Buong lakas na itinulak ni Samantha ang dating nobyo. tsaka binigyan ito ng malakas na sampal sa pisngi nito.
“walang hiya ka! Bakit mo ‘yon ginawa?” singhal niya sa lalaki
“so nakikilala mona ako my Samantha” naka ngising tugon ng lalaki
“Hindi ka parin nag babago g*go ka parin! May asawa kang tao pero heto ka—
“hey ang init agad ng ulo mo” ani ng binata at gustong biruin ang dating Nobya. Namis bigla ni Fritz ang kasungitan sa kaniya ni Samantha. Akmang hahawakan na sana ni Fritz ang kamay ng dalaga, subalit ipiniksi lamang nito.
“huwag mo akong hahawakan hayop ka! Napaka dumi ng kamay mo para ihawak ‘yan saakin!” masungit na ani ni Samantha
“malinis ang kamay ko—
“tumigil ka Fritz! Malay koba kung kani-kanino mo ‘yan hinawak at pina dapo” agad na sabi ni Samantha at ipinakita talaga niya na pinan-didirian niya ang kamay nito.
“Awtch! Parang kailan lang, na aalala kopang napaka hilig mong hawakan ang mga kamay ko at hinahalikan mopa. Pero ngayon pinan didirian mona” ani ng lalaki at sind'ya pa nitong mag palungkot ng mukha na parang batang sumimangot.
“Talaga? Buti kapa na aalala mopa ang mga iyon, eh ako wala man lang akong ma alala, sino kanga ulit?” ani ni Samantha at mataray na tinaasan ng kilay ang dating nobyo.
“Let me kiss you again, para mas alala mo ulit ako” pilyong tugon ni Fritz, gustong gusto na niyang ikulong sa mga bisig niya ang babae, pero na aaliw pa siyang inisin ito. isa ito sa namis niya sa dating nobya, Ang masungit nitong mukha satwing nagagalit o napipikon. At kung paano ito mag taas ng kilay sa kaniya
“buwisit ka!” singhal ni Samantha
“huy! Please huminahon ka, tsaka marami tayong pag-uusapan” ani ni Fritz at akmang hahawak nito ulit ang dalaga subalit mabilis iyon tinabig ni Samantha at umatras ng isang hakbang.
“sabing huwag mo akong hahawakan!” muling sigaw ni Samantha at para bang walang kapaguran sa pag luha ang kaniyang mga mata. Dahil kahit anong punas niya ay umaagos parin ang kaniyang mga luha. Mga luhang punong puno ng sakit at pighati na muling nanumbalik sa kaniyang puso at kaluluwa na siyang idinulot ni Fritz sa kaniya.
Bigla naman sumeryoso ang lalaki at nanatiling naka titig lamang sa magandang mukha nang dating nobya.
“Please can we talk Samantha, marami akong ipapaliwanag saiyo,
please I'm sorry—
“P*tang*na! wala na tayong dapat pag usapan. Matagal na tayong tapos! maayos na ako eh, masaya na ako. Bakit mopa ako nilapitan? Bakit kapa nag pakita, bakit mopa ako kinakausap? naka recover na ako. Na–naka limot na ako, pero bakit mopa ako ginugulo ngayon?! ibinaon kona 'yung sakit Fritz. Pero bakit mo hinukay? Bakit, Bakit Fritz sobrang sakit na eh kaya huwag mo ng hukayin pa. Pinalaya na kita diba? Naki pag hiwalay ka kaya panindigan mo!" Umiiyak na sigaw ni Samantha at hindi na niya napigilan pa na ilabas ang hinanakit niya sa lalaki. at pag kakataon na niya iyon upang mailabas niya dito ang sakit at sama ng loob na pinaramdam nito sa kaniya .
*
“Sana pinatay mo nalang ako nuon Fritz, minsan naiisip ko noon. Kung ano bang nagawa ko sa’yo, may nasabi ba ako? At kung anong mali o kasalanan ko. Para saktan mo ako. . . Sobrang dinurog mo ako Fritz! Sobra, sobrang sakit... Sobra kitang mahal, mahal na mahal. Sa sobrang pag mamahal ko sa’yo naka limutan konang mahalin ang sarili ko. ibinigay ko sa'yo ang buong sarili‘t puso ko, wala akong itinira sa sarili ko... Mahal na mahal kita noon, kaya kita pinalaya dahil nga sinabi mo saakin na hindi mo ako mahal at kahit kailan ay hindi mo ako kayang ma–mahalin dahil langit ka at lupa ako, at sa bibig mo mismo lumabas na katawan kolang ang ginusto mo at nang makuha mona tsaka mo ako iniwan diba? kaya nga si Mica ‘yung pinakasalan mo diba?!.. Dahil siya ang ma–mahal mo.
ngayon nakalimutan kona ‘yung sakit at maayos na ako. sana huwag kana ulit lalapit o mag papakita pa, ayaw na kitang makita o maka usap pa. Nandidiri ako saiyo Fritz may asawa kang tao pero kung maki pag landian ka sa ibang babae doon sa loob parang walang Mica sa buhay mo.” mga salitang binitawan ni Samantha, ang patuloy na nag pagulo sa isipan ni Fritz. Natigil siya sa mga sinabi nang babae kaya hindi na niya namalayan ang pag alis nito. At naiwan siyang natitigilan
“Oh nakita moba?” salubong sa kaniya ni James, nang maka balik na siya sa party na iyon.
10th years Grand Reunion ng DFMS CLASS, kaya nga siya nag punta sa party na iyon upang aliwin ang sarili. Pero ang akala niyang magiging perfect ang gabi ay bigla na lamang nag laho. ang kaninang saya niya habang kasama ang mga dating ka batch mates ay napalitan ng sakit at pag-sisisi. Pag-sisi dahil sa mga nagawa niya noon sa babaeng mahal niya. may dahilan siya kung bakit niya iyon nagawa at nasabi ang mga masasakit na salita na iyon nuon kay Samantha.
“galit siya, sobrang nasaktan ko siya. Hindi ko alam kung paano makaka hingi ng tawad sa kaniya na hindi kami nag kakasagutan. Hindi ko alam na ganoon pala siya magalit walang ka preno-preno” problemadong sabi niya
“namumula iyang pisngi mo, umm mukhang alam kona saan nang-galing iyan. Bakat na bakat eh” wika ni James, kaya binalingan niya ito ng matalim na tingin
“oh relax, mainit agad ang ulo mo. so anong plano mo? Nasabi moba sa kaniyang hindi natuloy ang kasal niyo ni Mica noon?” ani ng kaibigan at binigyan siya nito ng alak.
“hindi, hindi ako maka pag paliwanag. Galit na galit siya kaya hindi ako maka pag salita. Sh*t hindi kona napigilan eh kaya ko iyon nagawa, damn I miss her so much” aniya at nilagok ang alak na binigay nito.
“bakit ano bang ginawa mo?”
“ I kissed her” sagot niya at wala sa sariling dinilaan ang sariling labi, na para bang nalalasahan parin niya ang matamis na labing kaitagal niyang hinanap-hanap
“what the! Kaya naman pala nagalit, may kasalanan kadun sa tao. Tapos bigla mo nalang siya hahalikan after seven years bro.” saad nito habang napapa iling na lamang
Hindi na pinatapos ni Fritz ang party na iyon, imbis na umuwi ay naki pag kita na lamang siya sa mga tauhan niya.
Kung hindi niya makuha sa mainahon na usapan si Samantha, ay kukunin niya ito sa marahas na paraan. Ngayon nakita na niya muli ang dating nobya, ay na realize na niya kung anong kulang sa sarili niya ga'yung nasa kanya na ang lahat.