"Uuwi na ba si Gerald?" balik na tanong ni Nathan. "Hindi pa, bakit?" Inunahan ako ni Gerald sa pagsagot. "Edi hindi pa rin ako uuwi," ani Nathan. Napasinghap ako. May parte sa akin na gusto ng pauwiin si Nathan, dahil baka magsabong lang sila ni Gerald kapag naligo na ako, pero lamang pa rin ang pagkagusto ko na mag-stay si Nathan dito kahit sandali, since hindi kami kumain sa labas kanina. "Okay, maliligo lang ako. Hintayin ninyo 'ko sa sala." Patalikod na ako nang mapahinto ako. Nagpalipat-lipat ang masama kong tingin sa mukha nila. "Wag kayong mag-aaway dito ha. Kundi pareho ko kayong papalayasin mga isip bata!" I rolled my eyes, as I finally approached our house. Parang ayaw na tuloy humakbang ng mga paa ko palayo sa kanila, dahil kinakabahan pa rin ang puso ko na baka pagkatapo

