TUMAGOS ANG liwanag ng umagang araw sa malalaking salaming bintana ng mansyon ni Rogue at tumama iyon sa mukha ni Selestina. Kumilos siya nang bahagya, para bang ginising ng init at liwanag na dumampi sa kanyang balat, her body aching in places na ayaw niya nang isipin kung bakit. For a second, she felt light, almost relaxed. Pero agad ding bumalik ang lahat ng nangyari kagabi. Agad siyang napamulat ng mga mata. Her chest rose and fell rapidly as she turned to the other side of the bed, only to freeze. Oh, God. Rogue! Ang lalaking sumira sa kanya, ngunit siya rin ang parehong lalaking humaplos sa paraang hindi niya kailanman inakalang naroon mismo, nakahilig ang isang siko, at nakatitig sa kanya na para bang siya lamang ang tanging bagay na nararapat pagtuunan ng pansin sa loob ng silid

