HINDI PA rin handa si Selestina na tanggapin ang katotohanan. Hindi iyon ang tamang oras para mag-alaga ng damdamin para kay Rogue. Hindi dapat ganito. Maybe her heart was betraying her, or maybe it was simply fear na mawalan ng isang tao. Pero hindi lang basta isang tao ang pinag-uusapan dito, si Rogue. Ang lalaking baliw na halos gawin ang lahat para lamang makuha siya. Alam niyang hindi dapat, she shouldn’t pursue this new feeling, whatever it was. Pero hindi niya mapigilan. Totoo nga ang kasabihan na hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng isang bagay hanggang sa muntik mo na itong mawala. At doon lang tuluyang lumabas ang damdaming matagal niyang itinatanggi. She had tried to hate him, pero hindi gumana. At ngayon, ang tanging gusto na lang niya ay manatili rito. Pero bakit? D

