"Gerald!" Tinawag ko ulit siya nang hindi siya lumingon sa direksyon ko, patuloy siyang naghanap ng bakanteng lamesa sa kabila ng nagkalat na students. "Hoy Gerald!" Nagtama ang mga mata namin. Kahit malayo siya, parang may kuryenteng nag-ugnay sa titigan namin. "Here!" Inalok ko ang table namin ni Trixie. Nagkatinginan si Gerald at Jasper. Kumunot ang noo ko. Parang may kakaiba sa mga mata ni Gerald. I was waiting for them to go here until... "Gerald, Jasper!" A girl called them. Napalingon ako sa business management student na tumawag sa kanila. She was familiar, but I didn't know her. Binalik ko ang tingin kina Gerald; halos malaglag ang panga ko nang naglakad siya patungo sa babaeng tumawag sa kanya sa halip na sa akin siya lumapit. Napakurap-kurap ako, tila hindi makapaniwal

