Chapter 16: 5th Day
Tahimik ang buong parte ng bahay. Ako lang mag-isa at ang dalawang alaga ko na mahimbing na natutulog sa sofa.
Ito na ang pang-limang araw namin dito sa Pampanga, ang bilis ng oras at panahon habng nandito. Hindi mo mamalayan na tapos na pala ang lahat at kailangan mo nang gumising sa realidad ng buhay.
“Ano nanaman ang binabalak ng lalaki na ‘yon” inis kong pahayag. Simula kaninang umaga ay wala na siya sa bahay, at tanging isang pink na dress ang naka-sabit kung saan naka-lagay ang isang maliit na papel.
Gumising ako na luto na ang pagkain, ang mga gamit ay maayos nang nakalagay sa mga kailangan pag-lagyan at ang mga aso na busog na busog sa dami ng nilagay na pag-kain. Halos wala nang ginawa ang mga alaga ko kundi ang matulog at kumain.
Alas-sais na nang hapon, sinuot ko na ang pink na dress na iniwan niya at ang isang pares na itim na flat shoes. Siguro’y aalis kami ngayon at kakain sa labas.
Wala talaga akong idea kung na saan siya ngayon, pero isa lang naman ang sigurado ako at ‘yon ang sa trabaho niya. Simula pag-balik namin kagabi ay sunod-sunod na email ang lumalabas sa kanya na galing sa trabaho.
Hindi rin ako nag balak na lumabas ngayon dahil sa tindi ng init ng panahon, nakaka-hilo at kahit nasa gitna pa ng dagat ay siguradong mapapaso pa rin sa init ng panahon. Gusto ko magpa-tan ng balat pero ayaw ko naman ng sunog na sunog.
Humarap ako sa salamin, nilagyan ko ng konting make-up ang mukha ko para naman hindi gano’n ka putla.
Ang kulay pink na dress na palobo sa ilalim at ang sa bandang itaas naman ay hapit na nag paplabas ng hindi ka-gandahan na kurba nang katawan ko. Ang buhok na plinantsa ko at pinatiling naka-lugay sa likod ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin.
“Ang ganda ko talaga!” puri ko sa sarili. Kailangan ko ng confidence na ilabas ang ganitong damit sa bahay.
Lumabas ako ng kwarto na tanging cellphone lang dala, wala naman akong pera dahil naka-limutan ko sa manila.
“Bantayan niyo ang bahay!” bilin ko sa dalawang alaga ko bago sila daanan. Humikab lang naman si Biba at si Sea na walang pake-alam na diretso pa ring natutulog katabi ang isang teddy bear na pusa.
Lumabas ako ng bahay, napa-taas ang kanang kilay ko ng makita ang mga kulay pink na kandila. Mula sa pag bukas ko ng bahay, tila may direksyon na kung saan nang galing ang lahat.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan si Miguel. Kung ano-ano nanaman ang pakulong ginagawa niya ngayon, bat pa kailangan ng mga candles kung pwede naman sabihin kung saan siya banda.
Kahit kalian talaga ang gastos niya.
“Ano nanaman ‘to?” pilit kong pinapa-inis ang boses ko, kahit ang totoo ay kinikilig talaga ako.
“Sundan mo” tanging sinabi niya at pinatay ang tawag.
Ang gastos ng ginawa n’ya, sana ay binigay niya nalang sa’kin ng cash para matuwa naman ako. Aaminin ko na kinikilig ako sa ginawa niya ngayon. Ang babae kunwari na corny-an sa mga surprises pero tuwang-tuwa naman kung sa kanila ginawa.
In short impokrita. Ayaw makita sa iba, pero gusto sa kanila gawin.
Ginawa ko ang sinabi n’ya, sinundan ko ang mga kandila hanggang makarating ako sa malapit sa dagat. Hindi ‘to kalayuan sa bahay pero hindi ko na pansin na may ganito palang ginawa si Miguel.
Hhalatang pinag-handaan ang bawat isa, ang mga kandila na may nakalagay na iba’t-ibang letra sa bawat isa. Malayo ang distansya at may nakalagay na mga takip sa bawat isa para hindi mamatay sa lakas ng hangin.
Dumating ako sa dulo kung saan ang kandila, at doon bumungad ang isang tent. May maliit na lamesa na kasya lang ang dalawang tao, may kandila rin ‘to sa taas at bulaklak. May kumikinang na Christmas light sa paligid, habang sinasabayan ng mahinang tugtog ang kislap ng mga ‘to.
“Surprise!” nabalik ako sa katotoohanan. Masyado akong na mangha sa ginawa niya.
“Ano ‘to?” Hindi ba obvious Catalina? Surprise ‘to, isang candelight dinner date ang ginawa niya para sa’yo. Tinignan ko s’ya ng masama at kinuha ang bulaklak na gawa sa chocolate sa kamay niya, bago tinuro ang mga kandila.
“Mag kano ang ginastos mo dito? Pwede naman sabihin mo na dito lang tayo mag kikita, nag sayang ka pa ng kandila” panghihinayang kong sabi.
“Hindi ko na iisipin pa ang gastos, mas mabuti nang malaman kong nagustohan mo.” Nakangiti niyang sabi at tila binalewala ang sinabi ko.
Inalalayan niya ako pa upo sa upuan at binuksan ang naka-takip sa mga pag kain.
“Nagustuhan mo?” tumango ako. Adobong palaka, pritong palaka at desserts.
“Paano mo nalaman?” hindi ko ‘to kwinento sa kanya. Hindi ko sinasabi sa iba na kumakain ako ng palaka, dahil pag nasa manila ka’t kumakain ka ng palaka ay isa ka na sa weird na tao.
“Nalaman ko sa mama mo. Lagi daw may pasalubong ang lolo mo sa’yo pag-uwi sa sakahan na palaka, habang nag prito ay mag kasama kayo. Kaya naman na isip ko na bilhan ka nito,” ngumuso siya sa pag-kain na nasa harap. Napangiti nalang ako sa kanya,
“Salamat,” tanging na sabi ko at nilibot ang paningin ko sa buong lugar, “Ikaw lang ba ang gumawa nito?”
Ang ganda talaga ng pagka-aayos ng bawat gamit, ang linis at halatang pinag-gugulan ng oras.
Hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang lahat nang nandito.
“Nag patulong ako sa pinsan kong babae sa pag-gawa nito, kumain ka na. Alam kong nag lalaway ka na,” natatawa niyang sabi.
Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, kiuha ko na ang nakahain. Ito ang pinaka-magandang surprise niya para sa’kin.
Ilang taon na akong hindi naka-titikim nang ganitong pag-kain, ito ang palaging pasalubong ni Lolo at talagang hinihinap niya ‘yon sa sakahan para may mai-uwi.
Buhay probinsya, sobrang simple pero napaka-saya. Samahan pa ng ibang pag-mamahal ng lolo’t lola.
“Bakit mo ‘to ginawa?”
“Dapat nang unang araw natin dito ay gagawin ko na ‘to, pero alam mo na. nagkaroon ng aksidente, kaya naman nilagay ko nalang sa araw na ‘to. buti na nga lang at naki-sama ang panahon sa’kin ngayon.” Mahaba niyabg sabi at hindi mawala ang ngiti niya sa labi.
Ito ang ika-limang araw namin dito, dalawang araw nalang at pinu-puno niya ng iba’t-ibang alaala.
“Para san ‘yon?” ngumuso ako sa tent.
“Doon tayo mag loloving-loving mamaya” sabay kindat niya. Yuck!
Natawa nalang s’ya bago tumayo at kinuha ang kamay ko. “Can I dance you?”
“May magagawa pa ba ako?” umiling siya.
Nilagay n’ya yon sa batok niya, samantala ang kamay naman niya ay na sa bewang ko. Unti-unti siyang gumalaw, ginaya ko siya at pinakinggan ang music na lumabas sa kung saan.
Ang payapa ng dagat ngayon, ang liwanag ng buwan at ang ganda ng buong paligid. Kasama ang lalaking minsan ko nang minahal.
Napangiti ako. Hindi ko naman inaasam na maging maswerte sa taong mamahalin, hindi katulad ng iba na nag hahanap ng mayaman. Sa’kin gusto ko lang nang simpleng lalaki na kaya akong mahalin at ipag-laban.
Maswerte na ba ako ngayon, dahil nandito na siya ulit? Hindi ko pa rin alam, naguguluhan pa rin ako.
“Catalina” nilayo ko ang sarili ko para tignan s’ya pero bago ko pa man magawa ay mabilis na niyang na hila ang batok ko at sinunggaban ng halik.
Ginaya ko ang pag galaw ng bawat labi niya, ang halik ay unti-unting lumalalim. Hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko.
Nag-iinit nanaman ako.