"What?" Halos malaglag ang panga ko. "No way! Of course not! Ang gusto ko lang, sabihin niya sa akin kapag may pinopormahan na siya." Tumawa siya, iyong tawang parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. He shook his head, looking like he wasn't convinced. "Bakit di mo na lang siya paniwalaan? Na wala siyang pagbibigyan niyon at binili niya lang talaga iyon para sa mamahalin niyang babae pagdating ng araw." He shrugged. I rolled my eyes. "I don't know. He's suspicious!" Uminom ulit ako ng vodka. Hindi ko na nabilang kung nakailang shot na ako; medyo nahihilo na ata ako at umikot nang panandalian ang paningin ko. Nabalot ng mahinahong tugtog ang buong paligid. Tinignan namin ni Nathan kung saan nanggagaling ang relaxing na tunog. Napangiti ako nang makita ang isang babae na tumutugtog ng vio

