habang sila ay magka hakbay na nag lalakad sa gilid ng kalsada. Malapit sa Lapu-Lapu monument, Luneta Park. Gabi at maraming tao narin sa lugar na iyon, may mga mag-kakaibigan, mga couples at iba ay mag-isa lamang. Madalas sila roon ng nobyo tuwing gabi, kapag oras na ng uwian, galing sa pinag tatrabahuan niyang Restaurant bilang isang waitress ay sinusundo siya ng kaniyang boyfriend. upang mamasyal muna o kumain sa labas at dahil malapit lamang ang pinag tatrabahuan niya sa Luneta kaya madalas na sila roon gabi-gabi Mahigit isang buwan pa lamang siya sa maynila, dahil sa kagustuhan niyang maka pag trabaho at lalong lalo na ang makita ang kaniyang pinaka mamahal na nobyo. Huminto sila sa pag lalakad at hinarap siya ng binata tsaka hinawakan ang kaniyang mag kabilang pisngi. “Ay Ms Samantha Gomez Tan. Ikaw lang po ang gusto at mahal ni Mr Fritz Aguilar okey. kahit si Mica pa ang gusto ng mga tao para saakin, ikaw naman ang mahal na mahal at gustong-gusto ng puso ko promise.” Malambing na wika nang binata tsaka hinagkan siya nito sa nuo bago hinawakan ang mga kamay niya at dinala iyon ni Fritz sa labi upang halikan ang likod ng palad niya. “Alam ko naman 'yun eh” malungkot na tugon niya, kaya muling hinawakan ng binata ang kaniyang magka bilang pisngi tsaka hinagkan ang tungki ng kaniyang ilong. “Hindi ka naman ata convince eh, look at me mahal, ngayon rin mismo ipag sisigawan ko sa lahat kung gaano kita kamahal” naka ngiting wika ni Fritz, pagka tapos ay iniwan nito saglit sa kinatatayuan ang nobya. tsaka umakiyat sa hagdan ng Lapu-Lapu monument, at nang maka rating sa pinaka dulo ay tinawag nito ang pansin ng mga tao ruon. Maging ang mga nag lalakad ay tinawag rin nito at naki usap na huminto muna saglit at makinig. “Excuse me, excuse me, excuse me po, sandali lang po. Puwede poba kayong makinig saakin, sandali lang po. Excuse me 'yung mga nag lalakad na mag babarkada. huminto muna kayo saglit please. sandali lang po ito at makinig po kayong lahat. Ako po si Fritz Aguilar na nandito ngayon, na sumusumpa't- nangangako at pinag sisigawan ko kung gaano ko kamahal si Samantha Gomez Tan. at nanga-ngako akong walang ibang mamahalin kundi si Samantha lamang. Ms Samantha ikaw lang ang aking pinaka mamahalin wala ng iba pa” malakas at buong pag mamalaking wika ni Fritz ,tsaka tinuro ang gawi ng nobya. Na ngayon ay halos mag kulay kamatis na ang magka bilang pisngi nito. Nag palakpakan naman ang lahat ng mga tao sa paligid at mas lalo pa dumami ang mga iyon. Napansin rin ni Samantha ang mga kababaihan na sobrang kini-kilig at napapa sana all na lamang habang sila ay bini-videohan Kaagad nilapitan ni Samantha ang nobyo na dinaig pa ang nanga-ngampaniya. may pakaway kaway pa ito ng kamay at bumabaw pa habang pina-palakpakan naman ng mga tao. Hindi mapigilan ni Samantha ang mamula lalo, dahil sa sobrang kahihiyan. sobrang siyang mahiyain lalo na't hindi siya sanay na sakaniya naka tuon ang mga mata ng karamihan. Kahit isang buwan palamang siya namamalagi ng maynila ay dalagang probinsyana parin siya. “Oo na oo na, naniniwala na ako bumaba kana d'yan haayst nakaka hiya mahal” mahinang wika niya at hindi na niya maitago ang panga-ngamatis ng kaniyang pisngi “Samantha ikaw lang, always remember that, I love you so much mahal” naka ngiti at malambing na wika ni Fritz “Mahal rin kita mahal, kaya bumaba kana d'yan, kung ayaw mong iwan kita dito—ayy!” hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla na lamang siyang mapa tili. Dahil sa biglaang pag hawak sa kaniya ni Fritz sa magka bilang kili-kili at itinaas dahilan upang mapa akiyat siya. Para lamang siyang batang binuhat niyo, palibhasa ay hanggang dibdib lamang siya ng lalaki Nang magka pantay na silang dalawa, ay buong pusong nag sakop ang kanilang mga labi. dahilan upang mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao na naroroon. End Of Flashback! “Huy anong nangyare sa'yo? ba‘t ka umiiyak d'yan?” napa balik sa kasalukuyan ang isip ni Samantha, nang tapikin ng kaibigan ang kaniyang braso. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. maging siya ay nag tataka rin dahil napa iyak na pala siya sa kaniyang pag babalik tanaw sa naka raan nila ng dating nobyo, na dapat ay matagal na niyang kinalimutan. “ayus lang ako, I–ikaw na ang mag dala ng mga ‘yan Calla, sa–saloob nalang ako. tutulong sa mga hugasin” wika ni Samantha sa kaibigan, habang pini-pigilan lamang niya ang mga luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata. “bruha, ano bang problema? Naiiyak ka oh. Sino bang nakita mo ba‘t ka nag kaka-ganyan? Tumabi kanga diyan at titignan korin” saad ng kaibigan at pinasingkit pa nito ang mata upang tignan, kung saan siya naka tingin kanina. “nandito siya, Calla nandito si Fritz” basag ang boses na sabi niya at hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha. Bakas naman ang pag-kagulat sa mukha ng kaibigan. Kaagad nitong kinuha ang kaniyang hawak na tray. upang hindi niya mabitawan at sa takot narin na baka mabasag nila ang mamahaling mga baso na may lamang expensive wine. Hinila siya ng kaibigan sa isang sulok upang yakapin at pagaanin saglit ang kaniyang kalooban. “bruha, sigurado kabang si Fritz 'yon? baka nag mamalik mata kalang Sam, diba nasa ibang bansa na si Fritz” saad ng kaibigan, nabalitaan nila mula sa tiyahin ng lalaki. Isang taon ang naka lipas nang makita nila ang ginang sa isang event. Kung saan kasama ito sa mga bisitang dumalo at nagka taon namang silbidora silang dalawang ni Calla at doon nga'y saglit silang nag kumustahan ni Aling Korra at nabanggit nga nitong nasa ibang bansa naraw umano ang binata. “sigurado ako Calla, siya ang nakita ko. Matagal ko siyang pinapanuod, kaninang pag pasok pa lamang niya, ay akala ko ay nag mamalik mata lamang ako. Pero rinig na rinig ko Calla, tinawag siyang Fritz nung isang lalaki. Kaya hindi ako puwedeng magka mali siya nga. Si Fritz nga iyon, Calla anong gagawin ko? Ayaw ko nang mag kita pa kami” aniya at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi niya “May problema ba dito?” ani ng isang babae na hindi na nila namamalayang naka lapit na pala sa kanila. gulat na gulat ang dalawa at takot rin sila na baka mapagalitan sila nito lalo na‘t ito ang kumuha ng serbisyo nila “Ma'am Eula, pasensya na ho, ma–masama raw ho ang pakiramdam ng kaibigan ko. bigla siyang nahilo” pag dadahilan ni Calla “ganun ba, Samantha Right? umm mag pahinga ka muna saglit at kapag okey kana ay puwede ka ng mag trabaho. gustohin komang pauwiin kana ay hindi pa puwede, dahil mahihirapan ang iba kapag kinulang sila. kaya mag pahinga ka muna saglit okey” saad ng babae “opo, salamat po Ms Eula” tugon niya, matapos mag paalam ng babae kasama nito si Calla, ay naiwang mag-isa si Samantha. Napapa tulala na lamang siya at satwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata ay ang mukha ni Fritz ang kaniyang nakikita. Ayaw na niyang makita pa ang binata, pagka tapos siya nitong saktan, lokohin at durugin. tsaka iniwan at ipinag palit na siya nito sa ibang babae. Kasalukuyan parin siyang naka upo sa isang sulok sa may kadiliman. Naka pikit ang kaniyang mga mata, habang dumadaloy parin sa pisngi niya ang mga luhang punong-puno ng sakit, galit at pighati na dinulot sa kaniya ni Fritz Aguilar .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD