"What the hell, Nathan? Of course not! Gusto mo ba?" Nanginig ang buong kalamnan ko. "Parang hindi ka naman masaya sa 'kin eh. Parang mas masaya ka pa kay Gerald." "No! Ano ba iyan? Bakit puro ka Gerald, Gerald, Gerald?! Ikaw ang boyfriend ko, Nathan. Stop pushing me to him." He sighed. "Pagkakataon mo na 'to, Rinoa. Iwan mo ako kung gusto mo--" "Hindi ko nga gusto! Ano ba?! Ayokong makipaghiwalay sa 'yo, okay? I'm happy with you... I... I l-love you!" Sunod-sunod na bato ang bumagsak sa lalamunan ko. Napalunok ako ng ilang ulit, habang uminit ang mga mata kong nakatitig lang sa malamig niyang mga mata. "Mahal mo ako?" "Oo nga! Damnit!" "Kung gano'n, baka pwede namang wag kang masyadong dumikit kay Gerald." "What?!" My brows furrowed. "Wag kang masyadong dumikit sa kanya." "And

