Chapter 41

3041 Words

"Sorry Rinoa, hindi kita nakakamusta nitong mga nakaraang araw." Tumabi si Gerald sa 'kin sa harapan ng pool. Pagkatapos niya akong yakapin na kulang na lang matunaw ang puso ko, inaya niya akong tumambay sa isa sa mga paborito naming tambayan. Binabad namin ang mga paa namin sa malamig na tubig ng malawak nilang swimming pool, habang nakatingin kami sa kawalan; dinadama ang lamig ng hangin sa hapon. "You shouldn't be sorry. Ako dapat ang mag-sorry kasi nagpunta pa ako rito." I gasped. "Hindi ko na kasi alam kung anong mangyayari sa 'tin. Ano? Friendship over na ba tayo, dahil nahulog ka sa 'kin?" Kurot sa puso ko ang pinadama ng sarili kong mga salita. "Anong friendship over?" Wala ng mas papait pa sa tawa niya. "Walang gano'n. Ayoko ng gano'n." Nilaro ko ang mga paa ko sa tubig n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD