HINDI MAKAPANIWALA si Selestina sa tanawing nasa harap niya. Mula sa pagkakatayo sa may kusina, natutop niya ang dibdib nang makita ang anak niyang si Elijah na masiglang tumatawa, habang nakaluhod sa sahig si Rogue, nakikipagkarera gamit ang mga laruan nitong dala. Ang bawat halakhak ng bata ay tumatagos sa kanyang puso, at kahit pilit niyang pinipigilan ang sarili, wala siyang magawa kundi maramdaman ang kakaibang bigat at init na sabay na dumadaloy sa kanya. It was strange. For years, she had lived with the idea na sapat na siya at si Elijah, that her son didn’t need a father. Pero ngayon, sa ilang minutong kasama ni Rogue ang anak, parang nabura ang lahat ng pinaniniwalaan niya. “Ate Selestina?” boses ni Anya mula sa gilid. Napalingon siya dito. May halong pagtataka ang

