Chapter 2

2669 Words
AZAZEL ERIS ROSS __ "Ah! I'm hired!" "You're hired!" Nagsisigaw kami ni Lacen habang magkayakap na tumatalon sa saya. Hindi na ako nakakaramdam ng antok at parang isang dekada na akong gising. "Sandali... baka mahulog," anito at hinawakan ang tuwalyang nakatapis sa kaniya. Nang maisuksok nang tama ay muli siyang yumakap sa akin at nagtatalon kaming dalawa. I was just smiling the whole day. I willingly cleaned the whole apartment, handled the laundry, and watered the plants on the balcony and on the rooftop. Si Lacen na ang nagluto para sa dinner. As usual, magkatapat kaming naupo sa harap ng mesa. "I'm happy that you are hired, but I'm wondering what made them change their minds, considering that you were not even able to finish your initial interview." "I don't care how they decided about it." She chuckled habang kumukuha ng noodles sa ramen na niluto niya gamit ang chopstick. "Right." We both prepared on Sunday at parehas kaming maagang natulog. I just wanted to make sure na hindi na ako male-late. "Eris, tara na!" sigaw ni Lace malapit sa pinto. "Kailangan pa nating magpa-picture para sa ID!" Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. I just simply wore usual office wear– black trousers and white long sleeves. Inayos ko ang pagkakatupi sa braso ko bago ko hinablot ang handbag ko. Sabay na kaming bumaba. "Hi, Idol. Ganda mo ngayon," bati na naman ni Banoy sa kaniya. Bahagya akong napangiti habang patuloy kami sa pagbaba. "Bakit hindi mo pinapansin 'yung number one fan mo?" "Mukha siyang sumisinghot ng shabu 120 kilogram per hour." I laughed. Sumakay kami ng tricycle sa baba papunta sa bus station. Medyo maaga pa kaya nakaupo pa kami at hindi gaanong nakipagsiksikan. "Mag-book na lang tayo ng sasakyan pagbaba ng bus para hindi tayo masyadong haggard sa ID picture mamaya. You know what, I'm thinking, mag-upa na lang kaya tayo ng mas malapit sa Montealto? Maraming condos around it." "I feel so attached to our current apartment. Kalahating taon pa lang tayo ro'n, but it feels home." "Well... sa bagay. We just really have to endure this transpo to work. I sometimes hate it na hindi tayo naging mayaman... after stealing a lot." Binulong niya lang ang mga huling salita sapat na para marinig naming dalawa. "I don't feel that we're stealing something, I feel like it's more... giving a balance. Wealthy people have so much. I've always believed that some of it must be given to those less fortunate than them." "Hindi ko alam kung bakit hindi ka napapagod. You can never balance the world. It's meant to be unfair." Hindi ako nakasagot agad at diretso pa ring nakatingin sa labas ng bintana. I thought of it for a while. "It's better to do something even if it's just a small dot in the whole big problem. It's better... than just letting life be unfair," mahinang bulong ko. "Sana talaga hindi ka ipahamak niyan. Malaking tao 'tong babanggain natin. Some people are not even worthy of help. Always remember that." Humugot ako ng malalim na hininga at bumaling sa kaniya. "This is not just for other people, Lace. This is also for my Ates and Kuyas." Ako naman ang tinapunan niya ng malalim na hininga. "Hindi mo ba na-gets? 'Yung huling pag-uusap n'yo, 'yun na rin 'yung huling pagkikita n'yo. Sa huling araw na 'yon, tinakwil n'yo na ang isa't-isa biglang magkakapatid. You were never brothers and sisters to begin with. You were never raised to love each other and treat each other like a family." Nagsimulang mag-init ang mga mata ko. "I'm just thinking... what if mag-fail sila sa mission nila? They'll be needing money..." "Eris, matatapang sila, magagaling, malalakas. They are way, way, way better than you. Kaya nila ang sarili nila. You have to trust that." "I just... also wanted to make them proud. Gusto kong ipakita na kaya ko naman talaga." "Ewan ko talaga sa'yo... ewan ko kung bakit pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanila na sa simula pa lang klaro naman na wala na kayong relationship sa isa't-isa. You don't have to prove anything to them. May kani-kaniya na kayong buhay. I can even bet that they are not thinking of you as much as you are thinking of them right now." "Lace... if there is only one person who sees all their hard work, pain, struggle... that's me. All of them risked their lives for me hindi dahil gusto nila kung hindi dahil kailangan nila. All my life, I was never able to do the same for them. Yeah... masyado silang magaling, malakas... that I became useless to them. I don't like it. I want to do something. I want to be fair." "Ano pa nga ba? Nandito na tayo. We've already planned everything." Marahan kong hinawakan ang kamay niya. "Thank you for always being there." "Ayan ka na naman... sinasamantala mo na naman ang kahinaan ko." I smiled at her. I always felt that we were twins. Magkasama kami sa buong buhay naming dalawa. She'd always be my sister and my best friend until my last breath. Maaga kaming dumating sa building ng Montealto. Noon ko lang na-appreciate ang ganda at ang lawak ng buong building. Makintab ang sahig na halos puwede ka nang magsalamin. Mataas din ang ceiling na may nakasabit na malalaking chandelier. Pati ang glass wall, concrete wall, plants, couch... everything was perfect and looked so expensive. We were given the temporary card pagkatapos naming iwan ang ID sa receptionist. We had to tap it on the turnstile machine to enter. Paglagpas namin may malawak ulit na lobby kung saan may tatlong elevator na maraming nakapila. Nagpunta kami ni Lace sa dulo. Inikot ko pa rin ang tingin ko sa paligid. Napansin ko na may different entrance sa kabilang side at mula sa puwesto naming dalawa, kita ko ang dalawang lift na nasa dulo. "Entrance daw ng executives 'yan. 'D'yan pumapasok si Mr. President." Nilapit niya ang bibig sa tainga ko. "Your future hubby." Hinila ko rin siya palapit sa akin at ako naman ang bumulong sa tainga niya. "Don't you dare call me Eris again. I can still remember how you shouted my name yesterday." "That's my bad. Noted, Ms. Klarise Antonio." She just changed the spelling of her name from Lace to Laise, so I was still calling her by it. Nagsiksikan kami sa lift hanggang sa makarating kami sa 15th floor para sa picture taking. It was just quick. After that, nagpunta naman kami sa conference room for the orientation. Lacen and I took a month of internship to learn how to do administrative tasks. Wala talaga kaming work experience sa corporate world at peke lahat ng nakalagay sa resume naming dalawa. Pagkatapos ng isang oras doon, lumipat na kami sa pinaka-mataas na opisin, sa 28th floor. Kung gaano kaganda sa lobby, ganoon din kaganda roon. Para akong pumasok sa isang high-end hotel. May malawak na lobby or waiting area din doon at may corner for the receptionist. I liked the paintings on the wall and some displays na mukhang mamahalin. "Nandito daw 'yung office ni Mr. Montealto and the two other executives. Kaya siguro bongga," bulong sa akin ni Lace. Iginiya kami sa working area kung saan may magkakatabing table at computer. Nakapili na si Lacen ng seat namin online pero hindi agad kami lumapit sa mesa dahil kailangan pa naming magpakilala sa mga seniors at sa mga dati ng empleyado na nandoon. We used one of the conference rooms na halos katabi lang ng working area. May tatlo kaming kasamang tauhan na nagpakilala at pinakinggan ko lang din ang sinabi ng lima pang new hires. I shifted my gaze to Lacen when she started. "Hi, my name is Laise Go, and I'm 26 years old. My hobbies... well, I like reading books, watching documentaries, and organizing things. I'm an extrovert, so I hope we can all get along well. And... Klarise here is my best friend. I'm thankful that we were both hired to work together." Lahat ng sinabi niya ay hindi totoo bukod sa mag-best friend kaming dalawa. Lacen Tao ang totoo niyang pangalan at walang totoo sa hobbies niya dahil gusto niya lang kumain nang kumain habang nanunuod ng telenovela. They all looked surprised and excited about what she said na magkakilala kaming dalawa. I didn't deny it. "Right... we're like sisters. I'm Klarise Antonio, I'm also twenty-six, and... I like planting and doing chores." Hindi ko na alam kung ano pang kailangan kong sabihin. I was really not comfortable being surrounded by people I didn't even know. "Unlike Lace, I'm a bit introverted, but I'm looking forward to having a deeper connection with all of you as we continue to work together." "Sigurado kayo, hindi kayo magkapatid?" one of our seniors asked. "Magkamukha kayong dalawa, eh. Parehas kayong mukhang Chinay. Ang gaganda n'yo. May willing agad mag-train sa inyo rito. Kahit mag-overtime daw." Nagsimula ang asaran sa loob ng conference room. Pinili ko na lang ngumiti at sumunod na lang ako sa agos ng usapan nila. Tumigil din silang lahat at mabilis na tumayo nang makita kung sino ang dumaan. Hindi na ako nakatayo pa. Tiningnan ko lang ang matangkad na lalaking patuloy sa paghakbang habang diretsong nakatingin sa harapan niya. May tatlong taong may hawak na folder ang nakasunod sa bawat hakbang niya. Nakaramdam agad ako ng bara sa lalamunan ko. It was... Mr. Montealto, the president. He looked more handsome in person kahit na sideview niya lang ang nakikita ko. I knew he was tall, but I didn't expect na mas mukha siyang matangkad sa personal kaysa sa picture. Walang lukot ang coat niya. Mukhang wala rin siyang lukot sa kahit anong parte ng katawan. Pati ang buhok niya ay tila bilang ang nakausli sa gawing noo. Kusang sumunod ang leeg ko para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit tila pigil na rin ang paghinga ko. Even his posture was perfect... it was intimidating. Tila sabay-sabay kaming huminga nang mawala ito sa paningin namin. Noon ko lang din naramdaman na malakas na ang kabog sa dibdib ko. "Do we have a chance to meet him?" tanong ni Lace. "He's busy. Wala siyang time to meet the new hires. Let's start working now. He doesn't like wasting time." Nagtungo na kami ni Lace sa mesa naming dalawa. I set up the computer first at inabot ko ang mga papel na binigay nila sa amin para basahin. Simple akong tumingin sa direksyon kung saan ito ang nagpunta kanina. Nasa harap lang ang opisina niya pero natatabingan ng blinds. Hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib ko. Maybe... I just felt that... he was full of character. Mukha ngang istrikto siya and that was making me worry. Nararamdaman ko nang hindi talaga magiging madali ang misyon ko. Muntik na akong makatulog sa binabasa kong procedures. Naramdaman ko lang ang pagsiko sa akin ni Lace. There were also some videos that they sent us to watch. Nakuha niyon ang atensyon ko dahil tungkol lahat sa kompanya. Nakita ko rin ang mukha nito sa ilang litrato at kasama sa video ang isa sa mga interview niya about his inspiration for running his businesses. Napanuod ko na ang iba pang interview niya pero tumatayo pa rin ang balahibo ko sa tuwing maririnig ko ang malalim niyang tinig. He'd always answer questions nonchalantly. He looked so calm, smart, refined... It was too obvious na anak siya ng mayaman. I couldn't also help but notice all the details on his face, especially those dark brown eyes. They looked so deep and mysterious. Parang dinala naman sa aesthetic salon ang makakapal na kilay niya para ihulma. Nakikita ko rin ang mahahabang pilik-mata niya lalo sa tuwing kumukurap siya. His cheeks seemed so soft... Sa tuwing magpapalit ng direksyon ang camera sa side niya, lalo kong nakikita kung gaano kahaba ang ilong niya at mas nakikita ko ang hugis ng mga labi niyang tila natural na kulay pula. Wala rin siyang balbas o bigote, and that made him look so clean. Bumaba pa ang tingin ko sa jawline niya... Huminto ang video dahil pinindot ni Lace ang keyboard ko at tinanggal niya ang headphone sa tainga ko. "Ganiyan pala dapat manuod? Naka-zoom?" "I'm just checking.. if he's real." She chuckled at muling pinindot ang keyboard to play the video again habang malisyosang nakatingin sa akin. Ilang beses akong sumulyap sa opisina nito pagkatapos naming magawa ang mga task na binigay sa amin ng manager. Hindi ito lumabas even after lunch. Lacen and I were just lazily sitting on our swivel chair habang nagpapanggap na nagbabasa ng procedure. "Ganito yata talaga sa first day. Pinagre-relax ka para ihanda sa stress sa mga susunod na buwan," she said. Nilabanan ko na lang ang antok. I had no chance to apply as his secretary dahil walang job opening. Kung nagkataon, it would be a huge chance for me to get noticed by him. Natapos na ang office hours pero hindi ko pa rin ito nakikita. Kinuha ko ang ID ko sa baba. Palabas na kami ni Lace pero kailangan niya raw gumamit ng restroom. Sa sobrang lawak sa lobby, kinailangan pa namin iyong hanapin. Bigla na lang siyang huminto, hawak nang mahigpit ang braso ko. "Kla, huwag kang gagalaw," bulong niya nang nanlalaki ang mga mata. Kumunot ang noo ko. "What?" "Huwag kang lilingon..." She knew how stubborn I was. As she said that, lumingon ako. Hindi ko pa nakikita kung ano bang pinagsasabi niya nang maramdaman kong itulak niya ako. Bumangga ang balikat ko sa dibdib ng lalaking sa tingin ko ay tinutukoy nito kanina. Literal na nanigas ako nang makita ko ang dalawang pares ng mga mata nito nang halos ilang dangkal lang ang layo. Malakas na kumalabog ang dibdib ko at hindi ko pa rin ma-proseso na tinulak ako ni Lace sa kaniya. I didn't see any emotion on his face. It took me time to realize na nakasiksik pa rin ako sa kaniya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay sa likuran ko. Nagmadali akong lumayo at nataranta kung anong sasabihin ko, but before I could apologize, narinig ko na ang malamig na tinig nito. "Are you stupid?" Para bang nabingi ako sa tanong nito. Tila hinintay niya pang aminin ko na tatanga-tanga ako pero hindi na siya nagtagal at nilagpasan din ako. "I said I don't want stupid people in my company," narinig ko pang sambit nito sa nakasunod sa kaniyang lalaki habang humahakbang palayo. Just like that, I got everyone's attention. Hindi ko alam kung natatakot sila para sa akin o hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko. Tumingin ako kay Lace na nakangiwi sa akin. Nag-peace sign na lang siya. Pagsakay namin sa bus, yumakap siya sa braso ko. "Sorry na... naisip ko kasi, 'diba... chance mo na 'yon to get his attention. May mga ganoon namang istorya, hindi ba? Nagkakabanggaan tapos nagkaka-in love-an?" Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. "Lace, it only happens in telenovelas. It doesn't work in real life." "I just thought... you have to make an impression. You have to mark." "Not a bad impression, Lace." I was still thinking of his reaction while showering. Nag-dinner kami ni Lace sa taas at nahiga na rin ako sa ibabaw ng kama ko. I could feel my heart warming again. I couldn't forget his question and what he said. Sabi ko na nga ba... hindi ako nagkakamali. Arogante siya. Kinuha ko ang magazine sa drawer at tiningnan ang mukha niya. I felt more upset at kamuntik ko na iyong malukot. "I heard... ganoon na talaga siya. Tingin mo maalala ka pa niya?" Lace asked as she sat beside her bed. "He has to remember me," malamig na sambit ko. "He has to." "Bakit kinakabahan ako sa tono mo?" "I will make him– Samel Leandro Montealto fall in love with me. Kapag nangyari 'yon, ako naman ang magtatanong sa kaniya... if he's stupid– stupid for being deluded by me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD