CHAPTER 6

1576 Words
“Maraming salamat po Ms Eula, napaka dami po nito. Eh dalawang oras lang po ang tinrabaho ko” aniya, pagka tapos niyang matanggap ang ibinayad sa kaniya. Pagka tapos niyang umiyak kanina ay napag disisyunan niyang huwag nang tapusin ang trabaho niya sa gabi na iyon. Dahil gusto na niyang maka alis sa lugar na iyon. ayaw niyang mag-kita pa muli sila ng lalaking pilit niyang kina-kalimutan, tama nang nakita niya ito kaya ayaw niyang makita pa siya nito. “it's okey Sam, makaka tulong rin ‘yan sa'yo, oh pa'no maiiwan na kita dito ha” naka ngiting wika ng babae. “opo, maraming salamat po ulit” aniya, at nang maka alis na ito ay tinungo na niya ang puwesto ng kaniyang kaibigan upang mag paalam. Subalit sa kaniyang pag liko sa kanang pasilyo ay hindi niya naagapan ang biglaang pag bangga sa kaniya ng isang lalaki. na mukhang nag mamadali dahil hindi man lang siya nito napansin “aay!” tili niya sa pag-aakalang matutumba na siya, naipikit niya ang kaniyang mata at hinintay na lamang ang pag bagsak niya. Subalit napa kunot-nuon siya nang maramdaman niya ang mga bisig na sumalo sa kaniya “Ms, open your eyes, sh*t ang bigat mo” ani ng lalaki habang naka hawak parin ito sa bewang niya at konting-konti nalang ay mahahalikan na nito ang dalaga idinilat ni Samantha ang isang mata niya habang ang isa naman ay naka pikit parin, subalit nang makita niyang napaka lapit ng mukha ng lalaking sumalo sa kaniya ay biglang nanlaki ang dalawang mata niya Naka ngiti ito sa kaniya habang may nag lalarong kapilyuhan sa mga mata nito. nang maka tayo na siya ng maayos ay bumuntong hininga muna siya, tsaka tumikhim bago nag nag salita “sa–salamat” aniya, habang hindi maka tingin sa lalaki “it's okey, pasensya kana dun sa kaibigan ko ha, hinahabol niya kasi ‘yung girlfriend niya. by the way I'm Clark” wika ng lalaki “hmmm, hi—hmm si-sige salamat ulit” aniya at nag madali ng mag lakad. Alam niyang hindi siya kilala ng lalaki, pero siya naman ay kilalang-kilala niya ito. alam niyang matalik na kaibigan ito ni Fritz kaya bago pa siya nito makilala sa kaniyang pangalan ay kailangan na niyang maka alis doon. Samantala aliw na aliw naman si Fritz sa tahimik na pang-aakit ng babae sa kaniya. Nang biglang lumapit sa kaniya ang pinsan at may ibinulong ito sa kaniya na labis na nag pagulat sa kaniya at nag pag bilis nang t***k ng puso niya “Fritz, I saw her” mahinang bulong ni James sa tapat ng tenga niya. Naka kunot nuong binalingan ni Fritz ang pinsan, na ngayon ay may naka paskil na mapag larong ngiti sa labi nito. Kaya tinaasan niya ito ng kaliwang kilay “sino?” aniya “maniniwala kaba kung sasabihin kong si Samantha ang nakita ko?” wika ni James, na ikina laki ng mata niya “oh, c'mon cous. Aren't you kidding me right?” hindi maka paniwalang wika niya. iniisip niyang binibiro lamang siya ni James, dahil halos hindi na niya nilulubayan ang isang babae na katabi nina Aliyah at Arsie. Hindi niya kilala ang babae ngunit napaka lagkit ng tingin nito sa kaniya, at alam na niya ang ibig-sabihin nito “no, sa‘yo na ang kotse ko kung nag bibiro ako. Kaninang may kausap ako sa phone then I saw her kausap ni Eula—hey! Sandali” ani ni James at nagulat na lamang ito ng bigla na lamang tumayo si Fritz “saan mo sila nakita? —hey Eula!” aniya at natigilan rin sa pag tatanong nang makita niya ang dating kaklase, lumingon ito sa kaniya at tinaasan ng kilay “what? ”saad nito “James told me na may kausap ka kaninang babae, where she is?”aniya “sinong babae? Marami akong naka usap na babae— “Samantha ang pangalan ‘yung naka suot ng pang waitress”singit ni James sa dalawa “Waitress? ummm...oh the waitress! hmm bakit niyo tinatanong?” saad ni Eula habang naka taas ang kaliwang kilay nito “tsss, wala talagang pina-palampas ang pagiging babaero niyo. Pati waitress nakursunadahan niyo” dugtong pa nito “Just answer me Eula” tiim bagang saad ni Fritz at inip na inip na siya sa isasagot ng babae “Naka alis na siya” tugon nito at may sa mukha parin nito ang pag tataka. Marahil ay nag tataka ito kung bakit hinahanap ng isang Fritz Aguilar ang babaeng Waitress, pero naisip rin ng babae na marahil ngang nakursunadahan ng dating kaklase ang waitress na iyon. Dahil hindi maitatangging napaka ganda nga ni Samantha “sh*t! ” mahinang mura ni Fritz at nag madaling tinungo ang Exit Area. Na palagay niyang duon dumaraan ang mga kagaya ni Samantha Kilala niya si Samantha mahiyain ito, kaya alam niyang saan ito puwedeng dumaan. Nang maka labas ay nag palinga-linga siya. hanggang sa matanaw ng kaniyang mga mata ang isang babaeng nag mamadali sa pag lakad. Hindi siya puwedeng mag-kamali, kahit napaka tagal na ng panahon na huli niya itong nakita ay kilalang-kilala parin niya ang hubog ng katawan nito. At kahit nasa malayo ay alam niyang si Samantha nanga iyon. Kaagad siyang tumakbo kasabay nang pag tawag niya sa pangalan ng babae “Sam!” malakas na tawag niya, lihim siyang napa ngiti nang makita niyang napa hinto ito sa pag lalakad at ang akala niya ay lilingon ito sa kaniya. Ngunit nadismaya siya, dahil nag tuloy-tuloy na ito sa pag lakad at mas lalong binilisan panito ang pag lakad “Sam!” muling tawag niya sa pangalan nito, subalit hindi talaga siya nito nililingon. Kaya bago paman maka layo ng tuluyan ang dating nobya ay tumakbo na siya ng mabilis hanggang sa maabutan na niya ito. * “Sam!” napa hinto sa pag lakad si Samantha, nang bigla na lamang hinawakan ng lalaking iniiwasan niya ang kaniyang siko. Sobrang lakas ng kabog nang puso niya, ang akala niya ay makaka hinga na siya ng maayos dahil naka layo na siya sa party na iyon at hindi na sila mag kikita ng dating Nobyo. Subalit mukhang nagkamali siya, dahil nagulat na lamang siya ng biglang tawagin ng pamilyar na boses ang kaniyang pangalan. Kahit napaka tagal na ng panahon ang dumaan ay kilalang-kilala parin niya ang boses nang lalaking una niyang minahal. Napa pikit muna siya saglit ng mata, tsaka huminga ng malalim bago nag mulat at hinarap ang lalaking humawak ng siko niya. “Ano po ‘yon Sir?” wika ni Samantha sa mataray na awra, naisip niyang mag kunwaring hindi niya ito kilala. At lihim siyang napa ngisi ng makitang napa kunot nuo ito “Sam” pag-uulit nito sa kaniyang pangalan “bakit po Sir? Sino ho kayo?” aniya, at parang gusto niyang kurutin ang kaniyang singit kung bakit kasing naisipan paniyang mag kunwari na hindi niya ito kilala. Kita niyang tumaas ang kilay ng binata tsaka pinaningkitan siya nito ng mata. at inilapit ang mukha nito sa kaniyang mukha dahilan upang kabahan siya at mapalunok ng sariling laway “a–anong ginagawa mo?” mahinang wika ni Samantha at hindi alam kung paano ikikilos ang sarili. Dahil pakiramdam niya ay namamagnet siya ng binata “scared?” naka ngising ani ni Fritz at mas lalo pang inilapit ang mukha nito hanggang sa mag tama ang mga ilong nila “hindi mo ako nakikilala my Samantha? Sigurado ka?” ani pa ng binata sa may panunudyong tinig. Habang si Samantha naman ay napa pikit na lamang, lalo na’t nalalanghap niya ang mabangong hininga ng dating nobyo. Hindi niya alam kung paano ikikilos ang sariling katawan at kung paano ilalayo ang sarili sa binata. “hi–hindi kita kilala”pikit matang sabi niya “really my Samantha? ” “o-oo, sino kaba?” kina-kabahan parin niyang tanong sa lalaki, habang naka pikit parin ang mga mata niya “then I will introduce myself to you my Samantha” ani ng binata at walang babalang hinagkan ni Fritz ang mapupulang labi ni Samantha na ngayon ay gulat na gulat sa ginawa ng lalaki. Kasabay ng pag singhap niya ay namilog ang mga mata niya dahil sa sobrang pagka gulat. At dahil naka awang ang mga labi niya ay walang kahirap-hirap na napasok ng binata ang bibig niya at mas lalong pina lalim nito ang pag halik sa kaniya. Sa pamamagitan ng pag hawak nito sa kaniyang batok at ang isang braso nito ay pumalibot sa kaniyang bewang. Gustong mag pumiglas ni Samantha at ilayo ang kaniyang sarili. Subalit mas lalong hinigpitan ng lalaki ang pag pulupot ng braso nito sa kaniyang bewang at mas lalong idinikit ang sarili nito sa kaniyang katawan. Dahilan upang maramdaman niya ang matigas na bagay na tumama sa kaniyang puson at ramdam na ramdam rin niya ang mabilis na t***k ng puso ng binata. gayun rin ang kaniyang puso na daig pa ang nakiki pag karerahan sa madaming kabayo. Unti-unti na siyang natatangay ng halik ni Fritz at gusto ng tumugon ng kaniyang katawan at puso sa halik at haplos ng lalaki. subalit ng maalala niya si Mica na asawa nito at ang kaniyang anak ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hanggang sa maramdaman na lamang niya ang kaniyang mga luha na dumaloy sa kaniyang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD