Chapter 9: Ayaw ko na
Nang makita ko siya sa likod ng puno ng niyog ay tumakbo na ako papalayo kasama si Sea.
Hindi manlang ako nakapag-paalam kay Cedrick na aalis na, 'di bale nalang. Ayaw ko makita ang mukha ni Miguel ngayon, sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko isa nalang akong laruan.
Isang laruan na pwede niyang hubaran kahit saan bago iwan.
"Sea, yung nag bigay sayo sa'kin manloloko," hinimas ko ang ulo ni Sea na nasa braso ko.
Hindi ko na siya pinayagan na tumakbo dahil baka mamaya'y tumakbo nanaman siya sa dagat at maulit-ulit ang kanina.
Umupo ako sa isang malaking bato bago tumingin sa kalangitan.
Ang ganda ng gabi ngayon pero hindi maganda ang nararamdan ng puso ko. Habang ang malalakas na hangin at hampas ng alon ay sumasabay sa lungkot pati na rin sa sakit na nararamdaman ko.
Ang gusto ko lang naman maging masaya. Masaya sa isang tao na handa rin akong mahalin at protektahan pero iba ang nakukuha ko.
Puro's sakit nalang. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan k okay Miguel para maging ganito sakin pero bat paulit-ulit. Bat iba ang ginagawa niya sa sinasabi niyang hindi na niya uulitin ulit ang nakaraan.
Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit na kasi, akala ko pag punta namin dito ay magiging way sa pag-aayos namin pero baliktad pala. Kaya ayaw ko mag expect madidisappoint lang ako sa huli.
"Wag kang gagaya sa papa mo," baling ko kay Sea na naglalaro.
Nang makita ko sila, habang nag-aagaw buhay ako. Hindi ko alam, buti nalang ay may isang tao pa na nakakita sa'kin at walang pag-dadalawang isip na sinagip ako.
Si Cedrick, nalaman ko kanina na siya pala ang nag-ahon sakin sa dagat. Nahihiya ako sa ibang tumulong kanina para isalba ako na hindi ko napasalamatan dahil sa gulat ng makita na nandon din si Miguel.
Wala dapat siya doon. Dapat kasama niya si Sam.
"Wag kang tatalon," naagaw ang atensyon ko sa isang babae. Ang ganda niya. May itim na itim siyang buhok na mahaba at magagandang pares na mata.
Ang labi niyang manipis pati na rin ang ilong niyang hindi katangusan na bumagay sa kurba ng mukha niya.
"Ikaw ang babae kanina diba?"
"Huh?" nag tataka kong tanong.
Hindi ko naman siya kilala.
Ngayon din ang unang beses na nakita ko siya, dahil kung matagal ko na siyang nakikita edi sana siya ang pinag-papantasyahan ko hindi si Raven.
"Ikaw nga 'yon. Gabi na ba't ka pa nandito tsaka bakit yan pa rin ang suot mong damit baka mag kasakit ka."
Napatingin ako sa damit ko. Tama siya. hindi pa nga pala ako nakaka-pag palit ng damit dahil sa nangyari kanina sa bahay. Napakuyom ako ng palad ko.
Si Sam na nasa loob ng bahay ni Miguel na binigyan ako ng malakas na sampal.
"Hind-"
"Alam ko na, hindi ka umuwi no?" putol niya sa sasabihin ko. Tumango ako sa kanya,
Lumapit siya sa pwesto ko at naupo sa tabi ko. "Kanina nang makita kitang walang malay sobrang kinabahan ako. Yun ang unang beses nang team namin na may sagipin na tunay na nalulunod. By the way, ako nga pala si Cindy." Inabot niya ang kamay niya na agad ko rin tinanggap.
Ang ganda niya. Akala ko ay maganda na siya sa malayuan pero mas maganda pa rin pala siya sa malapitan. Wala siyang kahit anong make-up at sa simple nang pananamit niya ay makikita sa kanya na hindi siya maarteng babae.
"Ang swerte mo dahil maganda ka at kinakausap kita ngayon." Nakangisi niyang sabi bago tumingin sa dagat.
"Kanina habang nag lilibot ako dito, napansin ko ang isang bahay. Kaya lumapit ako ng mapansin na may babae't lalaking nag lalampungan sa gilid ng sasakyan. Naisip ko no'n nasa tabi na sila ng bahay bat hindi nalang sila pumasok sa loob at doon nila gawin ang himala nila."
Napakagat ako ng labi. So tama nga ang nakita ko kanina at hindi lang yun bunga ng imahinasyon ko.
"Hanggang nakita ko si Cedrick. Yung tumulong sa'yo kanina na nag mamadaling tumakbo kasabay ng aso mo. Doon ko nakita na ikaw pala ang sasagipin niya. At ang matalino mong aso ay umalis at pinuntahan ang boyfriend mo. Nag kakagulo na ang lahat non ng sabihin niyang kasama ka niya. Nang una'y hindi ako naniwala. Pero nang makita kita na tumakbo papalayo sa kanya alam ko na," nakayuko lang ako habang nag sasalita siya.
Kahit saan tignan para akong martyr at kawawang babae.
"Kung mag hahanap ka ng lalaki make sure that he can prioritize you. Hindi ka kayang lokohin at tumingin sa iba. Alam mo ba ang tatlong uri ng marino na kumakalat ngayon?" tumango.
Natawa naman siya bago mahinang tinapik ang balikat ko.
"Ang bobo mo, dahil nandon ka sa manloloko." Sabi niya bago tumayo at tumingin sa malayo.
"Salamat ah?" napatingin ako sa kanya. "Dahil napangiti mo siya. napalabas mo ng kahit konting emosyon ang kakambal ko," dugtong niya bago nag umpisa na maglakad papalayo sa pwesto ko.
Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. Nang una ay parang nilait niya ako, sunod naman ay nag bigay ng advice na may kasamang panlalait at ngayon naman ay nagpapasalamat sa hindi ko alam na dahilan. Tsaka kambal?
Ngayon ko lang siya nakita at mas lalong di ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa dagat. Ang gulo ng buhay ko,
NANG lumalim na ang gabi ay na isipan ko nang umuwi ng bahay. Wala akong pake kung nandon pa si Sam o wala basta't kailangan ko makuha ang mga gamit ko na naiwan.
"Catalina," hindi pa man ako nakakapasok ay agad na sumalubong sakin si Miguel.
Naka-upo lang siya sa isang kahoy at tila hininhintay ako.
Teka, sino ba niloloko ko? Ako nga ba o si Sam ang hinihintay niya.
"Mag usap tayo. Please?"
malamig na tingin lang ang pinukol ko sa kanya at diretsong pumasok sa loob ng bahay.
Ramdam ko ang pag-sunod niya sakin sa loob ng bahay. Hindi ko pa rin siya pinansin at dumiretso sa dala kong bag. Kumuha ako ng mga damit na pwedeng pamalit habang siya ay nakasunod lang sa likod ko.
Kailangan ko na mag palit ng damit. Hindi na maganda ang pakiramdam ko, nangangati na nag balat ko at ang buong katawan ko ay nanlalagkit pa. sabayan pa ng unti-unting pananakit ng ulo ko sa pagkababad at malakas na hangin.
Mabilis lang akong naligo. Nakita ko siyang naka-upo sa sofa habang nakatingin sa pag bukas ng pinto ng banyo.
"Catalina, please. Mag usap naman tayo," mahina niyang sabi at hinawakan ang braso ko. Tumingin ako sa ibang direksyon.
Nakaramdam ako ng pananikip ng dibdib ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nakita ko habang kasama niya si Sam.
Nakakapang-selos, dahil sa ilang taon na naging kami ay hindi niya pa rin makalimutan si Sam.
Siya pa rin ang lagi niyang inu-una kahit kami na- kahit ngayon si Sam pa rin ang inuuna niya.
""Sorry. Catalina, hindi ko alam kung paano nalaman ni Sam na nandito ako at naka-uwi na. please, pakinggan mo naman ako," hindi niya rin baa lam kung bat sila nag hahalikan.
"Bat ka nag papaliwanag, may tayo ba?" maigsi kong sabi bago hinila ang kamay ko at pumasok ng kwarto.
Wala naman din akong karapatan magalit. Matagal na kaming tapos, wala akong karapatan magalit dahil wala naman akong ibang pinanghahawakn. Kahit mga salita niya na hindi niya kayang panindigan.
"Please, Catalina"
"Ano nanaman 'yon? Hindi mo nanaman baa lam? Hindi mo nanaman alam na pumunta si Sam dito, tapos hindi mo nanaman alam na pwede natin ikasira ang ginawa niyo?" nag umpisang magptakan ang luha ko. "Ano ba Miguel. Kung sasaktan mo lang ako ulit, please lang umalis ka na. wag mo ng ipilit ang sarili mo sakin kung alam mong iiyak lang ako sayo."
Kita ko ang paghinto niya.
"Gagawin mo nanaman akong bulag. Gagawin mo nanaman akong bulag at sasabihin na mali ako ng inaakala na hindi ganon yun. Ano Miguel, ano yung nakita kong naghahalikan kayo habang wala ako?"
"Nakakapagod na, nakakapagod na masaktan nang dahil nanaman sa iisang issue na 'yan. Ganon ba yun kahirap? Kung hindi mo siya kayang bitawan. Sana, sana hindi mo nalang ako ginulo ulit. Sana hinayaan mo nalang ako." Tinakpan ko ng palad ko ang mukha ko.
Kasi kung bumalik ka lang para saktan ako. Congrats! Nagawa mo. Nasaktan mo at napaiyak mo ulit ako.
"Sorry,"
"Sorry nanaman? Sorry tapos uulitin mo nanaman ang ginawa mo?" umiling ako at tumingin sa kanya.
"Yun lang naman ang kaya kong sabihin. Sorry kung paulit-ulit nalang ako. Sorry kung hindi ko kayang panindigan, pero isa lang ang alam ko. Mahal na mahal kita,"
"Ayoko na, Miguel."
"Catalina naman," reak niya sa sinabi ko.
"Ayoko na, Miguel. Paulit-ulit nalang tong ginagawa natin, ayoko na" sabi ko bago tumayo at kinuha si Sea na kanina pa kumahol.
"Kung gusto mo patunayan, gawin mo. Pero hindi ko na kayang maniwala sa mga sasabihin mo," ayaw ko na ma-dissapoint ulit.