"Rinoa, hi." Beverly faced me with her oh so sweet smile. Parang may dumaang malamig na hangin na nagpanginig sa buong katawan ko. Nagbuhol-buhol ang utak ko sa palaisipan kung bakit siya nandito... sa tapat ng bahay nina Nathan! She was holding a box, kumpara sa hawak ko, manipis pero medyo malaki ang bitbit niya. "You're... y-you're Nathan's ex, right?" Napalunok ako. Nervousness made my whole body numb. I was intimidated with her beauty, to be honest. Ang liwanag ng mukha niya na para bang bitbit niya ang kasiyahan sa likod niya. Unang tingin ko pa lang, alam ko ng jolly siya with her turban on her hair, camisole top, and plaid purple skirt. She giggled. "Naalala mo pala 'ko. You're right." "A-anong... what are you doing here?" My brows furrowed. Hindi ako nakahinga nang maayos

