Rinoa's POV "Pakiulit mo nga iyong sinabi mo, Rinoa?" Mariing pumikit si mommy. Sa paraan pa lang ng pananalita niya, alam kong hindi siya natuwa. "Engaged na po kami ni Nathan--" "Seriously?!" Pinalo ni mommy ang lamesa kasabay ng paglundag ng puso ko sa sigaw niya. Katatapos lang naming dalawa na mag-lunch nang sabihin ko sa kanya ang balitang nagpa-iba sa mood niya. Tila ba naipit ang dila ko't hindi nakapagsalita. "Rinoa, nag-iisip ka pa ba?" Suminghap ako. "Mommy, five years na kami ni Nathan." "Wala akong pakialam kung gaano na kayo katagal; hindi siya para sa 'yo, Rinoa!" My heart twitched. Kapag si Nathan ang topic namin, palagi na lang umuusok ang ilong niya; madalas nangangatog ang mga binti ko sa nakakatakot niyang mataray na mukha. "Mommy, bakit po ba hanggang ngayon

