"Back off and talk shit." Paulit-ulit iyong lumabas sa bibig ko, iniisip kung anong ibig sabihin ng sinulat ni Gerald sa kotseng iyon. Inumaga na ako kakaisip kung kaninong sasakyan iyon, sinong nagpadala ng flashdrive sa akin, at bakit sinira ni Gerald ang isang sasakyan. Nakatulog ako kanina, pero hanggang sa panaginip napanuod ko pa rin ang pagwasak ni Gerald sa kotseng asul. Nakasandal lang ako sa headboard ng kama. Tumunog ang alarm clock ko na agad kong in-off. May pasok pa ako, pero tamad na tamad akong kumilos. Hindi ako mapakali, gusto ko ng kasagutan. May kumatok sa kwarto ko; sa katok pa lang na iyon, alam kong si Gerald ang nasa labas ng silid ko. Kilalang-kilala ko na ang katok niya. "Rinoa?!" I cleared my throat. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Hindi ako nagsalita at pina

