bc

The Wife's Secret Man

book_age16+
79
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
brave
twisted
heavy
kicking
small town
betrayal
love at the first sight
wife
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Nabulaga isang gabi si Aya ng malaman na nakatakda siyang ikasal sa Gobernador ng kanilang lugar, napag-alaman niya na ginawa siyang pambayad utang ng Ina. Kahit anong paki-usap ni Aya sa Ina walang epekto dahil natuloy pa rin ang kasal nila ni Martin.

Kahit guminhawa ang buhay ni Aya sa poder ni Martin hindi pa rin niya magawang sumaya dahil wala siyang maramdamang pagmamahal rito. Gayunpaman naging mabuting asawa siya kay Martin at pinagsilbihan ito.

Nagbago ang lahat ng makilala ni Aya ang lalaking nagpatibok ng puso niya.

Anong mangyayari sa buhay pag-ibig ni Aya?

Sino ang pipiliin niya sa huli, ang asawa niya o ang lalaking mahal niya?

Halina at kilalanin ang lalaking sisira sa buhay ng mag-asawa.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Tawagan na lang kita pagmagpapasundo na ako." "Dito na lang ako Ma'am at hihintayin kayo baka po kasi magalit si Gov. pag umalis ako-" "Mang Tomas, ako ang bahala sa asawa ko at sinisigurado ko na hindi ka niya papagalitan. Hindi rin ako aalis sa bahay kaya wag ho kayong mag-alala." Wala ng nagawa si Mang Tomas. "Babalik ako-" "Tatawag ako pag-uuwi na ako," baliwalang sabi ni Aya at tinalikuran na ito. Habang naglalakad si Aya papasok sa eskinita, madaming bumabati rito. "Oh gumaganda ka, Aya. Kamusta si Gobernador na Asawa mo?" Tanong ng isang Marites sa lugar. "Ayun Gobernador pa rin," pilosopong sabi ni Aya at hindi tinago ang inis sa matanda. Nang dalaga pa si Aya, ito lagi ang laman ng chismis sa lugar. Madalas rin maliitin ang pamilya nila dahil sa Ina niyang GRO sa lugar. "Yumabang ka na Iha, napangasawa mo lang naman si Gobernador." "Hindi po ako mayabang, sinasabi ko lang ang totoo. Kung ayaw niyong sumagot ako wag niyo akong tanungin," mataray na sabi nito. "Aba't-" "Tama na kasi aling Marie, hindi naman kayo close ng kaibigan ko para tanungin niyo. Ang plastic lang," walang galang na singit ni Zara at hinila na palayo si Aya. Si Zara ay kaibigan ni Aya mula pagkabata, ito rin lagi ang kakampi niya nuon laban sa mga chismosa ng lugar. "Himala at natakasan mo si Gobernador at napunta ka rito." "Dadalawin ko lang ang kapatid ko, tumawag kasi sa akin at sinabing nagdala na naman si Nanay ng bagong lalaki." "Totoo naman 'yan, usap-usapan na naman ang nanay mo rito dahil sa bagong lalaki. Kagabi ko tinawag ko si Elsa at pina-alam sa nanay mo na sa akin muna matutulog. Hindi kasi mapagkakatiwalaan ang lalaki baka may gawin kay Elsa," kwento ni Zara. "Pero maaga ring nanggising ang nanay mo at pinauwi si Elsa." "Bakit hindi mo ako tinawagan?" "Wala na kasi akong cellphone. Binenta ko nang kinailangan ni mama ng pera para sa tindahan niya." Nilabas ni Aya ang isang cellphone at binigay kay Zara. "Sayo na, luma ko na 'yan kakabili lang kasi sa akin ni Martin ng bagong cellphone. May load na rin 'yan para sa isang buwan." "Seryoso, akin na ito?" Inakbayan ni Aya si Zara dahil mas matangkad pa siya rito ng kaunti. "Basta ikaw ang mata ko sa bahay. Bantayan mo rin lagi ang kapatid ko, update mo ako lagi. Alam mo naman na hindi ko makuha si Elsa kasi ayaw ni nanay," saad ni Aya. Ngumiti naman si Zara at agad na napunta ang attention ni cellphone. "May g-cash na rin 'yan. Sinabi ko kay Elsa na pag kailangan niya ng pera para sa school sabihin sayo dahil sayo ko ipapadala." "Bigatin ka na talaga, bessy. Iniisip ko tuloy na okay na rin na ikaw ang pinambayad utang ng nanay mo kay Gobernador dahil gumanda ang buhay mo at nakawala ka na sa nanay mong bruha," saad ni Zara. "Kung alam mo lang," bulong ni Aya habang naiiling. Nakarating ang dalawa sa bahay ng nanay ni Aya at nadatnan nila ang dalawa na umiinum habang si Elsa at naglilinis ng bahay. "Ate!" Sigaw ni Elsa na labing-tatlong gulang na. Napaharap ang lalaki at ang nanay ni Aya sa kanya. "Oh nandito na pala ang anak kong mayaman na. Buti naka-alala," nakangiting sabi ni Osang ang Ina ni Aya. "Tamang tama dahil wala na kaming pera pangkain." "Ang aga-aga namang inuman nay," pansin ni Aya bago tumingin kay Zara. "Samahan mo muna sa labas si Elsa." Pagka-alis ni Zara at Elsa lumapit si Aya sa dalawa. "Nga pala anak siya si Raul ang bagong boyfriend ko. Raul siya naman ang anak ko, siya 'yung sinasabi kong anak ko na Asawa ni Gobernador Martin." Proud na sabi ni Osang. "Ikaw pala ang batang-bata na Asawa ni Gobernador. Ang ganda mo Iha," puri ni Raul na tumingin sa katawan ni Aya. "Manang mana ka sa nanay mo." Nairita si Aya sa inaasta ng lalaki lalo na nang hampasin nito ang pwet ng Ina at dinilaan ang leeg sa harap niya mismo. "Ay nakikiliti ako, hehe. Malamang mana siya sa akin sa kagandahan. Kaya nga nagustuhan rin siya ni Gobernador," nagmamalaking sabi ni Osang. "Nay, usap muna tayo sa kwarto ni Elsa." Sabi ni Aya at dumeretcho na sa kwarto ng kapatid. Habang hinihintay ang Ina, chineck ni Aya ang lock mg kwarto na pinasadya niya para sa kapatid, proteksyon nito lalo na at mahilig mag-uwi ang Ina ng iba't ibang lalaki. "Anak-" "Nay naman, sinabi mo sa akin nang nakaraang linggo hindi ka na magdadala ng lalaki rito. Bakit meron na naman?! " Hindi mapigilang magtaas ng boses ni Aya. "Nag-uusap na tayo-" "Iba ang Tito Raul mo. Mahal niya ako at mahal ko rin siya, pangako siya na ang huling lalaki na iuuwi ko rito," baliwalang sabi ni Osang. "NAMAN OH! ALAM MO NAMAN NA KASAMA MO RITO SI ELSA TAPOS MAG-UUWI KA NG LALAKI! HINDI KA NAG-IISIP!" "Hoy, Aya 'wag mo akong sinisigawan huh Ina mo ako. Wala akong paki kung Asawa ka ni Gobernador, sa pamamahay na ito ako ang masusunod. Kahit ilang lalaki pa ang iuwi ko rito wala kang magagawa!" "Sa akin titira si Elsa hangga't dito nakatira ang lalaki mo," mariing sabi ni Aya. "Hindi mo siya pwedeng kunin dahil anak ko siya, kapatid ka lang niya. Kung talagang concern ka sa kapatid mo magbigay ka ng pera para may makain siya," galit na sabi ni Osang at hinila ang bag ni Aya. Binuksan nito ang wallet ng anak at kumuha ng ilang libo bago lumabas ng kwarto. Hinayaan na lang ni Aya dahil alam nitong hindi papatalo ang Ina at baka ang pag-initan pa nito ang kapatid pag ginalit. "Tang-ina mo sagad. Wala kang kwentang Ina," mariing bulong ni Aya habang nakatingin sa pintong nilabasan ng Ina. Halos kalahating oras na nagpakalma si Aya sa kwarto ng kapatid ng pumasok si Zara at Elsa. "Oh bessy nag-away na naman kayong mag-ina? Kakaalis lang niya kasama ang lalaki," saad ni Zara. "Mamili raw si nanay ng pagkain sa bahay, Ate. Tamang Tama dahil wala ng laman ang ref," inosenteng sabi ni Elsa. Ngumiti si Aya at tinabihan ang kapatid. "Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako o kaya naman puntahan mo si Ate Zara mo at siya na ang bahala sayo," paalala nito sa kapatid. Nagkamustahan at nagbonding ang tatlo sa ilang oras na pananatili ni Aya sa lugar. "Zara samahan mo muna si Elsa dito pag gabi huh," sabi ni Aya dahil kailangan na nitong umuwi. "Wag mo siyang iiwan, wala akong tiwala sa lalaki ng nanay ko." "Ako ang bahala, salamat ulit sa cellphone bessy. The best ka talaga," masayang sabi ni Zara. Kumuha ng dalawang libo si Aya at binigay kay Elsa. "Baon mo sa school at para na rin sa project mo." "Thank you, Ate." Pagkasakay ni Aya sa kotse napabuntong ito ng hininga. "Okay ka lang, Iha?" Tanong ni Mang Tomas. "Iniisip ko lang Mang Tomas, sa dami-dami ng Ina sa mundo napunta pa kami ni Elsa sa inang walang kwenta. Ang saklap," pagod na sabi ni Aya. "Idagdag pa ang tatay naming tarantado rin na piniling sumama sa ibang babae kaysa sa amin ng kapatid ko. Ang malas namin ni Elsa." "Kaya po siguro ayaw kang papuntahin ni Gobernador sa bahay niyo kasi kilala niya si Osang. Alam niyang problema lang ang dala sayo," saad ni Mang Tomas. "Kilala niya talaga," bulong ni Aya. Nanahimik si Mang Tomas dahil alam nitong may laman ang salita ni Aya. Pagdating ni Aya sa bahay nakita niya na si Martin na naghihintay sa kanya. "Hon," lapit ni Martin at humalik sa Asawa. "Sana sinabihan mo akong dadalaw ka sa pamilya mo para nasamahan kita. Dilikado pa naman duon." Si Martin ay ang pinaka-batang naging Gobernador sa luga. 33 pa lang niya pero nakuha na nito ang boto ng nakakarami sa lugar. Sampong taon ang pagitan ng edad nilang mag-asawa. "Alam ko kasing busy ka kaya hindi na kita inabala," saad ni Aya. Mabait si Martin sa kanya, masyado lang itong possessive na kulang na lang ay ikulong siya nito sa bahay at dapat lagi siya nitong nakikita. Kung tutuusin swerte na si Aya kay Martin dahil binibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya at tinatrato siyang tama. Ang nag-iisang problema lang ay walang maramdaman si Aya na pagmamahal sa Asawa. Kinasal siya sa Gobernador ng sapilitan, siya ang naging bayad utang ng nanay niya. "Hon kailangan nating lumuwas ng Manila bukas dahil may kailangan akong attendan na meeting," saad ni Martin paglabas ni Aya ng CR. Nakabihis na ito ng pantulog. "Kailangan ba talagang kasama ako?" Umupo ito sa kabilang parte ng kama na agad rin namang nilapitan ng Asawa. "Oo naman, kailangan dala mo ang lucky charm ko. Kung nasaan ako dapat nanduon ka rin," malambing na bulong ni Martin habang hinahalikan sa leeg si Aya. "Pero-" "My decision is final, Hon. Sasama ka sa akin bukas," puno ng authoridad na sinabi ni Martin kaya hindi na sumagot si Aya. Ganun naman talaga ang Sistema sa kanilang dalawa, si Martin ang laging nasusunod at siya naman ay sunod-sunuran lang. Napapikit si Aya ng maglakbay ang kamay ni Martin sa katawan niya. Isang buwan na silang kasal pero hindi pa rin siya sanay sa hawak ng Asawa. Pumatak ang luha ni Aya habang nakapikit ng maramdaman ang kamay ng Asawa sa maselang bahagi ng katawan niya. "Akin ka lang, Aya. Ako lang ang magmamay-ari sa katawan mo. Walang sino man ang pwedeng umagaw sayo mula sa akin, mahal na mahal kita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook