"Mahal kita, Rinoa. Mahal na mahal kita at hindi lang iyon bilang kaibigan lang." Parang pumutok ang lahat ng ugat sa puso kong lumundag sa pagkabigla. Libo-libong bato ang bumagsak sa lalamunan ko, habang lunod na lunod ako sa titig niyang nagmamakaawa. "W-what?" Kulang na lang malaglag ang mga mata kong umapoy na sa init. "Hindi mo narinig?" Sarkastiko siyang tumawa. "O iyan ka nanaman, nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan." "Sandali, hindi ko maintindihan--" "Ano ang hindi mo maintindihan? Mahal kita. I love you so bad; I love you so hard; I love you... it hurts, Rinoa." Napatakip ang nanginginig kong kamay sa labi ko. "Gerald..." I didn't know what to say! Sobrang seryoso ng mga mata niya and I couldn't take that as a joke. Hindi ako makapaniwala. Oo, may mga panahon na bu

