"Panalo ako sa pustahan!" Niyakap niya ako. There, I felt how happy he was. Tumagos sa puso ko ang kasiyahang bitbit niya. "Anong pustahan?" Umalis siya sa yakap. Our eyes met. "Basketball; Golden States versus Lakers." I laughed. "Akala ko kung anong pustahan. Anong team ka naman ro'n?" "Syempre Lakers! Champion sila, yes! Tara sa Hepa lane, libre ko!" Nakangiti ako, habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang mga mata niya. "Hepa lane?" It was familiar. His lips parted. "Hindi mo alam iyong Hepa lane?" I shook my head. "Rich kid talaga." Inakbayan niya ako. "What?" "Iyong Hepa lane. Iyong hile-hilerang bilihan ng street foods sa likod ng school." "Oh that! Narinig ko na iyan sa mga blockmates ko noon." "Ba't di mo sinubukan? Masarap din mga pagkain doon." I shrugged. "Wala

