“SELESTINA! ANO bang iniisip mo?!” Nailayo niya ang cellphone nang biglang sumigaw sa kabilang linya si Helena. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa iyo, pagkatapos ng lahat ng hirap na tiniis mo, heto ka ngayon at kusa mo siyang papalapitin sa apo ko? Hindi ka pa ba nadadala?!” Napapikit si Selestina, pinipigilan ang luha. “Wala na akong pagpipilian, 'Ma. Anak niya si Elijah. At—” “Hindi ako papayag!” singit ng ina na halos pasigaw. “Kung gusto lang niyang guluhin ang buhay ninyo, bakit mo pa siya pagbibigyan? Hindi ko hahayaang masaktan ka na naman, lalo na ang bata. Selestina, huwag kang padadala. Minsan mo na siyang tinakasan, bakit mo pa siya babalikan sa pamamagitan ng apo ko?” Bago pa siya makasagot, may isa pang boses na pumasok sa linya. Si Calliz. “Ma,” anito na puno ng p

