CHAPTER -5

1656 Words
Flashback! Nang hihinang humarap si Samantha sa kaibigan, at dahan-dahan inangat ang kaniyang kamay at ipinakita sa kaibigan ang resulta ng kaniyang Pregnancy test Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng kaibigan at napa tutop pa ito sa sariling bibig nito. Habang si Samantha naman ay pinag halong takot, kaba, saya at panghihina ang kaniyang nararamdaman. Natatakot siya dahil Eighteen palamang siya at wala siyang alam sa pag-aalaga ng isang sanggol. kina-kabahan rin siya, dahil hindi niya alam kung paano ipag tatapat sa kaniyang ina at mga kapatid, Ang tungkol sa kalagayan niya at ang sayang nararamdaman niya ay dahil sa mag kaka-anak na sila ng lalaking mahal niya. Subalit kaagad rin napawi ang saya na ‘yon nang maisip na nag-aaral pa pala ang nobyo at konti na lamang ay matatapos na ito. Hindi niya alam kung anong gagawin, napaka bata paniya para maging isang ina at kaya nga siya huminto sa pag-aaral, upang maka pag hanap buhay para sa pang araw-araw nilang apat at para sa pambili ng gamot ng kaniyang ina na may malubhang sakit at sa pag papaaral niya sa dalawang kapatid na kambal. Ngayon paano pa siya mag tatrabaho ng mabibigat kung sinabi na sa kaniya ng ob-gyn na bawal siyang mag pa istress at mag bubuhat ng mabibigat. Dahil makaka sama raw iyon sa kaniyang pinag bubuntis “oh my God! bruha ka, ba‘t ka nag pabuntis?” gulat na ani ng kaibigan “hi–hindi ko naisip na mang-yayare ito, na–natatakot ako Calla. ako lang ang kumakayod para sa pang araw-araw namin nina nanay at ng mga kapatid ko. Hi–hindi ko alam kung makakaya koba gayung may sanggol sa sinapupunan ko. Oo blessing itong binigay ni Lord, pero napaka bata kopa Calla. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung makakaya koba?” wika ni Samantha, habang nangi-ngilid ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata “Kaya mo iyan, ikaw rin ang may sabing blessing 'yan ng nasa itaas. tsaka hindi ka naman nag-iisa, nandito kami at nand'yan si Fritz, pareho niyo 'yan binuo. kaya dapat pareho niyong harapin iyan” wika ni Calla “Pero— “wala ng pero-pero bruha, ayusin mo ang sarili mo at pupuntahan natin si Fritz. hindi puwedeng mag-isa kalang mag di-disisyon tungkol d'yan. Sabihin mo sa kaniya ang tungkol sa pinag bubuntis mo, tsaka ka mag disisyon kapag narinig mo ang side niya. Kaya halika na at sasamahan kita” ani ng kaibigan tsaka nito hinawakan ang kamay niya upang lumabas na ng clinic “Calla sigurado kabang ngayon na natin sasabihin?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan ng maka pasok na sila sa Penthouse ng nobyo Kilala na siya ng mga gwardiya sa gate, dahil madalas siyang dalhin ng binata sa penthouse nito, at sa dalawang beses na may nangyari sa kanila ng nobyo ay ang penthouse nito ang naging saksi sa kanilang pag mamahalan. saksi kung gaano niya niya kamahal ang nobyo “bakit kailan mo balak sabihin? Kapag malaki na ang tiyan mo? oh mukhang nand'yan si Fritz. Kaya tara na” ani ng kaibigan nang makita nito ang kotse ng nobya niya. Kaya naman ay nag pahila na lamang siya sa kaibigan at ewan ba niya kung bakit iba ang pakiramdam niya. Para siyang kinakabahan na hindi niya mawari kung bakit Nasa tapat na sila ng pinto at nang akmang kakatok na sana siya, subalit hindi rin niya natuloy nang mapansin niyang naka bukas ang pinto, subalit hindi lang iyon naisara ng maayos Nagka tinginan muna sila ng kaibigan, at ng makita niyang tumango ito ay huminga muna siya ng malalim. Bago dahan-dahan itinulak ang Pinto. inihanda na niya ang kaniyang matamis na ngiti, subalit kaagad rin iyon napalis. Bagkus ay napa awang ang kaniyang mga labi dahil sa labis na pagka gulat sa eksenang nasa harapan niya. Para siyang isang kandila na unti-unting nauupos. Nang hihina ang kaniyang mga tuhod at naninikip ang kaniyang puso sa labis na sakit, parang pinipiga hanggang sa tuluyang madurog ang kaniyang puso sa kaniyang nasaksihan, para siyang sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa kaniyang likod hanggang sa tumagos iyon sa kaniyang puso. Hindi siya maka paniwala sa nakikita niya na ang lalaking nangako sa kaniya na hindi siya sasaktan at siya lamang ang mamahalin nito. ay heto ngayon sa harapan niya at kitang-kita ng dalawang mata niya na nakiki pag halikan ito. habang naka upo sa kandungan nito ang babae at nilalaro ng kamay nito ang pagka lalaki ng nobyo, habang ang kanang kamay naman ni Fritz ay nilalaro rin ang hiyas ng babaeng nasa kandungan nito at ang kaliwang kamay nito ay humihimas sa dibdib ng babae Rinig na rinig niya ang bawat pag ungol ng babae habang patuloy parin sa pag hahalikan ang mga ito. Ngunit hindi rin naka ligtas sa pandinig niya ang malakas na pag singhap ng kaniyang kaibigan, dahilan upang mapa mulat ng mata ang lalaki at matigil ito sa ginagawa, gayun rin ang kasama nito. Kitang-kita niya ang pagka gulat at takot sa mata ng kaniyang nobyo, subalit kaagad rin iyon nawala at napalitan ng malamig na tingin. Tumayo ito at hinawakan nito sa bewang ang babaeng kahalikan nito at ang babae na iyon ay walang iba kundi si Mica, ang babaeng gustong-gusto ng mga magulang ng kaniyang nobyo. Nag tataka siya kung bakit biglang nag bago ang expression ng mukha nang nobyo habang naka tingin sa kaniya. Hindi niya makita ang dating Fritz na mahal na mahal siya, bagkus ay naninibago siya dahil ibang iba ang Fritz na kaharap niya ngayon. Kung tignan siya nito ay parang hindi siya nito kilala “What are you doing here?” malamig na tanong ng nobyo “Fritz, a–anong ibig sabihin nito? Ba–bakit mo kasama ang babae na ‘yan at bakit kayo na–nag.... ” Hindi niya magawang sabihin ang kaniyang nasaksihan, dahil bumabara iyon sa kaniyang lalamunan. kahit alam na niya ang katotohanang nakaya siyang saktan at lokohin ng lalaking mahal niya. “Mica is my Fiancee, so ano satingin mo ang ginagawa namin— Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng lalaki nang bigla na lamang kusang lumipad ang kanang palad niya sa pisngi ng lalaki. Kitang-kita niya ang pagka gulat nito at maging siya man ay nagulat rin sa kaniyang ginawa. Subalit wala siyang maramdamang pag sisisi sa kaniyang ginawang pag sampal sa lalaki. Bagkus ay labis na sakit ang nangi-babaw sa kaniyang nararamdaman “walang hiya ka! Ang sabi mo mahal mo ako, ang–ang sabi mo ako lang ang nag-iisang babae sa'yo at hindi mo ako sasaktan, sinungaling ka...nangako ka! ang–ang sabi mo— “oo sinungaling ako, nag sinungaling ako noong sabihin kong mahal kita, at lahat ng mga sinabi at pinakita ko sa'yo purong kasinungalingan lang ang mga ‘yon! bakit naman ako mag kakagusto sa isang katulad mo? tsaka two weeks nalang ikakasal na kami ni Mica, nakuha kona ang gusto ko sa'yo tapos na ako sa'yo. At thank-you kaya makakaalis kana. Hindi rin ako mag so-sorry dahil alam nating pareho na nag enjoy karin” malamig at puno ng pananakit na wika ni Fritz na halos ika durog ni Samantha “hi–-hindi totoo ‘yan, minahal mo ako— “Umalis kana, bago pa kita ipakaladkad!” Sigaw ni Fritz sa kaniya, na halos ika bingi na niya. Maging sina Calla at Mica ay nagulat rin dahil ibang-iba ang binata halos masira na ang eardrums nila dahil sa sobrang lakas ng boses nito. Habang si Samantha naman ay nanatiling naka pikit habang patuloy parin sa pag-iyak, hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng nobyo. Sobrang sakit nang mga binitawan nitong salita sa kaniya, at iyon ang unang beses na humagulgol siya sa pag-iyak at maka ramdam ng sobrang sakit. Mas masakit pa ang mga sinabi ni Fritz sa kaniya, kumpara sa pagka matay ng tinuturing niyang ama Pinahid niya ang mga luha, bago niya iminulat ang mga mata niya tsaka humugot muna siya ng malalim na pag hinga at napa kuyom ang mga kamao niya, tsaka matapang na pinag tama ang kanilang mga mata “sa huling pag-kakataon, puwede bang sabihin mo saakin mahal mo ako. ka–kahit hindi totoo, please. Pinapangako ko hindi na kita guguluhin at hindi na ako mag papakita sa‘yo basta‘t sabihin molang ang mga salita na‘yan” lakas loob na wika ni Samantha, hindi niya alam bakit iyon pa ang mga sinabi niya. Kahit gusto niyang pag sasampalin ang binata at pag sabihan ito ng masasakit ay iba ang lumabas sa bibig niya. “Ma–mahal kita, Sa–Samantha” mahinang wika ni Fritz, at hindi alam ni Samantha kung tama ba ang nakita niyang sakit at lungkot sa mga mata ng lalaki o nag mamalik mata lamang siya. Pilit siyang ngumiti, at inangat ang kanang kamay upang haplusin ang kanang pisngi ng lalaking pinaka mamahal niya. “ang akala ko magiging masaya ta‘yo sa magandang balitang sasabihin ko sa‘yo ngayong araw, pero mukhang hindi mona kailangan malaman pa. Kahit napaka sakit ng mga sinabi mo at ginawa mo saakin, gusto kong malaman mong nag papasalamat ako sayo. at mahal na mahal kita sana maging masaya ka. Pa–paalam mahal ko” umiiyak na sabi niya at pikit matang hinalikan niya ang naka awang na labi ng lalaking pinaka mamahal niya. Saglit lamang iyon at inilayo na niya ang sarili sa binata bago niya binalingan si Mica Pilit niyang nginitian ang babae, kahit naka simangot ito sa kaniya at lakas loob siyang nag salita “ingatan mo siya ha, higit pa sa pag-iingat ko sa kaniya at mahalin mo siya, higit pa sa pag-mamahal ko sa kaniya. Best wishes sa inyong dalawa” aniya at mabibigat ang bawat hakbang na tinalikuran ang mga ito. End Of Flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD