NASA SA sofa si Selestina kasama si Elijah. Abala ang bata sa panonood ng cartoons sa iPad na bigay mismo ni Rogue, habang siya naman ay nanonood ng paborito niyang anime sa malaking TV screen sa sala. Bumukas ang pinto. Pumasok si Rogue, bagong-uwi galing opisina. His tie was loosely knotted, his jacket in one hand and a leather suitcase in the other. Nang magkatinginan sila bahagyang napasinghap si Selestina. Parang biglang kumirot ang dibdib niya at may kung anong init ang gumapang sa tiyan niya. A feeling she wasn’t used to. She coughed awkwardly. At nag-iwas ng tingin. “Daddy!” sigaw ni Elijah, sabay talon mula sa sofa at patakbong niyakap ang binti ng ama. Bahagyang yumuko si Rogue at hinaplos ang buhok ng bata. “Hey, buddy.” Pero bago pa man niya masundan, napabuntong-hining

