bc

Deluding Mr. President

book_age16+
560
FOLLOW
11.0K
READ
mystery
like
intro-logo
Blurb

In a world of secrets, Azazel Eris Ross leads a life as a thief. Desperate to prove her worth to her family, she sets out on a daring mission: to marry the cold business tycoon Samel Leandro Montealto, steal his heart, and take his money. But as the secrets and lies unravel, will she be able to confront the consequences of her actions? Will her mission change her life forever?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
AZAZEL ERIS ROSS __ "Excuse me..." Nakipaggitgitan ako pagpasok ng bus habang pilit na kinakapa ang tumutunog at nagba-vibrate kong cellphone sa loob ng bag. Kumapit ako sa grab bar pagdating ko sa gitna at nagmamadaling sinagot ang tawag ni Lacen. "Nasaan ka na?" mabilis na tanong nito. Halos madurog ang balikat ko sa pagsiksik ng babaeng nakasunod sa akin kanina. Kaliligo ko lang pero pinagpapawisan na ako kahit may aircon naman ang bus. "Papunta na." "Papunta? Are you sure? Malapit o malayo?" I bit my lower lip. Halos hindi na ako makagalaw sa daming sakay sa loob. "Malapit na," I lied. "Miss, saan po kayo?" tanong sa akin ng konduktor. Tinakpan ko muna ang microphone ng cellphone ko. "Kuya, alam mo ba 'yung building ng Montealto?" "Ah, sa Montealto street? Sige, ihihinto ka namin do'n. 45 lang." "45? Ang mahal naman," sambit ko habang kumukuha ng pera sa loob ng bag ko at binabalanse ang sarili ko. "Standing pa." Nagreklamo lang ako pero inabot ko pa rin sa kaniya ang bayad ko at inabot ko rin pabalik ang sukli ko. "Babalikan kita. Hahanapan kita ng upuan." I smiled at him. "Thanks." "Malakas ka sa akin eh." Nakalimutan kong nasa kabilang linya pa rin si Lacen. Narinig ko ang pagpilatok nito. "Hay nako... kasasakay mo lang ng bus." "Basta... aabot ako." "I've been calling you earlier. Mga sampung beses na. You know this is an important day. You should have–" "Lace... huwag mo na akong pagalitan, please?" "Miss, dito ka," I heard someone offer me his seat. May nakita akong babaeng may bitbit na bata, so I offered them the seat instead. Sanay na rin naman akong tumayo sa bus during rush hour. "Bakit ba kasi hindi ka dumaan sa apartment?" I asked. "It was a hassle to come home last night. Sobrang traffic. Besides, kailangan ko pang aralin 'tong interview questions. We can't fail." "Miss, upuan." Muli akong napatingin sa isang direksyon. I was kind of confused dahil dalawang lalaki ang nag-offer sa akin ng seats. Pinili ko na lang ang mas malapit. I simply smiled at him and thanked him bago ako umupo. Humugot ako ng malalim na hininga habang hindi ko na maintindihan ang paglilintanya niya. "Lace, let's just talk later, okay?" "Well, fine." Binalik ko rin ang cellphone sa loob ng bag ko at tumingin sa labas ng bintana kahit nasa aisle ang seat ko. I really wished na hindi na ako maipit pa sa traffic. Mukhang mahaba pa ang lalakarin ko pagbaba ng station kung hindi ako makakakuha agad ng taxi. I was also getting worried dahil posibleng hindi naman talaga ako umabot sa interview. Matagal na rin akong nakatingin lang sa labas nang mapansin kong tila may nakatitig sa akin. It was the guy who offered me his seat. Alanganin na lang akong ngumiti rito at muling hinalungkat ang cellphone sa loob ng bag ko para tingnan ang map. I just wanted to make sure na hindi ako maliligaw. I felt more pressured when Lacen messaged me na nagsisimula ng mag-interview ng applicants. Ilang beses akong tumingin sa bintana at halos kalahating oras din ang lumipas bago ako tawagin ng kondukdor. Tinuro niya sa akin ang daan habang nakikipagsiksikan pa rin ako pababa. Nagsisi akong sinuot ko agad ang heels ko dahil kailangan ko pang tumawid sa overpass para makarating sa kabilang lane. Nasa bus pa lang sumubok na akong mag-book ng sasakyan para mas mabilis akong makarating pero walang tumatanggap sa booking ko. Sumubok din akong pumara ng taxi habang patuloy pa rin sa paghakbang pero lahat ay may sakay na. According to the map, puwede kong malakad ang Montealto sa loob ng 12 minutes. Siguradong aabot pa ako. Binilisan ko na lang ang hakbang ko. Hindi ko na lang din pinansin ang mainit na araw. Kailangan ko lang diretsuhin ang daan at lumiko sa kanto. Malayo pa lang, napansin ko na ang matandang lalaki na tila hirap maglakad sa gilid ng kalsada. Hindi pa ako gaanong nakakalapit nang bigla itong malaglag sa kanal. Kusang bumilis ang hakbang ko para lapitan agad siya at tulungan siyang umahon. "Lo?" Paulit-ulit itong dumaing. Sinukbit ko ang handbag ko sa braso ko at tinulungan siyang umahon. I tried to ask for help dahil medyo mabigat si lolo pero dinaanan lang ako ng mga tao. I almost hugged him before I was able to take him out there. "Ayos lang po kayo?" Humawak siya sa braso ko at dinaing ang tuhod niyang basa. I was a little bit worried na baka masama ang bagsak niyon at hindi niya na mailakad nang maayos. Inalalayan ko siya papunta sa plant box na nasa side walk. Inupo ko na muna siya roon at muli siyang tinanong. "Masakit pa rin ba, 'lo? Mag-isa lang po ba kayo?" "Nagugutom ako..." Napalunok ako sa nangungusap na mga mata nito. Tumatawag si Lacen at naalala kong may job interview ako. Wala akong dalang pagkain at naiwan ko rin ang tumbler ko. Tiningnan ko ang oras before answering her call. "Eris, susunod na ako. Marami silang interviewer kaya mabilis ang process. Ano ba." "Malapit na ako... I'll be there." Pinatay ko rin agad ang tawag at marahang kinuha ang braso ni lolo. "I think may nakita po akong convenience store. Dumaan po tayo roon." Gusto kong magmadali pero masyadong mabagal ang lakad niya. I was already panicking dahil late na ako pero hindi ko naman ito magawang iwan. He looked so hurt and I guess he was really hungry. Pinaupo ko na muna siya sa labas at nagmadali na akong kumuha ng mga tinapay sa loob at humablot na lang ako ng tubig sa ref bago ako pumila sa counter. Bumaling agad sa akin ang mga nauna sa pila pagkatapos ay tinakpan ang ilong nila. I absentmindedly smelled myself. Wala naman akong naaamoy pero napansin kong basa ang sleeves ko, marahil sa paghawak sa akin ng matanda kanina. Napapikit ako sa ilang sandali bago ito muling tingnan sa labas. He was trembling. Kahit ang pagbibilang ng sukli ng cashier ay kinainip ko. Binigay ko agad sa kaniya ang mga tinapay at binuksan ko na ang bottled water bago ko binigay sa kaniya. "Alam n'yo po ba kung saan kayo umuuwi? Alam n'yo po ba 'yung numero ng anak n'yo... asawa... kapatid?" Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa pagnguya ng tinapay. Muli akong tumingin sa wrist watch ko. Gosh... kailangan ko na talagang umalis. "May... lakad ka ba, hija?" Muli akong napatingin sa matanda at hindi ko maitago ang pag-aalala ko. "May job interview po ako sa Montealto kaya lang... mukhang late na po ako." "Salamat sa pagkain..." "Puwede ko po ba kayong iwan dito sandali? The interview might take 30 minutes or maybe an hour. I promise, babalikan ko po kayo rito." "Galingan mo." I managed to smile genuinely at him. Tumango lang ako at nagmadali na rin akong humakbang palayo. Pagdating ko sa building ng Montealto, kinailangan ko pang huminto sa lobby at mag-iwan ng ID. I was fidgeting while waiting for them to double check at bigyan na ako ng temporary card para magamit ko ang elevator. Halos tumakbo na ako nang ibigay nila iyon at sunod-sunod kong pinindot ang up button. Bumukas din iyon agad dahil tila nakaakyat na lahat ng empleyado at wala nang pakalat-kalat. Kinuha ko ang perfume sa loob ng bag ko at winisik sa sarili ko. Pinagpapawisan pa rin ako habang nakatingin sa number ng floor sa itaas. Inayos ko ang buhok ko nang tumutong sa 11th floor. May nakasalubong akong mga applicant sa hallway na nag-uusap tungkol sa interview. "Ang malas ko naman. Natapat pa ako sa masungit na interviewer. Hindi tuloy ako nakapasa." "Masungit din 'yung sa akin pero sa tingin ko istrikto lang talaga sila. Nakapasa naman ako." Lalo akong kinabahan habang hinahanap ko ang room number sa na-issue nilang online appointment slip. Saktong may lumabas na lalaki mula sa pinto na may hawak na folder. "Good morning," I immediately greeted and tried to smile. "I'm sorry I'm late. Can I still be in–" "Tapos na ang initial interview, Miss." Nagtakip ito ng ilong. "Tapos na rin ang mga nauna at nasa second to final interview na ang mga on going pa." I gulped. "Baka naman puwede pang humabol, please? I just really had an emergency." "Itatanong ko muna sa interviewer." Muli itong pumasok sa loob. I was getting nervous because I knew I couldn't mess that up. Kailangan kong makapasok sa Montealto no matter what happens. "Miss," tawag nito sa akin nang lumabas ng pinto. "Pasok ka na sa loob." Halos magtatalon ang puso ko sa saya. I widely smiled at him and thanked him before coming in. Diretsong nakatingin sa akin ang nag-iisang interviewer na naiwan sa loob. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at pokerface ito Muli akong ngumiti. "Hi, good morning." Pinaglaruan nito ang ballpen sa ibabaw ng mesa habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. "You're late. Tagapag-mana ka ba ng kompanya?" Marahan akong naupo sa silya sa harapan ng mesa. "I'm sorry, I had–" "Okay, tell me about yourself." I composed myself before answering it. "I'm Klarise Antonio, twenty-six years old. I worked as admin assi–" "Klarise Antonio. Tingin mo hindi ako marunong magbasa? Nakikita ko rito sa resume mo, ang laki ng pangalan mo. I don't need you to read this for me, Madame." I gulped and was about to say something again pero suminghot siya at tinakpan ang ilong niya. "Ang joho ha. Is that you?" "I–" "Alam mo, Miss, I don't think you're prepared," he cut me off nang nakatakip pa rin sa ilong niya at tunog kulob na ang boses niya. "You are here at Montealto. This is one of the biggest companies in the country. Hindi kami tumatanggap ng puchu-puchu, hmm? Nag-research ka ba? Bumalik ka na lang." "Will you allow me to reschedule?" "Oo, mag-reschedule ka sa banyo n'yo. Maligo ka, Miss. Amoy kang imburnal." I was so disappointed while in the lift. Nakatakip din ng ilong ang mga kasabay ko. I couldn't even smell myself. Mabuti na rin at naaamoy nila. At least hindi lang araw ko ang nasira. Kinuha ko ang ID ko sa lobby at lumabas na rin ako ng building. Sa tapat mismo, may isang malawak na park. Plano kong tumambay doon habang hinihintay ko si Lacen. I was a bit surprised na makita ang matanda kanina. Nakaupo ito sa isa sa mga bench doon habang nakikipaglaro sa pusa. Marahas akong humugot ng malalim na hininga bago ako nagtungo sa direksyon niya. I sat beside him and looked straight in front of me. I couldn't help but feel bad. "Hindi mo nakuha ang trabaho?" "Unfortunately, I was told to leave the room. Amoy daw akong imburnal." "Nagsisi ka na bang tinulungan mo si lolo?" Bumaling din ako sa kaniya at umiling. "Of course not. Ayos na ho ba kayo?" Tumingin ito sa malayo. "Puwede mo ba akong bilhan ng ice cream?" Bahagya akong nakangiti. I just again heaved a deep sigh before I raised my hand to call the vendor's attention. Binilhan ko siya ng ube flavor at bumili na rin ako ng para sa akin. Sabay namin dinilaan ang ice cream sa apa. After a while, bumaling din ako sa kaniya. "Alam po ba ng pamilya n'yo na nandito kayo?" Nagpatuloy ito sa pagkain ng ice cream nang hindi ako sinasagot. Wala sa loob na hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. I realized na baka palaboy na siya. Naubos ko na ang kinakain kong ice cream nang marinig ko si Lacen na tinatawag ako. "Eris!" I immediately looked in her direction with a glare. Nabigla din ako sa lakas ng tawag niya. She wasn't supposed to call me by my real name. "Kla!" Nagpatuloy siya sa pagtakbo palapit sa direksyon ko. She looked so excited at alam kong good news ang sasabihin niya. "I'm hired!" She sighed with a smile on her lips. "Umabot ka ba?" I nodded lazily. "Umabot naman pero hindi ako pinatapos. Bumalik na lang daw ako sa banyo ko at maligo dahil amoy akong imburnal." Suminghot siya at tinakpan ang ilalim ng ilong niya gamit ang daliri niya. "Medyo majoho nga." Binaling niya ang tingin sa matandang katabi ko. "Is that you... or..." TInuro niya ito. "I helped him earlier papunta sa building. Nalaglag siya sa kanal." "Oh... how are you now, Lolo?" Tumingin lang ito sa kaniya at hindi sumagot. Muli siyang sumenyas sa akin, asking kung pipi ba ito o bingi. I just again shook my head. "Let's go now?" Bumaling ako sa matanda. "Una na po kami, Lo. Mag-ingat po kayo sa susunod." Hindi pa kami nakakalayo ni Lacen nang sumunod ito sa amin. "P-puwede bang manghingi ng pera pangbili ng tsinelas?" Sabay kaming napatingin sa paanan nito na marumi pa rin. Hindi na ako nagbuklat ng bag dahil nauna na si Lace at inabutan siya ng two hundred pesos. "Tawaran mo 'yung tindera, huh? Sabihin mo with senior discount dapat. Baka kasya pa rin po 'yan para sa ukay. Bili po kayo ng damit." Sabay din kaming nagpaalam sa kaniya at naglakad kami papunta sa sakayan ng bus. Nakatakip pa rin siya sa ilong niya habang magkatabi kaming nakaupo. She kept talking, but I chose not to say anything. I was still disappointed with myself. Mabilis din kaming nakabalik sa apartment dahil wala ng traffic. Sumilip na naman si Banoy sa nakabukas na pinto ng apartment niya sa pangalawang palapag, malapit sa hagdan." "Hi, Idol. Baho mo ngayon, ah?" Lace rolled her eyes at him. "Hindi ako 'yon, Ungas." "Sungit mo naman, Idol." I still managed to smile a little habang paakyat kami ni Lace. Nasa pang-apat na palapag ang apartment namin. Naligo ako agad at nagbihis bago ako tumambay sa rooftop. Naupo ako sa isang silya doon at nagbukas ng isang can ng soda. Wala na iyong laman nang maupo si Lace sa tapat ko. "Huwag ka nang malungkot. May iba pa namang pagkakataon." "Kailan pa? We've planned it. We've waited for it." "I know... but you chose to help an old man. Do you regret that?" "Of course not." "'Yun naman pala, eh, then maybe just think that you've at least done something more important today." Humugot ako ng malalim na hinga. Somehow tama naman siya. May nagawa pa rin akong mabuti ngayong araw. "Nakakainis lang 'yung interviewer... masyadong mataray." She laughed softly. "'Yung bekimon na mukhang mamom, 'no? Actually, masungit silang lahat. Minalas ka lang talagang sa mas matilda ka natapat. And... I can imagine the way he said that you smell like imburnal. The smell is still lingering in my nose." "Stop laughing. I don't know what to do anymore. Tingin mo dapat akong mag-apply sa ibang business niya?" "It won't make sense. Nasa Montealto ang center ng lahat ng businesses niya at nandoon talaga ang main office niya, plus... nandoon siya lagi." I groaned. "I don't know anymore." "P'wede naman nating gawan ng paraan yan. Magpatumba tayo ng isang admin," she jokingly said. "Malay mo may hindi pumira sa job offer. The downside is... hindi mo natapos yung interview. Sa daming nag-apply, hindi natin sigurado kung mag-aabala pa silang halukayin ang resume po. The good thing... nakapasok lahat ng tao natin. We just really have to wait for you." Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal ako sa silya. I still couldn't help but get worried about it. Lacen and I still discussed kung paano namin magagawan ng paraan iyon. Kahit sa paghiga ko sa ibabaw ng kama bago matulog, tinitingnan ko ang litrato nito sa isang business magazine. "Bakit mo tinitigan 'yan?" tanong ni Lace nang pumasok siya sa silid. Hindi ko tinanggal ang tingin ko roon. "Ang guwapo niya." She laughed softly. "You can't fall in love with him. Remember the mission's last rule." "I won't. I don't like rich people. I'm sure he's arrogant, just like most of them." "Na-judge mo naman agad." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "I need beauty rest. Good night." Magkahiwalay kami ng higaan pero kaunti lang ang pagitan. Ayaw niya akong katabi dahil nawawalan siya ng space kapag nauuna akong matulog. Binalik ko rin ang magazine sa drawer at kinapa ko na rin ang switch ng lampshade. Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko sa bedside table. I still didn't have the energy to reach for it. "Eris! Your phone is ringing!" sigaw ni Lace mula sa shower room. Inaantok ko iyong kinapa at pilit kong binuksan ang mga mata ko para hanapin ang answer button. I lazily put the phone on my ear. "Hi, good morning. Calling for Ms. Klarise Antonio." "Yeah... it's me," mahinang sagot ko. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi nito sa kabilang linya pero naging malinaw sa akin ang mga huling salita. Kusang bumukas ang mga mata ko at nanlaki ang mga iyon. "You're hired."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook