CHAPTER 15

1684 Words
Chapter 15: Dahil mahal kita, Catalina Malakas ang hangin, ang alon at wagayway ng hangin ang bumuo nang ingay sa buong lugar. Hapon na, ang bilis nang oras sa tuwing masaya ka at hindi mo mapapansin na tapos na pala. Ito ang pang-apat na sunset na papanuorin ko sa lugar na ‘to, at hindi ko makakalimutan ang mga araw habang nandito pa ako. Pag balik ko sa manila, siguradong babalik na sa dati. Bago kumain ay kailangana mamroblema ng makakain, ang utos ni mama at nakakarinding sermon. “Anong iniisip mo?” nilingon ko ang nag salita. Si Cedrick, nakapantalon siya at naka-tingin din sa sunset. “Wala naman. Nakakalungkot lang ang tunod ng alon pati ang sunset, pero kahit ganon ang ganda.”  At alam ko sa malunulungkot na pangyayari sa tao ay may magandang dahilan ang lahat. Naupo siya sa tabi ko, nakatingin lang siya sa sunset at ang kamay niya na may sinusulat sa lupa. “Nathalie?” basa ko. Tumango siya bago ngumiti at binura ang sinulat niya. “Nang makita kitang nalulunod, siya agad ang naalala ko. Gusto kong sigawan ang boyfriend mo no’n dahil kung hindi kita nakita ay sigurado akong nagaya ka rink ay Nathalie.” Malungkot niyang saad. Pilit siyang ngumiti sa’kin bago ginulo ang buhok ko. “Ano ba nangyari sa kanya?” curious kong tanong. Anong connect nang nangyari sa’kin sa Nathalie na ‘yon “Girlfriend ko s’ya. Naalala ko no’n na masaya kaming parehas sa dagat. Nang araw na ‘yon, dumating ang kapatid ko kaya naman iniwan ko siya para asikasuhin. Iniwan ko siya mag isa sa dagat at ‘yon ang pinag-sisishan ko. Nalunod siya, nang ililigtas na namin siya ng kakambal ko ay isang hindi nanaman inaasahan ang nangyari.” “Marunong naman lumangoy ang kapatid ko pero biglang namulikat ang paa niya, saktong nasa malalim na rin kami at malayo pa rin kami kay Nathalie. Parehas silang nalulunod sa harap ko at ako lang mag isa nang araw na ‘yon, wala akong magawa kundi ang mamili sa isa.” Aniya. “Kapatid mo ang pinili mo?” tumango siya, at nag pakawala nang isang malalim na buntong hininga. “Parehas silang mahalaga sa’kin, parehas ko silang mahal at ayaw ko mawala sila pero sa gano’n na sitwasyon kailangan ko pumili. Tama ka, pinili ko ang kapatid ko at siya ang binalikan ko. Sa desisyon ko na ‘yon, buhay naman nang taong mahal ko ang nawala.” Halata ang lungkot sa boses niya. Halata ko na hanggang ngayon ay nandon pa rin ang sakit na nasa puso niya. Kahit sino naman ang mawalan ng taong mahal ay ganon din ang mangyayari, mas lalo na’t nag karoon ka ng option kung sino ang ililigtas. Sa sitwasyon n’ya, kahit sino ang piliin niya ay masasaktan pa rin siya. kung ang babaeng mahal niya ang pinili niya, ang kapatid naman niya ang mawawala. “Ang nasa isip ko no’n kung ibabalik ang panahon ay sana siya nalang ang pinili kong iligtas, pero wala na akong magagawa dahil tapos na. Nangyari na ang mga bagay na ‘yon at nag desisyon na ako.” “Nag sisi ka dahil niligtas mo ang kapatid mo?” tumango siya. “Bakit?” “Wala na siyang ginawa kundi ang masunod lahat ng gusto niya, pati ang buhay ko ay pinapaki-alaman niya.” Na iinis niyang sabi bago hinagis ang isang maliit na bato sa dagat, “Sana siya nalang ang na wala, hindi si Nathalie” “Wag mong sabihin ‘yan, kahit anong gawin mo ay kapatid mo pa rin siya. Mas masakit pa gang kapatid at kadugo mo ang nawala sa’yo Cedrick.” Seryos kong saad sa kanya. Hindi niya alam kung anong sinasabi niya. “Totoo naman, nag sisi ako na siya ang niligtas ko.” Matigas niyang sabi at tumingin sa’kin. “Pero nag bago ‘yon nang marinig ko usapan niyo, narinig ko ‘yon lahat at doon ko nalaman na nag aalala pala s’ya sakin at gusto niya lang ako makalimot kay Nathalie.” Kumunot ang noo ko, impossible na maka-usap ko ang kapatid niya. Hindi ko nga siya kilala kapatid niya pa kaya. “Hindi ko kilala kapatid mo kaya nag kakamali ka ata,” umiling siya. “Si Cindy, kakambal ko siya.” nanlaki ang mata ko. Kaya pala parang familiar ang mukha ni Cindy ng makita ko siya, bat hindi ko ba napansin agad na mag kamukha sila? Parehas sila ng mata at ilong, maski ang labi nila ay mag kahawig din. “Salamat, Catalina. Nang na iligtas kita, parang na iligtas ko na rin si Nathalie. Alam kong makakalimutan ko rin siya agad, sana.” Tumayo na s’ya, kasabay non ang tuluyan na pag lubog nang araw. “Pag sinaktan ka niya ulit-“ “Wag kang mag alala tol, hindi ko na siya sasaktan ulit.” Putol nang isang boses. Si Miguel, seryoso siyang nakatingin sa’min pareho. Hindi naman halata sa mukha niya na galit siya. Kanina pa kaya siya nandito? “Mabuti nang marinig sa inyo yan. Oo nga pala, bagay kayo sa isa’t-isa.” Bago tuluyan siyang naglakad papalayo sa’min. Tinitigan ko lang s’ya papalayo, at muling namayani ang ingay ng alon. Sa pag kwento niya halatang na saktan siya ng sobra, kahit sino naman ay masasaktan at sisihin ang sarili dahil kahit may niligtas s’yang isa ay may namatay pa rin na isa, at yon ang taong mahal niya na hindi niya na iligtas. “Wala na s’ya sakin ka na tumingin” may halo niyang pagtatampo sabi niya. Nilamutak ko naman ang mukha niya, hindi naman halatang galit siya pero mukhang may balak mag tampo ang kupal. Tumahimik lang ako at tumingin sa kalangitan, unti-unti nang lumalabas ang mga bitwin sa langit. Ang kinang nang bawat isa sa kanila na nag bibigay ng magandang liwanag sa kalangitan. “Paano kung malunod ako at kapatid mo, sabay kailangan mong mamili. Sino pipiliin mo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw. Sanay na sanay lumangoy ang mga kapatid ko, hinasa na kami simula bata. Samantala ikaw hindi ka marunong lumangoy,” hinawakan niya ang kamay ko. “Kaya pala na sabi niya ang ganon sa’kin dati,” “Yong ano?” pagtataka ko. Mag kakilala ba silang dalawa? Pansin ko rin na hindi siya na galit habang kausap ko si Cedrick kanina, dapat ngayon ay nag tatampo na siya. “Wala” sabi niya bago ako hinila. “Mahal na mahal kita, Catalina.” Ang saklap nang nangyari kay Cedrick at sa taong mahal niya. Naiisip ko kung paano sa sitwasyon naman ni Miguel ‘yon, at kaming dalawa ni Sam ang nasa gitna nang dagat. Sino kaya ang pipiliim niya sa’min. Sana ako naman ang piliin niya. “Miguel?” tawag ko sa pangalan niya at mahinang hinila ang buhok niya. “Wag kang mag-alala, Catalina. Simula nang bumalik ako at suyuin ka, ikaw na ang pinili ko sa lahat ng bagay. Kung ‘yon ang kinakatakot mo, papatunayan ko sa’yo na ikaw lang. hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo dati na ikaw ang pipiliin ko sa lahat nang bagay. I was immatured that time, hindi ko alam ang halaga mo. Nakampante ako dahil alam ko na hindi mo ako iwan.” May halong pagsisi niyang sabi bago humigpit ang yakap niya, “Pero ngayon, hindi na. ikaw na ang pipiliin ko kahit anong mangyari, pipilitin ko na ikaw lang. ayaw ko na mawala ka pa.” Mas mabuti ng ganito, ang iparamdam sa kanya na nandito ako pero pwede akong mawala sa kanya. Kahit ako dati ay nakampante din sa kanya, na hindi niya ako iiwan dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa’kin. Pero hindi lahat ng pangako natutupad, karamihan sa mga pangako ay napapako lang at nakakalimutan na. Hindi natin alam ang mangyayari sa bawat araw na lumilipas. Ngayon ikaw ang pipiliin, pero baka  mamaya o bukas ay hindi na. lahat naman nag-babago kaya para less disappointment ay kailangan natin kontrolin ang mga bagay na pwedeng mag paramdam sa’tin non. “Takot ka na ba ngayon?”  tumango siya. “Bakit nag hahalikan kayo ni Sam nang unang araw natin dito?” “Katulad ng sabi ko sa’yo dati hindi ko alam paano niya nalaman dito. Wala akong ibang pinag-sabihan ng mga bagay na puupuntahan at ginagawa ko. Hinalikan niya ako, hindi niya alam na nandito ka rin kasama ko. Kaya naman ay nag-pupumilit siyang mag stay dito. “Bat nakah-hawak ka pa sa bewang niya, sarap na sarap ka naman sa halik niya.” Singhal ko sa kanya bago siya tinulak. “Hindi ko naman pwedeng hilahin ang buhok niya, ang kamay niya naman ay nasa batok ko kaya hiniwalay ko siya gamit ang bewang niya. At dumating na si Sea,” paliwanag niya. Palusot. “Teka, nag-seselos k aba?” “Ano naman ika-seselos ko do’n!?” asik ko. Hindi naman talaga ako nag seselos, na iinis lang ako sa tuwing kailangan ko  siya palagi siyang wala. Mas pinipili niya ang iba kesa sa’kin na kailangan siya. Hindi talaga ako nag-seselos, promise? “Sigurado ka? Ayos lang naman kahit mag-selos ka, hindi kita pipigilan.” Gusto pala nitong nag seselos ako, ganon? “Sabing hindi nga! Baka ikaw ang nag-seselos dyan, seloso ka pa naman.” Pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi ako at sinulat sa buhangin ang pangalan ko, tatlong araw nalang kami dito. “Syempre! Talagang mag-seselos ako sa kanila. Ngumi-ngiti ka sa kanila sabay sakin galit na galit ka. Tsaka alam mo kung bat ako nag-seselos sa kanila?” tanong niya. Sumeryoso ang mukha niya at naka-tingin lang ang mata niya sa’kin. “Bakit?” “Dahil mahal kita, Catalina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD