"Rinoa, anong nangyari sa 'yo? Bakit late ka kanina?" tanong ni Trixie. It was lunch time. Nasa cafeteria kami ni Trixie, eating our food. Pagkatapos kong mag-breakdown kanina dahil kina Nathan at Gerald, pinilit kong bumangon at mag-ayos para makapasok ako. Ilang days na 'kong absent dahil sa Hongkong vacation namin. Marami pa akong hahabuling requirements. Kinuha ko sa bag ko ang bracelet na pasalubong ko kay Trixie. It was on a small box. Pinadulas ko ang lalagyan sa mesa patungo sa harapan niya. "Pasalubong ko sa 'yo." Her eyes smiled. "Wow! Naalala mo pala ako ha." She giggled. Binuksan niya ang box; kinuha niya ang laman nitong bracelet. Her lips parted as her eyes glittered even more. "O.m.g! Ang ganda! Thank you, girl!" "You're welcome." Napangiti na lang ako sa kasiya

