“Nanay, dumating kana po yehey!. may icecream napo ako” masiglang sabi ni Samara, nang makita nito si Samantha na kakapasok lamang ng pinto. Subalit ang kaninang masayang mukha ng bata ay napalitan nang pag tataka.
Pagka tapos ng pag haharap nila ni Fritz ay hindi alam ni Samantha, kung paano siya naka uwi ng ligtas. Gusto pa sana siyang pigilan ng dating nobyo subalit nag-iwan siya ng masakit na salitang binitawan niya dito. Dahilan upang ito ay matigilan
“Nanay bakit po nag kaganyan ang mata mo po? Kinagat na na naman poba ng ipis?” inusenteng wika ni Samara, iyon ang palagi niyang dinadahilan satwing namumugto ang mga mata niya kakaiyak.
“anak, sorry ha, hi–hindi kasi naka bili si nanay ng icecream, bukas promise pupunta tayo ng park at bibili tayo ng maraming icecream” ani ni Samantha at ngumiti ng matamis sa harapan ng anak. Subalit kahit anong tago pala niya sa kaniyang totoong nararamdaman, ay talagang hindi nakaka ligtas sa mapang usisang mata ng anim na taong gulang niyang anak.
“Nanay bakit kapo umiiyak?” malungkot na wika ni Samara, sabay pahid nito sa mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi na hindi na pala niya namamalayan.
“hindi naman po ako malungkot eh, kasi po sabi mo babawi ka bukas so bukas nalang po. Huwag kana pong umiyak Nanay” malambing na sabi ng anak sabay yakap sa kaniya. Dahilan upang mas lalo siyang mapa luha hanggang sa tuluyan ng mapa hagulgol
Kamukhang kamukha ni Fritz ang anak niya, at ayaw niyang makita ito ng lalaki. Natatakot siyang baka kunin nito si Samara, mayaman si Fritz at hindi imposibleng sa isang pitik lamang nito ay kaya siya nitong tanggalan ng karapatan para sa kaniyang anak. At iyon ang hindi puwedeng mangyare. Kaya bago paman matunton ni Fritz ang tinitirahan nila ay e aalis na niya duon ang kaniyang anak.
“anak, hindi ba sinabi kong matulog ka ng maaga dahil may pasok kapa bukas, ba‘t gising kapa?” aniya, nang mahimasmasan at kasalukuyan na niyang sinusuklay ang mahabang buhok ng anak. Ganuon ang ginagawa niya bago ito patulugin.
“kasama kopo si Lola” tugon nito
Kina umagahan, pagka tapos maihatid ni Samantha sa pinapasukang paaralan si Samara ay kinausap niya ang matalik niyang kaibigan.
“hindi ba mag tataka ang mga kapatid mo at si Aling Susan kapag nawala ng pitong araw ang anak mo?” pag uusisa ng kaibigan. Napag disisyunan niyang sa bahay muna ni Calla ang kaniyang anak, habang inaayos paniya ang bahay na lilipatan nila. Mag-isa lamang sa buhay ang kaibigan at sila na lamang ang masasabi nitong pamilya, parang mag kapatid narin silang dalawa. At isa pa wala siyang ibang mahihingian ng tulong maliban dito.
Meron siyang nabiling bahay, maayos naman, simple at med’yo masikip nga lang , ngunit sapat lang para sa limang tao. Mabuti na lamang malaki-laki narin ang naipon niya sapat na para sa kanila.
First year highschool pa lamang ang dalawa niyang kapatid na sina Mira at Mara, kambal ang mga ito. kaya hindi paniya hinahayaang mag trabaho ang dalawa. dahil gusto niya maka pag focus ang mga ito sa pag-aaral at sa pag aalaga sa nanay nilang may sakit sa puso.
“ipapaliwanag korin sa kanila mamaya pag-uwi ko, hmm Calla, kung hindi nakaka abala sa’yo puwede bang ikaw muna ang sumundo kay Samara mamayang tanghali. Pupuntahan kopa kasi ‘yung bahay na lilipatan namin” aniya at nahihiyang ngumiti sa kaibigan. Na e kuwento narin niya sa kaibigan ang tungkol sa nangyareng pag-kikita nila ni Fritz at sa biglaang dahilan ng pag lipat bahay nila.
“oo naman bruha, walang problema kung para sa inaanak ko” tugon nito. Pagka tapos ng pag-uusap nila nang kaibigan ay nag paalam narin siya dito. Dahil kailangan paniya maka usap ang kaniyang ina at ayusin ang mga gamit nila.
“haayst ang tagal naman, bakit nagka sunod sunod ata ang mga kamalasan sa buhay ko” aniya, habang inip na inip na sa pag hihintay ng masasakyan, mag-iisang oras narin siya sa kaniyang kina tatayuan. Lahat ng Jeep at kotseng pinapara niya ay puno na lahat at wala ng bakante para sa kaniya.
Hanggang sa may humintong kulay puti na van sa kaniyang harapan, alam niyang hindi iyon namamasada kaya naka ramdam siya ng kaba at nang akmang ihahakbang na niya paatras ang kaniyang mga paa. Subalit napa tili na lamang siya ng bigla siyang pag tulungan ng apat na lalaking naka bonnet pasakay ng Van
Nag pupumiglas siya at nag sisisigaw
“sino kayo?! Anong kailangan niyo saakin? Hindi ako mayaman kung ransom money ang kailangan niyo. Pakawalan niyo—
Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang may tumakip sa kaniyang ilong at bibig dahilan upang siya ay unti-unting mawalan ng malay.
“boss nagawa na namin” huling salita ng isang lalaki ang huling narinig ni Samantha bago siya tuluyang maka tulog
**
Samantala isang mayaman na matandang babae ang naka upo sa Swivel chair nito, habang seryoso lamang na nakiki pag-usap sa limang NBI agent na siyang mag hahanap sa nag-iisa niyang apo. Ang apo na kahit kailanman ay hindi panito nakikita
Kakamatay pa lamang ng nag-iisang anak nitong lalaki, dahil sa hindi inaasahang aksidente. subalit bago ito tuluyang binawian ng buhay ay sinabi nang kaniyang anak na may naging anak ito sa pagka binata.
Flashback!
“son, don't say that, hindi mo ako iiwan diba? Lumaban ka Edwardo” umiiyak na pakiusap ng donya
“Mommy Listen to me, ba–bago ako mawala. Ma–may pinapahanap akong tao at mukhang hindi kona siya makikita pa. Pakiusap mom, gu–gusto kong tulungan mo akong mahanap siya. mom ma–may anak ako, na–nagka anak kami ni Susan ang dating la–labandera natin noon at twenty-five na ngayon ang a–anak namin. Gusto kong bumawi sa kaniya, ang nag-iisa kong anak ang–ang taga pag-mana ko mom, please find her.. P–please mom” ani ni Edwardo, habang nahihirapan na ito sa pag hinga
“yes Edwardo, hahanapin ko ang apo ko, ang anak mo—no no no! Son, Edwardo anak!” umiiyak na sabi ng Donya at mas lalo pang napa lakas ang pag-iyak niya ng makitang tuluyan ng pumikit ang mga mata ng anak at mag flatline ang heartbeart nito sa monitor, patunay na tumigil na sa pag t***k ang puso ng anak at tuluyan na itong nawalan ng buhay
End of Flashback!
**
“sino kayo! Bakit ako nandito, anong kailangan niyo saakin?” mag kakasunod na sigaw ni Samantha sa dalawang lalaki na naka bantay sa kaniya.
Pagka gising pa lamang niya, ay kaagad na siyang napa kunot-nuo. Dahil sa sobrang pag tataka, nag tataka siya kung bakit siya naroroon sa maganda at napaka lawak na silid. Kaya napa-isip siya kung nanaginip lang ba siya, kaya nang pumasok sa isipan niya ang mga nangyare kanina ay duon lamang niya napag tanto kung nasaan siya.
Sa isiping may dumukot sa kaniya ay mas lalong tumindi ang takot niya. Naisip niya ang mga napapa balitang pag dukot sa mga kababaihan na ibinibenta sa mga mayayamang foreigners at sa isipin na iyon ay hindi niya mapigilang, huwag kilabutan
Nag madali siyang bumangon at patakbong tinungo ang pinto. subalit ganuon na lamang ang pagka dispamaya niya ng pihitin niya ang siradura ng pinto, ngunit naka lock iyon.
Muli siyang nag susumigaw at pinag papalo ang pinto. hanggang sa pumasok nanga ang dalawang armadong lalaki.
Walang ni isang sumagot sa kaniya kaya muli niyang sinigawan ang dalawang lalaki
“sumagot ka'yo!—
Naputol ang pag sigaw niya sa dalawa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang tao na ayaw na niyang makita ulit. at huling tao na maiisip niyang gumawa sa kaniya ng ganuon.
“gising na pala ang pinaka mamahal ko, good evening sweetheart” naka ngising ani ng lalaki
“ikaw? Ikaw ang nag padukot saakin?” galit at malakas niyang sabi sa lalaking kaharap. muling nabuhay ang galit sa puso ni Samantha sa isiping ipina dukot siya ni Fritz Aguilar ang lalaking ayaw na sana niyang makita ulit.
Nakita niyang sinenyasan ng dating nobyo ang dalawang lalaki na lumabas na, kaya naiwan na lamang silang dalawa sa kuwarto na iyon. Namulsa ito at seryoso na ang mukha nito habang naka titig sa kaniya. Saglit siyang naki pag titigan sa lalaki at siya rin ang naunang bumawi ng tingin.
Hindi niya kayang titigan ang mga halo-halong emosyon na nakikita niya sa mga mata nito. Parang may gustong sabihin ang mga mata nito subalit hindi niya iyon maunawaan kung ano. At nahihirapan siyang basahin kung ano mga iyon
“suprise?” wika ni Fritz
“anong kailangan mo? Bakit mo ako ipinadukot?” singhal ni Samantha, habang hindi maka tingin sa mata ng kaharap
“ comeback to me, I miss you Samantha ” wika ni Fritz, seryoso subalit nababakasan sa boses at mga mata nito ang sensiridad, lungkot at pag-sisisi
Buhat sa narinig ay hindi napigilan ni Samantha ang mapatawa ng mapakla, ngunit kasabay rin niyon ay ang pag tulo ng kaniyang mga luha “ang lakas ng apog mo, alam moba ‘yon? Ang kapal ng mukha mo. para gawin ito at sabihin ang mga ‘yan” sagot ni Samantha sa pang uuyam na tono.
“kung ganon, wala akong magagawa kundi ang ikulong ka sa pamamahay ko Mrs Aguilar ” ani ni Fritz na nag pakunot nuo kay Samantha
“Ms, hindi Mrs” pag tatama niya, ngunit nginisihan lamang siya ng lalaki at nag lakad ito patungo sa glass table na hindi niya napansin. May kinuha ito roon pagka tapos ay muling bumalik sa harapan niya at ipinakita ang isang papel na hawak nito. Nag tataka niyang binalingan ng tingin ang papel na iyon at ganuon na lamang ang labis na pagka gulat niya at nan laki rin ang mga mata niya, habang naka tingin sa papel na iyon. Papel na nag papatunay na kasal na sila ni Fritz Aguilar at nang basahin niya ang pangalan niya duon ay fingerprint niya ang naka lagay sa signature
“ano iyan? Marriage Certificate pinag loloko moba ako Fritz?” galit niyang tanong sa kaharap. Hindi niya alam kung paano sa isang iglap ay asawa na siya ng lalaki na ito.
“I told you yesterday night sweetheart—
Hindi na naituloy ni Fritz ang kaniyang sasabihin ng bigla itong sampalin ni Samantha
“Nababaliw kana! Hindi mo ako asawa at hinding-hindi mang-yayare iyon!” tiim bagang na sabi ni Samantha
“siguro nga, nababaliw na ako Samantha, nababaliw na ako sa'yo. Kasalanan mo kung bakit nag pakita kapa saakin” ani ni Fritz tsaka hinawakan sa batok ang dalaga at mabilis ang kilos na isinandal nito sa pader ang likod nito at kasabay ng pag halik nito sa naka awang na labi ni Samantha
Mas lalong idiniin ni Fritz ang kaniyang katawan sa babae dahilan, upang mas lalong dumiin ang katawan nito sa matigas at malamig na pader
“ikaw parin” mahinang saad ni Fritz sa pagitan ng pag angkin nito sa labi ni Samantha