Chapter 13
“Matagal ko pa ba? Malapit na umulan, saan ka na ba?” nag aalala kong turan sa kanya. Malapit na lumubog ang araw, malakas ang simoy ng hangin at dumidilim na rin ang kalangitan.
Mukhang making araw ang na isip ko kung kalian kami mag kikita. Isang lingo na rin, simula ng ikasal kami ay naging abala na kami sa kung ano-anong bagay. Habang graduating siya ng marine, ako naman ay loaded sa mga units ko dahilan para madalang kaming mag kita.
“Pasensya na, mahal. Traffic palabas ng NLEX, mukhang may na akdisente sa hindi kalayuan. Sumilong ka nalang muna, hintayin mo nalang ako sa Jollibee.” Napabuntong hininga nalang ako sa tinuran niya. Wala akong magagawa, inaasahan ko nang mahuhuli siya ngayon.
“Basta’t mag ingat ka. Pag labas mo ng LRT mamaya’y mag payong ka para hindi ka mag kasakit.”
“Opo, sugar mommy.” Binaba ko ang tawag. At dumiretso sa malapit na Jollibee, malapit na ang labasan ng ibang istudyante kaya naman dumarami na rin ang tao sa paligid.
Nakangiting tinitigan ko ang singsing na nasa kamay ko. Silver lang ‘to, gawa sa mumurahing bagay pero sobrang laki ng halaga para sa’kin. Hindi ko akalain na sae dad na bente ay mag mamahal ako ng ganito at mag papakasal na walang kahit anong basbas nang magulang.
Tanging limang tao lang ang nakaka-alam, si Octavia, Rio at ang nag kasal sa’min. Sila lang ang tanging may alam ng ginawa at naging saksi kung paano kami mag isang dibdib. Sa una’y pinipigilan pa ako, dahil sino nga ba ang may alam ng mangyayari hindi ba?
Pero, tama siya. Sino nga ba? Pinakasalan ko si Miguel, para tuluyan nang maging akin siya. hindi na mag hanap ng iba at hindi na ako iiwan. Sa tingin ko’y iyon ang pinaka-tanga na naging desisyon ko sa paningin ng iba pero ito ang gusto ko.
Halos dalawang oras pa akong nag hintay. Kumain na ako lahat-lahat ay di pa rin siya nakakarating. Nag umpisa na kumabog ang dibdib ko. Baka ano na ang nangyari sa kanya.
Kinuha ko na ang mga gamit ko, kailangan ko munang libangin ang sarili ko at lasapin ang ulan. Ngayon ang unang beses na umulan ngayong marso, nakakatuwa ang lamig at tunog nang bumagsak ng tubig. Katulad ng dagat, payapa at nakakalungkot ang agos.
Nag lakad lang ako, hanggang makarating ako sa CUP. Ang college of pasay, gusto ko mag aral dito pero hindi ako pinayagan. Kaya’t heto. Nag durusa ako sa school na walang ginawa kundi ang huthutan ng pera ang studyante.
“Bakit parang layo naman ng nararating mo, iha?” nilingon ko kung saan nag mula ang boses. Tatlong lalaki, parehas silang nakangisi sa’kin at hindi katiwa-tiwala ang mga lumabas sa mata nila.
Hindi ko sila pinansin. Malaki at mabilis ang mga bawat hakbang na ginawa ko. Nag umpisa akong kainin ng kaba, pumunta ako sa isang kanto. Liko dito, liko doon. Hindi ko na alam kung saan ako papunta pero isa lang ang nasa isip ko.
Ang makalayo ako sa mga lalaking ‘yon. Takbo, linga at tago. Hindi ako tumitigil kahit nag uumpisa na mangalay ang buo kong katawan sa ginagawa ko. Kita ko ang mga istudyante sa Aims na nag uumpisang mag labasan sa building nila.
Buti naman at kahit paano’y dumami na ang tao sa paligid. Agad akong humalubilo sa kanila, mas maganda ‘to kesa sa ako lang mag isa ang nag lalakad.
“Catalina?” nilingon ko kung saan nang galing ang sigaw. Si Cocoy. “Anong ginagawa mo dito? Gabi na, hindi ka pa uuwi?”
Umiling ako. “Hindi muna ako uuwi sa’min. may kailangan pa akong tapusin,”
Sinungaling. Sa totoo niyan ay balak kong mag palipas ng gabi kasama siya, pero ang paalam ko ay may thesis kaming tapusin at hindi pwedeng wala doon.
“Papayong nalang ako” pakiusap niya’t sumilong sa payong ko.
Nag umpisa na kaming mag lakad, hawak niya ang payong at ako naman ay hawak ang cellphone. Bakit hindi pa siya tumatawag? Dapat ay nandito na siya kanina pa, 30-45 minutes lang naman ang byahe sa monument hanggang edsa.
“Teka, daan muna tayo sa CUP” turan ko bago tinuro ang daan. Malapit lang naman kaya’t tumango nalang siya.
Hanggang ngayon, mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Masakit na ang likod at paa ko, gusto kong umiyak dahil sa takot pero hindi dapat ako umiyak sa harap ng lalaki.
“Bakit ka huminto?” aniya.
Hindi ko siya pinansin, nakatingin lang ako sa dalawang tao. Kilalang-kilala ko kung sino ‘yon. Napalunok ako ng laway ko, ramdam ko na rin ang pangingilid ng mga luha sa mata ko.
Si Miguel, hawak niya ang isang babae. Habang hindi pansin ang atensyon na binibigay sa kanila ng ibang dumaraan. Ang kaninang kaba at takot na naramdaman ko ay napalitan ng sakit.
“Catalina” hindi ko pinansin ang tawag ni Cocoy. Inabot ko sa kanya ang hawak kong bag, at umalis sa payong na hawak niya.
Kagat labing lumapit ako sa pwesto nila. Hindi nga ako nag kaka-mali, si Miguel at Sam ‘yon.
Kinuha ko ang cellphone ko, tiwagan ko siya at kita ko ang pag hinto nila.
“Hello?” pagbati niya.
“Mahal, na saan ka?” pinipilit kong hindi pumiyok. Pinasigla ko ang boses ko katulad ng palaging bungad ko sa kanya.
“Nandito pa ako sa LRT, mahal. Medyo masikip pa, mamaya ka nalang muna tumawag.” Sabi niya bago binaba at hinawakan sa bewang si Sam.
Nag umpisa nang mag patakan ang luha ko. Mabuti nalang at umuulan, hindi makikita ang mga luha ko dahil kasabay ng pagbagsak ng ulan ay nag tatago ang luha ko.
Nag umpisa na silang mag lakad, sinundan ko lang sila. Hawak niya sa bewang si Sam at hindi binibitawan, hanggang huminto sila sa harap ng hotel.
“M-miguel” tawag ko sa kanya. Hindi ako na bigo, nakuha ko ang atensyon niya.
Bakit? Bakit kailangan mong mag sinungaling. Asawa mo ‘ko, hindi ba’t dapat ako lang. bakit may Sam? Bakit may kasama kang Sam ngayon imbis na ako lang?
“Catalina” bulaslas niya. Wala ako sa sariling umiling, bago tumalikod sa kanya.
Isa sa pangako ko sa sarili ko, na hindi mag hahabol ng lalaki sa buhay ko. At isa sa pangako namin ay walang ni isa sa’min ang sisira sa twala ng isa’t-isa pero bakit ngayon. Heto ako, umiiyak.
“Mag hiwalay na tayo, Miguel” nag umpisa na akong tumakbo. Tumakbo papalayo sa kanya, rinig ko ang sigaw niya pero hindi niya ako hinabol o sinundan manlang.
Mas importante si Sam. Kahit ako na ang asawa niya ay wala pa rin makakapantay sa pagma-mahal niya kay Sam. Sino nga ba ako hindi ba?
Hindi ako matalino, sexy at mayaman. Hindi ako si Sam at malaking kabaliktaran niya lang ako, kaya sino nga ba ako. Kahit sino naman ang papapiliin sa lahat, si Sam ang pipiliin.
Madilim na, Malakas na rin ang ulan at malalaki na ang bawat butil na tumatama sa balat ko. Napa-upo nalang ako, buti nalang at walang gaanong tao sa pwesto ko.
“Bakit?” tanong ko sa sarili ko.
Binigay ko naman sa kanya, ginawa ko ang lahat para hindi na siya tumingin sa iba at mapantayan si Sam sa puso niya. Pero lahat pala ng ginagawa ko kulang pa, dahil kahit kalian hindi ko na tanggal si Sam sa puso niya.
Tumingin ako sa langit ng mapansin na walang ulan ang tumutulo sa akin. Payong?
Tinignan ko ang kung saan nang galing. Bumungad sa’kin si Cocoy, seryosong nakatingin lang siya sa’kin bago nag alok ng kamay. Kinuha ko ‘yon at mabilis siyang niyakap.
“Ano pa bang pagkukulang ko?” tanong ko. Lahat naman ginawa ko na, bakit ganito pa rin ang nangyari.
Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinili.
“Hindi ka nag kulang, sadyang hindi niya lang na kita ang halaga mo.” Inalo niya ang likod ko, “Lagi mong tandaan, Catalina. Walang salitang sapat sa taong hindi marunong makuntento”
Umiyak lang ako, habang yakap siya. hindi siya nag reklamo sa basa kong damit na unti-unting lumilipat sa kanya.
Ngayon dapat ang araw na maso-solo ko siya, makatabi siya sa gabi at mayakap siya habang natutulog pero iba ang kinalabasan. Humiwalay ako kay Cocoy, bago siya tinignan sa mata.
“Pasensya na” hinging paumanhin ko.
“Wala ‘yon, umuwi na tayo.” Umiling ako.
Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag isip at ilabas ang luha ko, hinabol ako ng mga hindi kilalang lalaki at ngayon nakita ko ang asawa ko na may kasamang iba. Bakit ba ang saklap ng buhay ko, wala naman akong ginawa para mantapak ng tao pero bakit ganito ang nangyayari sa’kin.
“Hindi ako uuwi. Hatid mo ako sa malapit na hotel, gamitin mo ang payong ko sa pag-uwi.” Aniko. Hindi na siya kumontra pa.
Ayaw ko na may makakita sa’kin na umiiyak. Tinignan ko ang cellphone ko, walang tigil na nag ring. Lumabas ang pangalan ni Miguel, pinili ko nalang patayin ang tawag niya. Kailangan ko mag-isip, kailangan ko maging malakas ngayon, pero isa lang ang gagawin kong desisyon.
Ang iwan siya. Isang lingo palang nang ikasal, walang kapantay ang saya na naramdaman ko ng panahon na ‘yon pero ngayon, wala rin kapantay ang sakit na nararamdaman ko.