Chapter 17
“Saan mo nanaman ba balak pumunta ngayon?” may halong pagka-irita na tanong ko sa kanya.
Masyado pang maaga para gisingin niya ako ng ganitong oras, alam niya naman na pagod ako at hanggang ngayon ay nangangalay pa rin ang buong katawan ko.
“Gusto ko kumain nang isda” patuloy pa rin ang pag-hila niya sa’kin papunta sa tabing dagat. Huminto kami sa isang banka, may life vest doon at mga sagwan na ginagamit.
“Kumain ka. Ayaw ko ng isda, tsaka gusto mo lang naman pala kumain ng isda edi sana bumili ka nalang” gusto lang pala ng isda.
Kailangan pa akong istorbihin sa pag-tulog ko. Ang dami kong balak ngayong araw, kailangan ko ng pahinga.
“Gusto ko kumain ng isda mo” naka-ngisi niyang sabi bago ako tinignan ng kakaiba.
“Bastos!” bulaslas ko. Kahit kalian talaga sobrang libog ng lalaki na ‘to, walang kasawaan.
Hindi pa na pagod kagabi na halos ayaw niyang tigilan ang katawan ko hangga’t hindi nanakit at hindi siya napapagod.
“Ikaw ang bastos. Kung ano-ano iniisip mo, sumakay ka na bago ‘yang isda mo nga ang kainin ko” may pang-aasar niyang sabi bago ako tinulungan sumakay sa banka.
Sinuot ko ang life vest at doon ko lang na pansin ang dalawang pamingwit na nasa gilid ng Bangka, may isang timba din doon na may kung anong gumalaw.
Iw, is that bulati?
“Ano nanaman ba trip mo?” tanong ko kay Miguel nang naka-sakay na rin siya. Nag umpisa na siya sagwan, unti-unti ay dinadala kami sa malalim.
Ngayon lang ulit ako naka-sakay ng Bangka.
Ang pagka-alala ko ay noong grade 8 pa ang huli kong sakay, at di na naulit pa dahil more on swimming pool na kami pumupunta.
“Gusto ko nga kumain ng isda” sinamaan ko lang siya ng tingin para ika-hagalpak niya ng tawa. “Joke lang, wag masyadong seryoso mahal.”
“Ano ba kasi yon?”
“Nasa bucket list ko ang mamangka na kasama ka, sabay natin kakainin at iihawin. Na isip ko lang naman kung mamayang hapon tayo mamimingwit ay masyado nang maalon, baka matakot ka kaya naman ngayon ko nalang ginawa. And besides gusto din naman kita masolo sa gitna ng dagat.” Paliwanag niya bago inangat ang hawak niyang sagwan at sunod na kinuha ang pamingwit.
“Tara, turuan kita?” tumango nalang ako.
Lumipat siya sa pwesto ko, inayos ang kamay ko sa pag-hawak ng pamingwit at nilagyan ng isang kadiring uod ang dulo nito, bago hinagis sa tubig.
“Hintayin mo nang may kumagat sa pain mo” sabi niya sa’kin bago tinap ang ulo ko at ganon din ang ginawa sa isa pang pamingwit.
“Kailan pa nagkaroon nang ganito sa bucket list mo?” wala naman ‘to.
Alam ko ang lahat nang naka-sulat sa bucket list niya, wala akong na basa na kahit anong pa tungkol sa ganitong bagay.
“Naisip ko ‘yan habang na sa barko ako” naka-ngiti niyang sabi bago nilalaro ang pamingwit niya. Paano daw siya maka-huhuli ng isda kung ginagalaw niya rin naman?
“Wala na tayo no’n diba?” tanong ko. Ang una niyang pag sampa sa barko ay hiwalay na kami, hindi na kami nagka-usap simula ng makita ko sila ni Sam.
“Kahit wala na tayo patuloy pa rin naman akong nangangarap, kasam ka.” Pag-amin niya bago tumingin sa’kin at marahan na pinitik ang noo ko, “Hindi ka naman kasi na wala habang nangangarap ako”
Hindi ako makapag-salita sa sinabi niya, ang korni pero inaamin kong kinikilig ako. Kahit kalian ang galing niya sa mabulaklak na salita. Hindi pumapalya ‘yon at laging tumatagos sa puso ko ang bawat sabihin niya.
“Sigurado ka naman na mababawi mo ko?” tanong ko.
Kung hindi kami nagka-sama dito at hindi ko naintidihan kung ano ang tunay na nangyari ay malamang sa alamang ay hindi ko talaga siya bibigyan ng chance pa.
“Oo, kasal ka na sa’kin kaya kahit sa ayaw o sa gusto mo sa’kin ka pa rin babagsak.” Walang pag-aalinlangan niyang sabi.
Hindi na ako umimik, parehas nalang kaming tumingin sa hawak naming pamingwit. Halos sampong minute na pero wala pa rin kumakagat sa pain namin.
Mukhang nagiging matalino ang mga isda ngayon, alam na kung ano ang kailangan kainin at sa hindi.
“Hala! May humihila!” sigaw ko ng makitang may humihila sa tansi ni Miguel, natataranta ako sa nakita ko.
Ang bilis nang pag-galaw ng tansi na hawak niya, pati na rin ang kamay ni Miguel na pinipigilan ang paghaba ng tansi sa pamingwit niya.
“Mukhang malaki ‘to” excited niyang sabi habang patuloy lang siya sa paghila ng tali.
Hindi nga siya nagkamali, isang malaking isda ang kumagat sa pain niya. Nagpapalag pa ‘to ng ilagay niya sa maliit na cooler na dala namin kanina.
“Ang galing!” tili ko. Ito ang unang beses na makakita ako ng tao na naka-huli ng isda.
Dahil ano pa nga bang aasahan mo sa isang manila girl? Kahit nga uri ng isda ay hirap akong tandaan, para sa’kin iisa lang sila, pare-parehas na isda na lumalangoy sa dagat.
Ilang oras din kami nag stay sa gitna nang dagat, siya lang ang naka-huli sa lahat ako naman ay nganga. Ayaw ko pa sanang umalis pero masyado nang tumitirik ang araw, masakit na sa balat kahit malakas ang simoy ng hangin na tumatama sa’min.
“Hindi manlang ako pinahuli kahit isa!” pag-mamaktol kong sabi habang hawak ang pamingwit na ginamit namin.
“Paano hindi mo manlang pinakiramdaman ang hawak mo” sermon niya.
Hindi ko kasi na Malayan na wala na pala ang pain na naka-sabit sa pamingwit ko, kaya pala wala akong nakukuha na kahit ano at naka-tunganga lang sa tubig.
“Nanakit lang balikat ko” reklamo ko bago na upo sa isang sofa.
Sinalubong naman kami ng alaga namin at parehas na sumampa sa akin, samantala si Miguel ay pumunta sa kusina para linisin ang isda.
Never akong hahawak ng isda. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang isda, sa tuwing isda ang ulam sa bahay ay hindi na ako nag-aabalang kumain pa.
Maarte na kung maarte pero ‘yon talaga ang totoo, na umay kami dati dahil sa ginawa ni papa.
Dalawang buwan na puros isda ang ulam, umaga, tanghali at gabi sinong hindi mauumay sag anon.
“Tara, lutuin na natin.” Tawag niya. Tumango ako at sinundan siya palabas, nag aayos siya ng ihawan at ang isda ay naka-balot na sa foil.
Inihaw pa ang nais.
“Nacheck na ang bucket list mo, sakin naman bukas.” Naka-ngiti kong sabi bago niyakap siya sa likod.
“Ano ba ang na sa bucket list mo bukas?”
“Secret!” dahil parehas tayong mag eenjoy.