"Rinoa, tara sa loob." Sumunod ako kay tita nang papasukin niya ako sa bahay nila. Sa bawat hakbang ko, dinig ko ang lakas ng paghampas ng puso ko sa dibdib ko. "Ah tita..." Nilibot ko ang paningin sa sala nila. "Si Gerald po?" "Ay wala siya rito ngayon. Kaaalis lang. Hindi niya ba nabanggit sa 'yo?" Napayuko ako; I shook my head. Where the hell did he go? Dati sa tuwing may pupuntahan siya, palagi niya akong sinasabihan. "Saan daw po siya pupunta, tita?" "Hindi niya binanggit, pero kasama niya si Jasper. Magre-review daw sila." Tinuro ni tita ang sofa. "Upo ka muna. Kukuha ako ng makakain." "Ah tita, wag na po. Kakakain ko lang. Alis na rin po siguro ako. Wala pala si Gerald." Nilaro ko ang mga daliri ko. "Oo, Rinoa. Teka, bakit ba hindi mo alam? Kadalasan kasama ka niyang ma

