Chapter 12
“Sigurado ka bang gusto mo na umuwi?” tumango ako. Halos na subukan na rin namin ang lahat nang nasa perya, siguradong malaki na rin ang na gastos niya ngayong gabi. Nakakahiya naman kung itutuloy-tuloy ko pa ang pag lalaro habang siya ang na gastos.
“Mag inom nalang tayo,” isa sa mga gusto ko dati. Ang uminom kasama siya habang nakatingin sa dagat at malakas ang simoy ng hangin.
Wala lang, para sakin kasi ang pag-inom kasama ang taong mahal mo ay isa sa pinaka-sweet. Pero hindi ko siya mahal, siguro.
“Kahit kalian talaga ang hilig mo sa alak” umiiling niyang sabi.
“Hindi naman gaano” totoo.
Mabilis na akong malasing kesa ng senior high ako, na halos hindi ako malasing kahit halo-halong alak pa ang ipa-inom sakin. Ngayon halos hindi na ako makaubos ng isang litro ng empi.
“Sabi mo yan eh” wala kaming kibuan sa byahe.
Maaga pa, nasa alas-dyes palang nang gabi at nag-aya na ako umuwi. Habang gumagabi ay parami ng parami ang tao sa loob ng perya. Inaalala ko rin ang dalawang alaga ko na naiwan sa bahay, baka mamaya ay sira na ang mga gamit doon dahil sa pag ngatngat nila.
Bago dumiretso sa bahay ay huminto muna kami sa 7/11 na nadaanan namin. Hindi na ako nag abala pa bumaba at hinintay nalang siya sa loob ng sasakyan.
Pangalawang araw na namin ngayon dito, gusto ko naman na magawa ang mga gusto ko.
Hindi ko kasi ‘to magawa habang kasama sila papa. Madalas kasi pag-aalis at outing kami ay buong pamilya lang, dahil minorde edad lang ang mga kapatid ko ay hindi ko sila pwede makasama sa inuman. Kaya nganga.
Hindi siya nag tagal sa loob ng 7/11 at lumabas na rin. May hawak siyang dalawang malaking plastic at kita ko ang iilang alak ang nasa loob.
Akala ko pa naman kanina ay tatanggi siya sa gusto ko, samantala ngayon may balak pa akong lasingin sa dami ng binili niyang alak.
“Tuwa ka nanaman” nilapag niya ang pinamili niy sa backseat humarap sakin. Inirapan ko lang siya at tumingin sa labas. Hilig niya mag ganyan, pero siya naman talaga ang tuwang-tuwa.
Hindi rin kalayuan ay nakarating na kami. Nag sindi siya ng apoy at inayos ang pinamili niya, para lang kaming nag eemote habang parehas na hawak ang bote na iniinom namin.
“Bakit mo na isipan ‘to?” putol niya sa katahimikan. Hindi siya nag abala na tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa dagat, habang kumikinang ang mga bitwin sa kalangitan.
“Sabi mo gagawin natin ang bucket list” nilapag ko ang bote na hawak ko. “Bat mo na gawa dati yun?”
Gusto kong malaman. Gusto ko pa rin malaman kung ako ba talaga ang unang bumitaw at ako ba ang sumira sa relasyon namin. Katulad ng sinabi ng matandang lalaki kanina na pinag bilhan namin ng bracelet.
Sa sinabi niya parang ako ang may kasalanan, parang kasalanan ko kung bat kami umabot sa ganito.
“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo?” nag kibit balikat ako at tinungga ang nasa bote ko.
“Hindi ko alam. Gusto ko malaman,” tumingin din ako sa langit. Kasing ganda ng langit ngayon ang langit nang sinagot ko siya.
“Nang gabi na ‘yon” narinig ko ang pag buntong hininga niya. “Ang gabi na ‘yon ang pinag sisihan ko sa lahat na ginawa kong desisyon.”
“Bat hindi mo ko pinuntahan?” hindi ko makalimutan. Pinipilit kong pigilan ang luha na gustong tumulo sa mga mata ko. Wala pa naman pero bat sa tuwing naiisip at naalala ko ‘yon parang di ako na uubusan ng luha.
“Sorry. Tumawag siya sa’kin ng gabi na ‘yon habang papunta na ako sa’yo, nalaman ko na nag lasing siya kaya naman pinuntahan ko siya at dahil malapit lang naman siya sa tagpuan natin ay dinaanan ko muna siya. pero hindi ko akalain nag anon,”
“Nang mga panahon na ‘yon hindi mo ako na isip?” tumingin ako sa kanya. Umiling lang siya bago tumungga.
“Hindi. Nang makita ko siya hindi ka sumagi sa isip ko, hindi sumagi sa isip ko na pwede ka pa rin mapahamak. Ang akala ko kasi’y kaya mo ang sarili mo, akala ko hindi ka mapapahamak dahil kabisado mo na rin ang buong lugar.”
“Dahil kasama mo siya?” ani ko.
“Hindi, siguro. Alam mong simula una siya ang pinaka-mahal ko, pero nung nawala ka sakin na isip ko na mas mahal pala kita. Nang makita mong hinahalikan ko siya ng gabi na ‘yon, na dala ako. Hindi ko na isip na masasaktan ka pero lasing lang siya non. Siya ang unang humalik pero kasalanan ko.” Pag-amin niya.
“Kasalanan ko rin kung bakit nangyari ‘to, kaya nga lahat gagawin ko para mabawi ka.” Dugtong niya bago tumingin sakin. “Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Ibibigay ko lahat ng mga pangangailang mo. Kaya ko ‘yon pero alam kong hindi ka ganon.”
“Alam mo ba kung anong nangyari sakin ng araw na ‘yon bago ko kayo nakita?” umiling siya. malamang hindi niya alam, dahil ako lang naman ang nandon. Ako lang ang nag dusa, ako lang ang lumaban ng lahat lahat.
“Nalaman ko ng araw na ‘yon na patalikod akong sinisiraan ng mga kaibigan ko, sobrang sakit non sakin. Pero mas masakit pa pala nang makita ko ang taong mahal ay pinakasalan ko mas pipiliin ang iba.” Mapakla akong napangiti. Nang araw na ‘yon.
Doon ko na tutunan na lahat ng nakapaligid sa’kin ay hindi totoo. Hindi lahat ng sinasabi nang iba ay kailangan kong paniwalaan, at ang kaibigan ay hindi dapat sobrang pagkatiwalaan.
“Kasalanan ko ‘yon, alam ko. Kaya nga nandito ako para bumawi,”
“Paano kung ayaw ko na?” Pagod na kasi akong ma saktan, pagod na ako umiyak ng dahil sa kanya. Minsan na akong naniwala at minsan na rin akong nasaktan sa mga pinapaniwalaan ko na ‘yon.
“Hindi ako titigil na suyuin ka. Pero kung wala na talaga, ako na mismo ang susuko at lalayo sa’yo kaso Malabo.” Tumigin ako sa kanya.
Ganon din siya sakin at nakangiti. “Malabo na titigilan kita dahil sa ayaw mo na. nakatali ka na sakin kaya sa ayaw at sa gusto mo. Akin ka na,”
Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Tama siya, nakatali na ako sa kanya kaya kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakalayo at makakatakas pa sa kanya. Isang Miguel Reyes ang minahal ko, na kahit kalian hindi tinigilan ang mga bagay na gusto niyang gawin.
“Edi suyuin mo ako” nakangiti kong sabi.
Marupok ako. Marupok ako at ayos lang ‘yon, sa taong mahal ko naman at sa asawa ko pa. wag lang may babae at malaman na may karelasyon siyang iba.
Ngayon, hahayaan ko nalang muna na suyuin niya ako, kailangan ko makita kung seryoso ba talaga siya sakin.
“Hindi mo kailangan sabihin, dahil gagawin ko.” Hinawakan niya ang kamay ko at tinuro ang buwan.
“Saksi nanaman ang buwan.” Tumango ako. Laging saksi ang buwan sa lahat nang nangyayari sa’min dalawa sa relasyon namin.
Huli na ‘to, sana maayos na ang lahat.
“Alam mo ba nag sasawa na ako sa dagat?” alam ko. Nasa dagat siya palagi at laging nakakalasap ng sariwang hangin kesa sa’kin.
“Kailan ka sasampa?” nag kibit balikat siya.
“Hindi ko alam. Naiisip ko mag pahinga muna, pero baka pag nag pahinga ako wala na akong masampahan.”
“Ganon ba” walang gana kong sabi. Hindi ko siya pwedeng pigilan, alam ko ang pag sampa sa barko ang pinaka-gusto niya.
Ayaw ko rin naman maging selfish kaya habang nandito pa susulitin ko na.
“Wag ka na umiyak” sinamaan ko lang siya nang tingin. Nakuha nanaman mang asar sa ganitong nangyayarin.
Mahina siyang tumawa at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
“Nang gabi na ‘yon. Ang pinaka-malaking pag kakamali ko. Nang makita kitang umiyak, kung paano ka tumalikod sakin habang tinatawag kita, iba ang pakiramdam. Sobrang natakot ako, baka mawala ka sakin pero tapos na ang lahat. Babawi ako sa’yo, ayaw ko maging puro’s salita gusto ko gawin.”
Sana nga Miguel. Sana nga gawin mo, dahil ito na talaga ang huli.
Ayaw ko na masaktan ng paulit-ulit sa iisang dahilan at iisang tao, nakakapagod pero mas gusto kitang paulit-ulit na piliin.