Gerald's POV "Hi... Gerald." Nilaro niya ang mga daliri niya. Tinignan ko ang kagandahan niya mula ulo hanggang paa. Baka namamalikmata lang ako, pero siya nga talaga ang nakatayo sa harapan ko! Suot ang isang corset top at fitted skirt. May shoulder bag din siyang bitbit. "A-anong... bakit nandito ka?" Muntik na 'kong ma-speechless. "Ah... na-miss ko lang bigla 'tong isla." Tinunaw ako ng matamis niyang ngiti. "Kailan ka pa dumating dito?" "Kaninang umaga lang." "Mag-isa ka lang?" Umiwas siya ng tingin. "I'm with Nathan." Nalagutan ng t***k ang puso ko. Biglang nawala ang kakaibang sigla nito. "Ah... paano mo nalaman ang kwarto ko?" "Tinanong ko sa reception. Sabi ko kaibigan mo 'ko. Ayaw pa ngang maniwala." She chuckled. "Pinakita ko iyong picture nating dalawa sa cellphone

