“STOP STARING,” biglang sabi ni Rogue, nakapikit ang mga mata nito pero halatang gising. Nagulat siya, pero hindi siya umurong. “Why? Bawal na ba ngayon ang tumingin?” “Bawal kapag ako ang tinititigan mo.” Mahina pero matalim ang tono nito. “Arogante ka pa rin kahit na halos mamatay ka na.” Umirap siya at tumayo, naglakad papunta sa bintana. “Hindi ka pa rin nagbabago.” “You wouldn’t be here kung totoo iyan,” mabilis nitong sagot. Napatigil siya. Huminga nang malalim bago bumaling muli rito. “I’m here because I made a promise. I told you I wouldn’t leave.” Binuksan nito ang mga mata, malamlam ang titig na nakatutok sa kanya. “Promises don’t mean anything. People break them all the time.” “Then let me be the exception.” Sandaling natahimik si Rogue. Nakatingin lang siya rito,

