"Siguro... oo." Napalunok ako nang magbara ang lalamunan ko. Ilang segundo akong nag-isip, bago nakasagot kay Gerald. Nakaka-pressure kasi 'pag siya ang nagtatanong sa 'kin. His adam's apple moved. Sa titig ng mga mata niya, parang may kumirot sa puso ko. Ewan, pero kakaiba ang tingin niya sa 'kin ngayon. "Anong nagustuhan mo sa kanya?" Muntik na siyang pumiyok. His voice sounded lower than normal. Napaisip nanaman ako. Nilipat ko ang tingin sa nagtataasang mga building. Nakadagdag ang lamig ng hangin sa kabang dumaloy sa buong katawan ko. "Gwapo siya--" "Seriously, Rinoa! Napakaraming gwapo sa mundo. Ako, gwapo ako! Mas gwapo--" "Let me finish talking..." Napapikit ako. I took a deep breath. "Ano... gentleman siya." "Hindi ba 'ko gentleman? Come on! What makes him different, Rin

